Sophie's Povs
Kinabukasan late na akong nagising, at pag sinabi kong late as in late talaga as in quarter to 11 na. Napabalikwas ako ng bangon at agad na tinungo ang banyo at naligo ng mabilisan. Gosh. May kailangan akong ibake na order sa bakeshop ngayon. At kailangan na iyon bukas. Kaya ngayong araw ay kailangan ko ng gawin at tanghali na, kaya kailangan ko ng magmadali. Panigurado nito gagabihin ako nitong matapos. Tatlong tag three layered cake pa naman iyon na cenderilla them.
Hay, nakakainis. Kasalanan ng Ace Brandon na yun. Siya ang dahilan kung bakit alastres na ako nakatulog. Nagbasa ako ng magazine niya at nag stalk pa sa mga social media about sa kanya. Di na rin naman siya tumawag o nagtxt ulit pero umasa ako kaya hindi rin ako nakatulog agad. Gosh. This not really healthy. Ngayon lang ako nagpuyat at nalate dahil sa kanya.
Mabilis akong nakabihis at bumaba na agad. Ang nagtatakang mukha ni lola ang nabungaran ko sa sala.
"Morning, la." Nagbeso ako dito.
"May sakit ka ba? Kanina pa kita kinatok sa kwarto mo pero tulog na tulog ka. Nagpuyat ka ba kagabi?" Sunod sunod na tanong nito na nasa mukha ang pag aalala.
"Yes la. May mga inventory lang akong ginawa? " Pagdadahilan ko. "Si lolo?" Tanong ko pa.
"Maagang umalis nag golf naman. May tournament das sila ng mga kaibigan niya. Maglunch ka muna bago umalis. Ipag hahanda kita. Saglit lang." Tatayo na sana ito mula sa pagkakaupo sa sofa pero pinigilan ko.
"Wag na la. Sa shop na ako kakain. Nagmamadali ako eh. May rush pa akong gawa ngayon. Baka gabihin din ako mamaya. Wag mo na akong hintayin. Bye, la." Hinalikan ko ito sa noo at mabilis nang lumabas.
"Hay, nakung bata ito." Rinig ko pang sabi nito pero hindi ko na pinansin at agad na sumakay ng kotse ko. Pinagbukas naman ako ng gate nang nag iisang kasambahay namin.
Pagdating sa shop nakaprepare na ang mga kakailanganin kong gamit at ingredients. Magpapatulong ako sa dalawa sa mga staff ko para mapabilis ang gawa ko. Kumain lang ako ng cupcake at nagkape bago magsimula dahil iwan ko pero hindi pa ako nagugutom.
Alas kwatro na at wala parin akong pahinga. Tapos na ang dalawang cake at sinisimulan na ng dalawang staff ko ang isa pa. Ako naman ay nagsimula ng gumawa ng mga arts para ipang design sa naunang dalawa. I am making a pegurin of cendirella at ng prince charming nito. This is what I enjoyed making cakes. Ang magdesign.. nachachallenge kasi ako. At pag naapreciate at natuwa ang customer ko masayang masaya na ako.
Ever since baking is my first love. Bata palang ako nahilig na ako sa kusina. Naalala ko pang six years old palang ako ay inenrol ako ng nanay ko sa isang baking school ng mga bata and I enjoyed it so much.
Tutok ako sa ginagawa ko nang pumasok ang isang staff mula sa labas.
"Miss, Soffie may nag hahanap po sa inyo."
Nilingon ko ito sa nagtatakang mukha. "Sino?" Kung si Hanz, eh dire diretso naman yun dito at bigla nalang mang isturbo. At
Kung sila lola naman ay tumatawag muna yun bago pumunta dito."Hindi po sinabi ang pangalan. Basta tawagin daw po kayo." Anang staff ko. Halata sa mukha ng staff ko ang kilig kaya nagtaka ako lalo.