3rd Person's POV
"Nakakainis talaga yung Nathan na yun Nana." Sabi ni Cassandra sa kanyang yaya na naghahanda ng pagkain sa kusina samantalang siya ay nakaupo lang at naghihintay.
"Ano bang ginawa sayo ni Nathan at naiinis ka? Kay tagal ko ng di nakita ang batang yun. Napakagalang nun at gwapo pa!"
"E pano ba naman kasi Nana, magaling naman na daw siya magpiano. Sabi pa nga yun ng Papa nya e!"
"Ikaw talagang bata ka. Hindi mo pa nga kilala si Nathan. Baby ka pa kasi nung bago yun umalis dito sa Pinas, mga apat na taon siguro ang agwat niyo, subukan mong kaibiganin yun tutal dun din naman siya nagaaral. Nasabi mo na rin sakin na wala kang kaibigan doon diba."
"Wag na Nana" malungkot na sabi ni Cassandra.
"Madadamay lang siya sa pambubully sakin katulad ni Clarisse."
Si Clarisse ang dating kaibigan na kababata ni Cassandra ngunit lumayo ito sa kanya ng pumasok siya sa SY University kung saan napagtripan siya ng RAMPA Girls at lahat ng lalapit sa kanya ay dinadamay na rin sa pangbubullyng gnagawa nila. Kaya simula nun,wala ng gustong lumapit kay Cassandra kahit na mismong si Clarisse na kaibigan niya. Nasanay na rin siyang magisa at hinaharap ang mga ginagawa ng rampa girls sakanya.
"Kawawa naman ang alaga ko." Ang Nana niya na naawa sa kanya.
"Kung pinayagan lang sana ako ng Daddy mong samahan ka sa university ay maipagtatanggol kita."
"Okay lang ako Nana, basta ba't hindi nila ko sinasaktan"
"Namumuro na talaga yan saking mga kaschoolmates mo e,pag ako hindi nakapagtimpi susugurin ko yang Rampa girls na yan, tignan mo sa pangalan pa lang ng grupo nilay parang wala ng patutunguhan sa buhay yang mga yan!"
"Conchita, watch your words. Wag ka nagsasalita ng mga ganyan sa harap ni Cassandra"
Biglang dating ng Daddy ni Cassandra na nakakunot ang noo.
Si Cassandra namay natahimik nalang.
"Sorry po Sir" Si Nana.
Hindi narinig ng Ama ni Cassandra kung ano bang pinaguusapan nila,ang narinig lang nitoy ang huling salitang binitiwan nito kung saan sinabi niyang walang patutunguhan.
Hindi na rin nagtanong pa ang Ama niya kung ano ba yon.
Nagsimula na nga kaming kumain ng dinner.
"Tomorrow evening, Mr. Dela Paz and his family will be here. He wants to see you and introduce Nathan to you. Prepare yourself Cassandra."
"Yes Dad" Ilang na sagot ni Cassandra.
Excited siyang makilala si Nathan though may konting inis siyang nararamdaman pero gusto niya iting makilala dahil napapatawa nito ang kanyang ama. Gusto niyang malaman kung bakit pumayag ang Dad niya na turuan din ito maliban sa kanya. Baka may makuha siyang ugali dito at gawin niya sa kanyang ama para matuwa rin ito sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na siya sa kanyang kwarto.
Nagtoothbrush lang siya at naghilamos. Sanay siyang gawin iyon, kahit bulag pa siya ay kabisado niya na kung saan nakalagay at kung paano gamitin ang mga gamit sa kwarto at bahay nila.
Matutulog na siya at iniisip pa rin ang makikilala niya bukas.
Nakahigana siya sakanyang kama.
"Gwapo kaya siya?"
"Mabait kaya? Sana maging magkaibigan kami."
BINABASA MO ANG
Best Thing I'd Ever Had
RandomStory of a blind girl that meets this Boy who will do anything to make her happy. Love conquers all. Will they? *Story is Inspired by Gone*