Chapter three

11 0 0
                                    

#Lihim6teenyearsofsuffering

Sixteen years...

"Mommy nandito na ako. Kumain ka ba?"pumasok ako agad sa kwarto nya. At laking gulat ko sa nadatnan ko." Mommy ano ba? Anong ginagawa mo? Hindi yan ang solusyon sa mga pinagdadaanan natin. Di ba sabi ko sayo magpakatatag ka. Ako, tingnan mo ako kahit masakit at mahirap para sakin bilang isang anak. Nagpapakatatag ako para sayo. Mommy sana maisip mo naman na may anak ka pang nagmamahal at lumalaban para sayo." Natauhan si mommy. Nabitawan nya ang gunting na hawak nya na gagamitin nya sa paglaslas ng pulso nya. Sa sobrang sama nang loob ko napaiyak ako ng malakas.

"Iwan mo ko! Umalis ka dito! Iwan mo ako!"

Hanggang ngayon ay naalala ko parin ang pagtatangka ni mommy magpakamatay nong bata palang ako. Hindi nya kinaya ang mga ngyari sa buhay namin. Nawala ang lahat sa amin. Ang pera, ang bahay at lupa, ang negosyo ni mom. Napabayaan na nya, maging ang sarili nya. Nawala sya sa matinong pagiisip. Hindi sya umiimik. Kaya nagpasya akong ipaalaga sya sa isang Mental Hospital. Kami nalang ni yaya ang natirang magkasama. Gamit ang natirang pera sa pagbenta ng lupa at bahay. Bumili ako ng mas maliit na bahay na kasya lang sa pera na hawak ko. May kaunting natira at yon ay ginamit ni yaya sa paghahanap nya ng trabaho. Nagtatrabaho sya bilang isang kasambahay din sa isang mayamang pamilya sa isang subdibisyon di kalayuan sa bahay namin. Kaya namn nagstay out nalang sya sa trabaho nya. Pumayag naman ang bago nyang amo. Gusto nya parin daw ako alagaan.

Ako naman ay labing limang taon na noon kaya nakakuha ako ng Scholarship sa isang pampublikong paaralan, at kumuha ako ng kursong Accountancy. Pinagbuti ko ang aking pagaaral dahil yon ang laging sinasabi sakin ni yaya. Darating ang panahon na magiisa nalang daw ako.  Di ko napigilan ang pagiyak na bawat iniisip ko na unti unting nawawala ang mga taong mahalaga sakin.

"Aliyah ija!" Nagulat ako sa nagsalita bigla sa likuran ko. Dahil don naputol ang paggunita ko sa nakaraan.

"Buti napadalaw ka. Tatlong araw ka nang hindi napapadaan dito." Sya yong nurse na nagaalaga kay mommy dito sa mental hospital. Labing anim na taon na syang nandito. Pero di parin sya gumagaling.

"Ngayon lng po ako hindi busy. Madami po akong ginagawa. Igagraduate na po kase ako ngayong taon. Kumusta na po si Mommy?"sagot ko sa kanya habang tinitingnan si mommy na nakasakay sa wheelchair.

"Wala parin pagbabago sa kondisyon nya. Kanina lng namin nalaman na ilang taon na pala nyang hindi naiinom ang gamot na nirereseta sa kanya. Ganon parin, minsan nagsasalita parin syang magisa. Nakatulala."sabi ng nurse na nagaalaga sa kanya. Di ko mapigilang maiyak. Sobrang naaawa na ako kay mommy.

Umupo ako sa upuang yari sa marmol.

"Mommy, Si Aliyah 'to ang anak nyo. Miss na miss na kita mommy. Pagaling ka dito ha. Mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya hawak ang kamay nya. Hindi ko mapigil ang umiyak sa sitwasyon nya.

"Sige po nurse joy, mauna na po ako. Madami pa po akong kelangang gawin."paalam ko." Sige Aliyah, anytime pwede kang dumalaw dito ha!

Ngumiti lang ako bilang pagsang-ayon.

Pagkagaling ko sa mental hospital ay umuwe na ako. Siguradong nakauwi na si inay Martha. Pagtingin ko sa wrist watch ko ay alas sais na pala. Pagpasok ko ng gate ay nakita ko na bukas ang pinto. Siguradong nandito na nga si inay Martha.

"Inay Martha!"tawag ko sa kanya, ngunit walang sumasagot. Siguro nasa C.R si inay. Nagtungo akong C.R, wala parin sya roon. Nagpasya akong sa kwarto nalang sya tingnan.

Laking gulat ko sa aking nadatnan.

"Diyos ko! Inay Martha!"sigaw ko at nilapitan sya. Nakita ko syang duguan at wala nang buhay."Sinong walang puso ang gumawa sa inyo nito?" Tuloy tuloy ang hikbi ko. Napakasakit, dahil si inay na lng ang kasama ko sa buhay. Kinuha pa sya sakin.

Tumawag na ako ng pulis para maimbestigahan ang nangyari sa bahay.

* * * * *

"Miss Aliyah Castillo! Right?"sabi ng isang pulis na sa tingin ko ay mas ahead sakin ng two years.

"Ako nga po. Ano po bang motibo nang gumawa nito sa inay ko?"

"Well! Sa tingin ko ay pagnanakaw. Wala bang gamit na nawawala dito?"

"Yong pera po ni inay ang nawawala pero yong ibang gamit naman nasa tagong lugar kaya di iyon nawala."sagot ko.

"Sige miss Castillo. Tawagan nalang namin kayo kapag nahuli na namin ang gumawa nito sa nanay nyo."sabi nya. At tumango lng ako. Wla akong gana makipagusap sa kahit na sino.

"Sige po. Mauna na po kami."

At nagpaalam na ang mga pulis na nagpunta dito sa bahay.

Inayos ko na agad ang kelangan para sa burol at libing ni Inay Martha. Napansin ko nalang na lumuluha na pala ako.

Ilang araw pa ay inilibing na si inay Martha. Tumulong ang amo ni inay Martha sa ilang gastusin at nakipaglibing din sila.

Nang matapos ang libing.

Naiwan akong nakaupo sa tabi ng puntod ni inay Martha.

Naalala ko pa.

"Ano ka ba yaya, wag mo na ako tawaging Ma'm liyah! Liyah nalang para mas maganda." Sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa upuang mahaba na yari sa kawayan.

"Oh sige na nga. Ito talagang batang 'to. Manang mana ka talaga sa mommy mo." Sabi nya habang hawak ang kamay ko.

Hindi ko maiwasang malungkot. Naalala ko agad si mommy. Napansin iyon ni yaya.

"Anak pwede mo naman akong tawaging inay eh! Habang wala pa ang mommy mo. Ako muna ang tatayong inay mo."

"Talaga Yaya!. Salamat po inay. Inay Martha." Sobrang gaan sa pakiramdam na may tinatawag akong inay at sobrang lapit din sa buhay ko.

Naputol ang alaalang iyon nang may bigla akong mapansin sa di kalayuan na nagmamasid sakin. Nakita nya sigurong napatingin ako sa dako nya kaya bigla syang umalis.

"Sandali!" Sigaw ko sa kanya. Pero dere deretso ang paglakad nya. Hindi ko na sya hinabol pa. Naisip kong baka may dinalaw lang sya dito sa sementeryo. Napatingin ulit ako sa puntod ni inay Martha. Muli ay napaiyak na namn ako.

Magbabayad ang gumawa sayo nito inay. Magbabayad sya.

A.N:

Ang hirap pala magisip. :)

Written by yahmmieyahm.

LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon