Chapter five

10 0 0
                                    


#LIHIMBaddream

Makalipas ang isang linggo.

"Next!"sabi ng isang babaeng mas matangkad ng konti sa susunod na iinterviewhin.

Pumasok na si Aliyah sa office ng boss na magiinterview sa kanya.

"So, Aliyah Castillo?"pagtatama sa pangalan ni Aliyah ng isang lalaking nasa edad 40 plus. Hindi agad makasagot si Aliyah dahil kinakabahan sya sa ginagawa ng lalaki na tila hinuhubaran sya mula ulo hanggang paa ng tingin nito.

"Ye-yes sir." Sagot ni Aliyah na parang mababali ang tuhod.

"Take a sit."napawi ang kaba nya sa sinabi ng lalaki."Base sa resume mo fresh graduated ka.Accountancy ang course mo."sunod sunod na sabi ng llaki."Well, ang kelangan talaga namin ay Accountant but, wala ka pang experience."

"Sir, gagawin ko namn po ang mkakaya ko para maging karapat dapat sa iaasign nyong trabaho sakin."pa-impress ni Aliyah.

"That's good! Tanggap ka na. Starting tomorrow ikaw na ang Accountant namin."sabi ng boss na sabay tayo at inilahad ang kamay kay Aliyah.

"Talaga sir! Salamat po. Pangako po ggawin ko ang mkakaya ko para sa trabahong ito."Tuwang tuwang sabi ni Aliyah sa kaharap nya at iniabot ang kamay nya dito.

Lumabas sya sa office na may malapad na ngiti.

Kasunod nya ang sekretarya na lumabas.

"Sa mga di pa naiinterview, Better luck next time."pag- anunsyo nito.

Nagbulong bulungan ang mga natirang aplikante.

Siguro yung bagong labas ang natanggap na empleyado. Ang swerte naman nya.

Bago umuwi si Aliyah. Dumaan sya sa puntod ng Inay Martha nya.

Inay, may balita ako sayo. May bago na akong trabaho. Salamat inay at naging inspirasyon ko kayo. Salamat sa lahat ng pangaral.

Biglang napalingon si Aliyah sa di kalayuan. Nakaagaw ng pansin nya ang isang SUV.

At nagulat sya sa isang matandang lalaki na bumaba roon.

Daddy!

Bulong nya.

Biglang napawi ang kasiyahang nadarama nya dahil may isa pang bumaba sa sasakyang iyon. Iyon ay ang dahilan ng pagiwan ng kanyang ama sa kanila ng kanyang ina. Ang sumira ng pamilya nila.

Biglang nanlisik ang mga mata nya. Galit ang naramdaman nya.

Magbabayad ka. Magbabayad kayo. Kayo ang sumira sa buhay ng mommy ko.

Habang papalapit ang dalawang iyon sa direksyon nya. Napansin nyang napatingin ang daddy nya sa kanya. Kaya nagiwas sya ng tingin. May dinalaw sila di kalayuan sa puntod ng inay Martha nya.

Ilang minuto ang nakalipas. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali syang napatayo at naglakad palabas ng isang sementeryo.

"Miss sakay ka na kahit hanggang sa labas lang, malakas ang ulan."alok ng daddy nya sa kanya pero hindi nya ito pinansin.

Inalok ulit sya ng matanda ngunit hindi parin lumambot ang puso nya.

"Arnold, wag mo na syang pilitin kung ayaw nya. Malaki na yan para alalahanin pa."sabi ng katabi nitong babae.

Biglang nagdilim ang paligid nya. Lalong galit ang nadarama nya ng marinig nya ang sinabi ng babaeng iyon.

Magbabayad ka. Magbabayad ka.

LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon