Chapter Six

0 0 0
                                    

Sophie's Povs.

Tahimik namin pareho ni Brandon hanggang sa makarating kami ng mall na pag aari niya kung saan nagkita na rin kami dati. Nag park ito sa isang private parking na siya lang daw ang nakakapagpark.

Kinakabahan ako. It's like we're dating. At kinikilig naman ako. Who have just thought that I'm with the famous handsome Ace Brandon Blackwell. Parang hindi parin nag sisink in sa utak ko ang mga pangyayari.

"Let's go, baby. Baka gusto mo buhatin pa kita?" Napakurap ako ng magsalita siya sa gilid ko. Nakababa na pala ito at pinagbuksan pa ako ng pinto. Masyado ba akong natulala?

I just rolled my eyes at bumaba na rin.

"Stop rolling you eyes, baka mahalikan kita." Napalingon ako sa sinabi niya. Hahalikan? Gish, gusto ko yun. Ay, hindi pala. Di pa ako marunong humalik. If ever, first time ko yun. Dapat romantic at unforgetable. Ngek! Ang landi.

He just smirk. "What? You want me to kiss you. It'll be an honor, sweetheart." May halong panunudyong sabi nito na ikinapula na naman ng mukha ko. Grabe tong lalaking to. Alam na alam kung paano pakiligin ang isang babae.

Dahil sa naiilang ako inirapan ko lang ito at tinalikuran. "Bala ka diyan. Kuskus mo sa pader yang bibig mo kung gusto ko." Nakabusangot kong sabi na nagpatiuna na papunta sa entrance ng mall.

Narinig ko pa ang pagtawa niya at maya maya ay nakaakbay na ito sa akin na nagpanginig naman sa kalamnan ko. Shemay namang Brandon na to.

"Your so pikon, sweetheart."

"Sweetheart mo mukha mo. Sa dami ng babae mo dami na ring endearment ang alam mo." May halong pagtatampo ang boses ko. May pa baby na kasi may pa sweetheart na. Napapaghalataan tuloy na babaero.

"Gusto ko nga lahat ng endearment itawag ko sayo eh. At kulang pa yun. Hindi ka ba kinikilig?"

Langya talaga!

"Hindi! Kaya tigilan mo ako. Gusto ko ng peace of mind habang nagshoshopping ngayon. Ayoko nang may magulo." Kinuha ko ang nakaakbay na kamay nito sa akin. At dumistansiya naman siya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Para tuloy itong modelong naglalakad sa runway. Nainlab lalo tuloy ako.

"Will, kung sinasabi mong gusto mong mag isa. I'm sorry, baby. Pero gusto kitang samahan. But don't worry, mananahimik lang ako."

"Gusto kong mag isa, Brandon. Ayokong makita ng iba na kasama ka. Mamaya kung anu isipin nila." Tumigil siya at hinarap ito. Hindi pa kami nakakarating mismo sa loob ng mall dahil mahaba pa ang nilakad namin mula sa parking nito. Nererenovate kasi ang elevator nito paakyat kaya naglakad kami papunta sa ibang entrance.

"Then, don't mind them. I'm single and so are you. Anung masama?"

"Panu mo nalamang single ako?"

"Sources, baby." He smirk.

"Yan ka na naman sa sources mo. Ayokong maging instant sikat. Mamaya magalit pa yung mga babae mo, bigla bigla lang akong sabunutan kung saan?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'M INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon