Chapter 2

26 3 3
                                    

Cassandra's POV

Natatakot ako. Ang hirap maging bulag. Hindi ako makalaban. E kung magpatulong kaya ako kay Tabby kung paano lumaban? Kaso baka sungitan lang ako nun. Hmp. Wag na nga lang. Mabait na lang ako. (Basahin niyo po yung The XL Beauty haha. Nakakatawa yun!)

Halos kada araw na papasok ako,kung ano anong ginagawa nung RAMPA Girls na yun sakin. Oo, yan ang pangalan ng grupo nila. Mahilig daw kasi silang rumampa kung saan saan. Kahit nasa school lang daw e mga nakaporma sila na akala mo fashion show. Buti hindi ko nakikita. Dejoke lang. Gusto ko rin makita kung magaganda talaga sila. Yun kasi ang mga naririnig ko. Kaya nga sila sikat e.

Kaya nga hindi ko maintindihan bakit nagsasayang sila ng oras sakin. Hahayaan ko na lang, magsasawa rin sila.

Nagtataka kayo kung bakit ako nakakapagaral? Hindi naman talaga ko nagaaral dito. Home-schooling ako e. Pero nandito ako para matuto kung paano magpiyano. Halos dalawang buwan pa lang akong nagaaral. May mga tumutulong naman sakin na guard para makapasok sa music room. Si Dad kasi, siya yung principal dito at the same time siya rin ang nagtuturo sakin kung paano magpiyano. Gusto niya daw akong matuto nun para ipagmalaki niya naman daw ako. Ikinakahiya niya ko. Ni hindi nga alam ng school na anak ako ng Principal dba.

Nandito ako ngayon sa may gate, sa may waiting area, inaantay ko yung guard na maghahatid sakin sa room.

Back to RAMPA girls, acronym iyan ng pangalan nila. Ria, Angel, Madel, Princess at April. Ohmayghadd. Nandiyan na sila. Naririnig ko na yung mga tawanan nila.

"Oh my Gosh! Look who's here!"-Ria.

"It's someone I know who is pityful. And take note! She's blind!"-April.

"Oo nga. Di na nahiya,pati mga guard iniistorbo! Haynako."-Madel.

Kabisado ko na mga boses nila. Wednesday and Friday lang ako pumupunta dito. 3hrs lang ang Piano lessons ko. Pero parang buong araw akong nandito. Sa stress ko sa lessons, kay Dad at sa RAMPA girls nato.

"Hoy! Bulag! Goodluck ngayong araw! May surprise kami sayo!"-Princess.

"HAHAHAHAHA!" Tawanan sila.

"Let's go girls!"-Angel.

Sa dalawang buwan na nandito ako sa school na to iyan lang ang naririnig ko kay Angel. Wala akong ibang naririnig sakanya kundi 'Let's go girls!'. Bakit kaya?

Ayun. Naramdaman kong umalis na sila. Hayy salamat.

"Maam, pasensya na po. May kinuha lang po ako." Si Manong Security.

"Sige po Manong, Hatid niyo na po ako."

Hinatid na nga ako ni Manong sa Music room. Wala pa si Dad. Buti hindi ako late kung hindi aabutin kami ng 5hrs sa lesson ngayong araw. Ganun siya kahigpit.

Hindi ko alam bakit ganyan si Dad. Siguro ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Mommy.

Dumating na si Dad. Nagstart na kaming nang bagong lesson at kanta. Hindi ko talaga maintindihan to. Ang hirap hirap naman kasing magpiyano. Bulag pa ko. Ang strict pa ni Dad. Nakakapressure. Buti na lang may candies ako lagi. Stress reliever. Merong akong isang bote nanakalagay yung mga candies naparang gummy bears. Basta parang ganun siya. Masarap kaya yun!

Kumuha ako ng candy.Ang sarap talaga. Si Dad naman nandun sa may gilid ko, may lamesa siya dun. May pinipirmahan ata siya,naririnig kong may mga papel na kumakaluskos e.

May kumatok. Napahinto ako at napatingin sa pintuan kahit hindi ko naman makikita kung sino yun.

Yung pintuan sa music room may salmin siya sa taas ng doorknob, makikita mo yung nasa loob at labas ng music room. Syempre, hindi ko yun nakita, nakapa ko lang, nauntog nga ko dun e.

"Excuse me sir, Nandito na po yung anak ni Mr. Dela Paz." Ah, si Mr. Sebastian,Secretary ni Dad. Sino naman kayang anak ni Mr. Dela Paz? Mabait kaya sakin yun, marunong din kasi siyang magpiano, ayy hindi pala. Magaling siya. Veterano siya sa piano tapos yung anak niya nagpapiano din at magaling din daw kasi nagmana sakanya kaya lang nagAbroad daw para dun magaral. So makikita ko na pala yung anak niya galing sa abroad. Ay hindi ko pala makikita, mamimeet pala. -_-

"Oh! Iho! Pasok ka! Long time no see! Ang laki mo na!" Tumawa ng mahina si Dad. Wow ah. Sakin di pa siya tumatawa ng ganyan. Sino ba to?

Naramdaman kong may pumasok, nagpatuloy na lang akong kumain ng candy.Hayaan ko na lang sila jan. Nakakainis yang anak ni Mr. Dela Paz napapatawa niya si Dad. Kainis.

"Hi Sir, It's nice to see you again" Yung lalaki. Ano ba kasing pangalan niya.

Nagtawanan ulit sila ni Dad. Ano bang nakakatawa. Baliw na sila. Nakakainis talaga.

"Nathan, nasabi na sakin ng Papa mo na dito ka na ulit magaaral at good thing napili mo kung saan ako ang Principal.

"Oo nga ho Sir, Dito na ko for good! And gusto ko rin po sa inyo magpaturo ng piano lessons, ayaw akong turuan ni Dad. Dapat daw maghirap ako." Tumawa siya ng mahina.

"Good to hear that Nathan! I'm willing to do so!"

Anobayan! Ang epal naman ng Nathan na to! Kay Dad pa magpapaturo.Si Dad naman payag din. Ano na lang mangyayari sakin. Lalo na kong di mapagtutuunan ng pansin ni Dad. Kainis. -_-

Best Thing I'd Ever HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon