Chapter 1.

28 3 0
                                    

CASSANDRA'S POV

"Anak, gumising ka na. "

"Nana, ayokong pumasok. Dito na lang po ako sa bahay."

"Hindi pwede Cassandra, pumasok ka para hindi magalit ang Daddy mo. At kung nabubuhay pa ang Mommy mo hindi siya matutuwa na lumiliban ka sa klase."

Napangiti ako ng mapait.

"Nana, kahit naman anong gawin ko galit si Dad e. Dinamay mo pa si Mommy, nanahimik na yun. Maliligo na ko Nana."

"Sige, nakahanda na sa banyo lahat. Tawagin mo ko kung tapos ka na."

Pumasok ako ng banyo. Para sa kanila ang daling sabihin na "kaya mo yan, kaya mo 'to. Madali lang naman yan."

Hindi kasi nila alam yung pinagdadaanan ko. Kaya ganun lang para sabihin nila na" gawin mo yan,gawin mo 'to." Especially si Dad, gusto niya lahat perfect. Paano ko magagawang perfect e ni hindi nga ko makakita. Ginagawa ko na lang lahat ng gusto niya dahil utang na loob na rin dahil pinili niyang buhayin ako. At alam ko rin kung gaano ako kahirap alagaan dahil isa akong bulag.

Namatay si Mommy sa panganganak sakin, pinapili ng Doctor si Dad kung sino ang gusto niyang mabuhay samin. Hindi ko alam bakit ako ang pinili ni Dad though alam niya na na bulag ako ng ipinanganak.

"Nana, yung ID ko po."

"Ay eto."

Si Nana. Simula bata ako siya ang nag-alaga sakin. Siya ang nagsilbing mata ko sa bahay na 'to. Lahat itinuturo niya sakin. Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala si Nana. Matanda na si Nana, kaya minsan kahit hindi ko nakikita, nararamdaman kong napapagod na siya pero nandiyan pa rin siya. Sabi niya parang anak niya na rin daw ako. Walang asawa at anak si Nana. Namatay daw yung asawa niya isang taon pagkatapos nilang ikasal dahil naaksidente raw. Napakabait ni Nana. Kaya nagpapasalamat talaga ko dahil siya ang nagaalaga at nagtatiyaga sakin.

"Nana, aalis na po ako. Si Dad?"

"Maagang umalis, iha. Sige, magiingat ka ha. Magaral kang mabuti"

"Opo. Salamat Nana."

Sumakay na ako ng kotse. Iniwan na naman pala ko ni Dad. Sa buong buhay ko, never akong niya kong isinabay papuntang school. Si Dad ay Principal ng school namin. Pero hindi alam ng buong school na anak niya ko. Sino ba naman kasi ang tatanggap na anak ako, bulag at pabigat. Ewan ko rin bakit hindi nahahalata ng mga schoolmates ko na parehas kami ng surname. Nakakatawa. Ikinakahiya niya siguro ako. Tss.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse.

"Maam Cassandra, nandito na po tayo sa school niyo."

Inalalayan niya ko pababa ng sasakyan.

"Ah sige po Manong Henry, Salamat po. Papasok na po ako. Magingat po kayo."

"Sige Maam, Ingat! Galingan niyo sa pagaaral niyo ha!" *^O^*

"Haha. Opo. Sige. Babye!" Kumaway ako kahit hindi ko alam kung saan siya nakapwesto pero base sa pagkakarinig ko nasa harap ko siya.

Narinig kong umalis na ang sasakyan. Napakasigla ni Mang Henry kaya masaya lagi akong pumapasok sa school dahil lagi niya akong pinapatawa. Nakakatuwa nga e masaya akong papasok pero pag uwi ko para akong lugmok na lugmok. Minsa uuwi akong may tapon ang juice sa uniform, minsan basang sisiw, may palaka sa bag at kung ano ano pa.

At dahil yun sa mga Mean girls. Bully girls pala. Ano na naman kayang pagdadaanan ko ngayong araw sa mga yun?

Best Thing I'd Ever HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon