#LihimDaddy's Secret
Aliyah's POV.
Ang saya saya namin ni Mommy ng araw na yon dahil sa wakas makakauwi na kami galing sa California. Birthday gift ni Daddy kay Mommy ang magbakasyon kaming dalawa don.
"Baby, don't say to your dad na uuwi na tayo ngayon ha! Isusurprise natin sya."sabi ni mom habang excited na excited at kitang kita sa mga mata nya na namiss nya si daddy.
"Yes mom! I will. Lakas mo sakin eh." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Ilang oras pa ang byahe, andito pa kami sa airport at hinihintay ang sundo nmin. Maya maya pa'y dumating na ang sundo.
"Aliyah, tulog ka muna baby malayo pa ang byahe natin. Four hours pa bago tayo makarating ng Laguna."sabi sakin ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.
" Sige po mommy para pagdating natin sa bahay madami akong energy." Sabi ko kay mommy habang nakahiga ako sa may hita nya. At maya maya nga ay nakatulog ako.
- - - -
"Daddy, please wag mo kaming iwan ni mommy." Ako habang umiiyak na hawak hawak ang laylayan ng long sleeve ni daddy.
"Baby, i have to do this. Hope you understand!" Sya na patuloy sa paglalakad palabas kaya naman hindi maiwasan na makaladkad ako.
"No daddy! No! Hindi mo na ba kami mahal ni mommy? Paano na kami kapag nawala ka?" Umiiyak parin ako at habang dumadaan ang minuto palakas ng palakas yon. Habang nakatingin ako kay daddy, blangko ang mukha nya. Patuloy sya sa paglakad at pilit nyang tinatanggal ang mga kamay ko sa damit nya at hindi nagtagal nagtagumpay sya sa pagtanggal ng mga kamay ko at idinahilan yon ng pagkakabagsak ko sa sahig."Daddyyyy! Dont leave us daddyyy!."
"D-daddy! Dont leave us daddy."
"Aliyah gising! Nananaginip ka Aliyah. Aliyah!" Gising sakin ni mommy habang tinatampal tampal ang mukha ko.
"Mommy!" Napaiyak nalang ako ng tuluyan at yumakap ng mahigpit sa kanya."Sshh stop crying na, malapit na tayo sa bahay. Baka makita ni daddy na umiyak ka, magwoworry yon. " dahil sa sinabi ni mommy napakalma ko ang sarili ko. Hindi ko na nagawang ikwento sa kanya ang panaginip na iyon, ang masamang panaginip na yon.
Ilang minuto pa ay nasa harap na kami ng gate ng aming bahay. Unang bumaba si mommy at sumunod ako.
"Siguro tulog ang daddy mo Aliyah!" Sabi ni mommy habang kinakapa sa bulsa ng shoulder bag nya ang sarili nyang susi ng bahay.
"Baby yung usapan natin ha. Isusurprise natin si daddy." Pasunod na sabi nya. Ako naman ay tumango lang bilang sign ng pagsang-ayon. Pagpasok namin sa bahay ay tila nakakabinging katahimikan ang sumalubong samin.Sa paglalakad namin ng dahan dahan sa hagdan pataas tungo sa kwarto nina mommy at daddy. May napansin akong bag sa may center table sa sala namin. Bag na pangbabae. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pagsunod kay mom.
"Ang dilim naman dito sa kwarto baby." Bulong sakin ni mommy. Kinapa nya ang switch ng ilaw sa kwarto nila. Lumiwanag ang pligid at ....
Nakatingin lang ako kay mom dahil nakatulala sya. Hindi sya makapagsalita. Walang ni isang salita ang nalabas sa bibig nya. Sa pagtataka ko ay napatingin ako sa dereksyon kung san ang mga mata nya nakatitig.
Sa gulat ko ay napaatras ako sa dingding ng kwarto. Hindi ko napansin na may vase palang malaki sa likod ko. Kaya naman nakaagaw ito ng pansin sa mga taong-....
"Mga walang hiya kayo. Pano nyo nagawa sakin 'to? Mga walang hiya."Sigaw ni mommy kaya naman bumalik ang ulirat ko.
Hindi ko namalayang may mga tumutulo na palang likido sa mga mata ko. At unti unti ko ng naiintindihan ang lahat. Sa edad kong 9 na taon.
Nagtaksil si dad kay mom. Yan ang pumasok sa utak ko.
Nagulat ako dahil lumabas yung babae ni dad. Susunod na sna si dad kaso niyakap sya ni mom.
"Arnold wag mo kaming iwan. Nakikiusap ako. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka Arnold." Pagmamakaawa ni mommy.
"Leila hindi na kita mahal. Si Candava na ang mahal ko noon pa. Kaya please pabayaan mo na akong maging masaya."
"Ang kapal nang mukha mo." Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni mommy nang makawala sya sa pagkakayakap kay daddy. Ako . Nakatayo lng ako sa isang sulok. Habang pinapanuod ang mga pangyayari. Dali daling umalis si dad at hinabol ko sya. Nahawakan ko sya sa laylayan ng sleeve nya.
"Daddy wag mo kaming iwan ni mommy. Hindi mo na ba kami mahal?" Pakiusap ko sa kanya habang hinihila ko ang laylayan ng damit nya.
"Baby i have to do this. I'm so sorry. Sana mapatawad mo si daddy!" Sabi nya habang naglalakad palabas ng bahay namin.
"Daddy please. Wag mo kaming iwan." Nakahawak parin ako sa damit nya habang nagllakad sya palabas.
Tinatanggal nyang pilit ang mga kamay ko. Sa sobrang bilis nya maglakad ay nakabitaw ako at napabagsak ako sa sahig. Iyak parin ako ng iyak kahit nakaalis na si dad. Magkahalong awa at galit ang nararamdaman ko. Awa dahil naaawa ako sa sitwasyon ni mommy. Galit dahil sa ginawa ni dad samin. Iniwan nya kami at pinili nya ang babaeng yon.
Sinira nya ang pamilya namin.
Sinira nya ang pamilya naming masaya.
Written by Yahmmieyahm
BINABASA MO ANG
LIHIM
Mystery / ThrillerIto ay istorya tungkol sa babaeng may malagim na lihim. At matutuklasan yon ng taong mamahalin nya at mamahalin din sya. Isa kaya ang lalaking iyon sa magiging biktima nya? O sya ang magiging biktima? Dahil sa mapait nyang pagkatao. Mamahalin parin...