Chapter 4

8 0 0
                                    

Busy ang buong bahay. Lahat may ginagawa. Ako nandito lang sa kwarto. Pinindot ko yung clock sa may side table ng kama ko, pag pinindot kasi yun sasabihin niya kung anong oras na.

" It's already 6 o' clock pm"

Nako. Isang oras na lang darating na sila Mr. Dela Paz at si Nathan.

Ready na lahat. Im wearing a dress. Hindi ko na ieexplain kung paanong nangyari. Bulag lang ako, nagagamit ko pa rin naman buong katawan ko. Haha

So eto na pababa na ako ng hagdanan. Kaya kong bumaba at maglakad magisa dahil may white cane naman ako. Yun ang tawag sa stick na ginagamit naming mga bulag para malaman kung may obstacles ba sa dadaraanan namin. Alam niyo na yun diba?

Narinig kong may nagtatawanan sa sala.

"Dad."

"Eto na pala ang unica ija mo kumpare! Napakaganda! Wala pa rin pagbabago." Sabi ni Mr. Dela Paz.

"Nako kayo po Tito nambobola pa. Kamusta po?" Sabi ko ng nakangiti. Ramdam kong malapit na ako sa sala.

Lumapit sakin si Tito at hinawakan ang kamay ko. Agad naman akong nagmano.

"Okay naman ako iha. Pasensya ka na at na kayo wala pa si Nathan. May dinaanan pa daw siya. Pero pasunod na yun. Hintayin nalang natin." Tito said at inalalayan akong umupo sa sofa katabi niya. Si Dad naman nasa tapat namin naaninag ko. Sino nga bang tatay ko sa kanila? Hay.

At tungkol dun sa nakakaaninag ako. Tama kayo. Hindi naman akong totally na black ang nakikita. Nakikita ko pero sobrang blurred.

An hour passed. Kwentuhan lang ng kwentuhan si Dad at Tito about business. Wala pa rin ba yung Nathan? Nagugutom na ako.

"Dad, Tito, excuse me lang po. Kukuha lang po ako ng tubig."

Tumango lang silang dalawa. Ako naman e naglakad na papuntang kusina. Mga 20 steps ang nilakad ko papunta sa kitchen. Malaki ang bahay namin. Sala sa gitna, pakanan papuntang kitchen, pakaliwa is yung hagdan para sa mga rooms sa taas.

"Nana?" Tawag ko.

Nasan na yun? Ah baka lumabas para magtapon ng basura.

Kaya naman kaysa hintayin kopa si Nana, kumapakapa nalang ako dahil uhaw na uhaw na ko. NAtuyo yung laway ko dahil hindi naman ako nakikisabat sa usapan nila Dad. Siningkitan ko ang mga mata ko, inaninag ko kung nasan ba yung mga baso. At ayun! Buti nalang yung cabinet e clear yung lalagyan. Saktong dadampot na ako ng baso ng may bigla akong narinig na parang tumakbo at ngayon nasa harap ko siya ngayon. Kinuha niya yung isang baso at inabot sakin.

"Here." Sabi niya. Matangkad siya sakin. Naaninag ko nga e. Sino ba to? Baka magnanakawa nagpapanggap na mabait? Pero pano siya nakapasok e nandun sa sala sila Dad e kita kung sinong papasok dahil nandun ang Main door. Halaa! Baka sa backdoor dumaan to!

Hinigpitan ko ang hawak sa cane.
"And who are you?"

Pumunta siyang ref at kumuha ng pitsel ng tubig. Kinuha niya ulit sakin yung baso.

"Wow. Thank you and nice to meet you, I'm Nathan" Sinalinan niya ng tubig yung baso, hinawakan niya yung kamay ko at ibinigay niya yung tubig. Ah kaya naman pala nakapasok. Ang tanga ko talaga

"Salamat."
Ininom ko yung tubig pero kalahati lang. Naramdaman ko kasing nakatingin siya sakin. Hala, bat ako naiilang.

"Ayaw mo na?" Umiling ako tas nagpasalamat ulit. Ngumiti ata siya. Ngumiti nga ba?
Kinuha niya yung baso at iniinom.
Feeling ko naginit ata ang mukha ko dun. Ano ba tong lalaking to, ang dami daming baso ginamit pa yung ininuman ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Thing I'd Ever HadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon