Prologue

9 0 0
                                    


"Bitiwan mo ako! Sino ka ba?"sigaw ko habang kinakaladkad ako ng isang taong hindi ko kilala. Tanging mata lang nya ang nakikita ko dahil purong itim ang suot nya, at nakasuot sya ng itim na bonet sa buong mukha nya. Nagtama ang mga mata namin.

Pamilyar sya.

Pero di ko maalala ang matang iyon kung san ko nakita. Nagiwas sya ng tingin sa akin. Pinaupo nya ako sa isang silyang bakal.

"Ano ba? Pakawalan mo na ko dito ano bang kelangan mo? Kung pera ang kelangan mo. Sabihin mo kung magkano!" Galit na galit kong sabi sa nakatayo di kalayuan sa akin." Humanda ka skin kapag nakatakas ako dito at nakilala kita. Pagsisisihan mo 'to!" Ako habang pumipiglas sa higpit nang pagkakatali ng demonyong gumawa sakin nito.

"Magsalita ka demonyo ka!"

"Hindi pera mo ang kelangan ko. Ikaw ! " litanya ng lalaking nasa harap ko. Oo lalaki sya dahil nakumpirma ko sa boses nya. Habang papalapit sya sakin. Dumadagundong ang puso ko sa kaba at takot. Hindi ko maiwasan ang matakot dahil wala akong kalaban laban.

"Kelangan kita dahil gusto kita. I want you to be with me forever. You and me." bigla akong napapikit sa ginawa nya. Inipit nya sa aking tenga ang mga lumaylay kong buhok habang bumulong sa akin." Ouch!" Sigaw nya. Dahil inuntog ko ang noo ko sa noo nya.

Masakit pala.

"Nababaliw ka na." Kelangan mo ng dalhin sa mental." Sabi ko habang napapatawa dahil nakakatawa sya. Hibang na ba sya. Sino sya sa akala nya.

"Tumahimik ka! Tandaan mo 'to. Magiging akin ka din." Sabi nya habang hawak hawak ang noong nasaktan. At tumalikod na sya. Naglakad sya palayo.

"Pakawalan mo ko dito hayop ka!
Hayop!" Ilang araw na akong nandito sa isang bahay na walang tao, walang kung ano. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kisame, pinto at dingding na may bakas ng itim na kung anong natuyo. At isa pa. Hindi maganda ang amoy.

Nakaramdam ako ng antok.

Kaya naman. Hindi ko napigilan ang mga mata ko at naganap na nga ang dapat maganap. Nakatulog ako.

- - - - - - -

Tiktalaok!
Tiktalaokk!
Tiktalaok!

Toottoot toot toot.

Nagising ako sa ingay nang isang hayop na humuni. Hudyat iyon na umaga na. At tumunog ang relo na suot ko kaya ibig sabihin alas sais na. Nilinga linga ko ang aking mga mata. May nakita akong bintana na hindi kalakihan. Sa tantya ko ay kasya ang isang taong kasing slim ko.

Kaya naman huminga muna ako ng malalim bago magisip kung ano ang dapat kung gawin upang makatakas sa lugar na 'to.

Tingin sa kaliwa. Tingin sa kanan. Tingin sa pintuan. Tingin sa paligid.

Bigla kong naalala na may ballpen ako na ang kalahati ay kutsilyo. Binili ko iyon nung araw na may napansin akong may sumusunod noon saking di ko pa kilala. Inilagay ko iyon sa coat ko na suot ko ngayon. May isang maliit na bulsa na pwede mong lagyan nang ballpen o kahit celphone kasya. Buti nalang nakatali ang mga kamay ko sa harapan kaya madali ko itong makukuha.

Maaabot ko na sya ng biglang may--

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang tambol na paulit ulit na pinupukpok. Nagulat ako sa kanya na biglang pumasok sa kwarto kung nasaan ako.

"Kumusta? Dinalhan kita ng makakain mo alam kong ilang araw ka nang hindi kumakain." alok nya sakin habang inilalapag ang isang supot sa harapan ng silyang inuupuan ko.

"Baliw ka ba? Pano ako makakakain kung nakatali ang mga kamay ko?" Napakamot nalang sya sa ulo at lumapit sakin habang tinatanggal ang tali sa kamay ko.

"Kamay mo lng ang tatanggalan ko ng tali wag na yong mga paa mo. Baka tangkain mong tumakas."sabi nya habang papalayo sakin. Sa tingin ko ay naninigurado sya sa mga magagawa ko.

"Hintayin mong makatakas ako dito. May kalalagyan ka."pagtataray ko habang kinalong ko ang isang supot na may lamang pagkain. Wala akong choice kundi kainin ang dalang pagkain ng taong kasama ko ngayon. Kelangan kong magpalakas.

"Sige na. Sige na tama na ang daldal at kumain ka na dyan. May pupuntahan pa ako."

Nang matapos kong kumain ay tinalian nya ulit ang mga kamay ko. Mahigpit parin yun kaya nasasaktan ako.

"Ano ba tama na? Pano pa ako mkakatakas nyan sa pagkakatali mo? Umalis ka na nga sa harap ko.! Ayokong makasama ang isang taong kasing sama mo." Sunod sunod kong paginsulto sa kanya. At para magawa ko narin ang balak ko.

Tumalikod na sya at unti unting naglakad sa pintuan.

Pagkasara ng pinto. Bumilang ako ng isa hanggang isang daan. Dahil baka bumalik sya ulit at mapurnada pa ang gagawin ko.

May narinig akong umandar na sasakyan. Kumpirmadong sya yon. So ibig sabihin. Walang masyadong tao o bahay dito. Sinubukan kong tumayo.

Boogssshhh.!

Nakatali pala ang mga paa ko sa paanan ng silya. Kaya naman bumaksak ako sa sahig.

Maalikabok. Mabaho.

At yon. Nalaglag ang ballpen na nasa coat ko. Tumalsik ito malapit sa may bintana. Yumuko ako upang tanggalin ang tali sa paa ko. Para  makapunta sa derekyon ng ballpen. Unti unti kong natanggal ang tali pero ang tali sa mismong paa ko ay masyadong mahigpit kaya di ko kayang tanggalin. Gumapang ako patungo sa may bintana. Di ko na ininda ang baho at maalikabok na sahig.

Sa wakas ilang minuto lng nakuha ko na ang bagay na kelangan ko.dali dali kong tinanggal ang takip.
Hingal ako ng hingal. Tumutulo sa maalikabok na sahig ang pawis ko.
Hiniwa hiwa ko lng ang lubid na matibay ang pagkakatali sa kamay at paa ko.

Konting tiis na lng. Kahit paltos na ang kamay ko. Namumula na sa paghawak ng bagay na matalim. Tinitiis ko makatakas lng ako sa lugar na to.

Ilang minuto pa ay sa wakas. Nagawa ko na. Dali dali kong tinanggal ang mga tali.

Tumungo ako sa bintana. Yari ito sa isang salamin na may kakapalan. Kinuha ko ang silya at tumungtong ako para makita ko ang nasa labas. Mataas ang bahay na ito. May isa pang bahay sa tabi nito ngunit sa tantya ko ay wala ring tao. Gubat ang nasa bandang timog.

Bumaba ako sa silya at lumayo ng konti sa bintana ..ibinato ko ang upuan sa bintana upang mabasag ito. Masyadong matigas ang bubog kaya naman sinubukan ko ulit na basagin. Sa ikatlong paghagis ko ay nabasag ito. Tumungtong ulit ako at umakyat. Dahan dahan akong lumabas para hindi ako masugatan sa nga natirang bubog sa tabi ng bintana. Kumapit ako sa isang kahoy na nasa tabihan at tumalon.

Humanda sya sakin kapag nakilala ko sya. Pagsisisihan nya ang lahat ng ito.

#LIHIM

Written by Yahmmieyahm

LIHIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon