Chapter 6

482 8 6
                                    

Courtney's POV

"Okay ka lang?" Pag-aalalang tanong sa akin ni Louielyn. Nandito kasi kami ngayon sa library. Kami lang tatlo ni Mary Rose dito. Wala na kasi akong klase pero may practice ako mamayang 5:30 pm. Hindi ko alam kung nasaan si Steph at Mg. Baka kasama nila mga girlfriend nila.

"Oo naman, bakit?" Sagot ko sakanya. "Ang tahimik mo kasi ngayon. Diba dapat mga babae mo ang kasama mo ngayon?" Curious na sabi niya habang nakatingin sa akin at sinira ang librong binabasa habang si Mary Rose ay nagbabasa pa rin ng libro.

"Wala kasi akong choice kagabi. Umuwi ako at nagfamily dinner kami. Hindi ko naman talaga alam na maaga pala siya umuwi kagabi. Hindi na ako nakapag hindi." Paliwanag ko sakanya at isinara ko na rin ang librong hawak ko.

Actually, hindi ko naman talaga to binabasa eh. Tumitingin lang ako sa mga pictures nito. Si Mary Rose lang talaga yung mahilig sa amin ang magbasa and most of the time, siya yung matino sa amin. Parang siya yung ideal girlfriend mo sa pagiging gentlewoman at pagiging loyal niya.

"Dude ni minsan ba, hindi mo naisip na komprotahin ang mommy mo tungkol diyan sa problema mo? Oh sabihin mo sa daddy mo? Para di mo sino-solo yan." Singit ni Mary Rose habang ang mata ay nasa libro pa.

"Hindi ko kayang makita si Daddy na masasaktan. Hindi ko pa kayang makita at maramdaman na hindi kami kompleto. I can't take that risk. I still love my dad even though he's kind a selfish sometimes." Saad ko tsaka yumuko.

"Don't worry guys, makakalimutan ko na rin to kapag may nakita na akong babaeng magpapasaya sa akin ngayong araw na to." Saad ko sa kanila at ngumiti ng pilya.

At parang on cue naman na nakita ko si Jasmine na nasa ibang table at nakatingin pa sa akin. "At nakita ko na nga siya." Sabi ko at ngumiti sa kanila.

Agad kong pinuntahan si Jasmine na parang natulala na tumingin sa akin. It's been 1 week since our first encounter.

"Hi Jasmine!" Bati ko sakanya sabay ngiti. "Hello." Bati niya sa akin sabay ngiti. Parang nahihiya pa rin siya sa akin. "Bakit mag-isa ka lang dito?" Curious na tanong ko sakanya at umupo na rin sa tabi niya.

"Umuwi na sila at nagpaiwan ako. Humihiwalay talaga ako sa mga friends ko kapag ganitong malungkot ako. Ayaw ko kasing mag-alala sila sa akin." Paliwanag niya sa akin sabay yuko. Halata nga sa mukha niya na malungkot siya.

"Do you mind if i join you?" Suggest ko dahilan ng pag angat ng ulo niya at tumingin sa akin ng makahulugan. "I mean gusto ko lang samahan ka. Baka sakaling mabago ko pa ang isip mo. Maging masaya ka dahil sa akin." Dahilan ko sabay ngiti.

"Pinapasaya mo na nga ako eh." Bulong niya habang nakayuko. Akala niya hindi ko siya narinig. "May sinasabi ka?" Sabi ko at kunwaring walang narinig.

"Ha? Wala!" Tanggi niya. "Sabi ko wala ka bang klase or practice?" Dahilan niya at tsaka ngumiti sa akin na parang nahihiya.

"Wala na akong class at mamaya pang 5:30 ang practice ko." Saad ko.

"Well, if you want, we can go out right now? You know, have fun? Para mawala naman tong mga malungkot na nararamdaman natin. " Aya ko sakanya sabay ngiti. Napatingin siya sa akin. Parang nagba-blush siya.

"Total mamaya pa naman klase niyo eh. Mamaya pa din practice ko." Dugtong ko.

"Okay, sige." Sagot niya na ikinatuwa ko naman at ngumiti.

Agad kaming tumayo at ibinitbit ko rin yung varsity jacket ko. Tumingin sina Louielyn at Mary Rose sa akin sabay nga-nga sa mga bibig nila. Tinignan ko lang sila ng nakakaloko at kumindat. Tumawa naman sila agad dahil sa ginawa ko.

Take The RiskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon