Third Person POV
Pagkatapos ng Assembly nila.. Pinagpasyahan nila na puntahan ulit ang Manghuhula Booth sa likod ng school..
"Guys? Sure kayo ha? Itutuloy natin toh?" Tanong ni Ryzza sa mga kasama.
"Oo! Wala ng atrasan toh!" Sagot naman ni Andrei kay Rizza.
"Mabuti pang bilisan na natin.. One-Twenty na male late tayo sa next subject." Sabi ni Christopher.
Binilisan naman nila ang pag lalakad papuntang likuran ng school, ang UA kasi o United Academy, Ay napakalaking paaralan at umaabot sa milyon ang tuition fee, at hindi ka basta bastang makakapasok dito, dahil required sa paaralan na ito na Ikaw ay may lahi, o kalahating pilipino.
Narating nila ang likod ng school kung saan matatagpuan ang Booth na pinasok nila.
"B-bakit wala na dito yung B-booth?" Crystall asked, at halatang kabado siya.
"O-oo nga? Eh sa Friday pa ang katapusang ng Students week?" Nangangambang sagot ni Katrina.
"M-mukhang hindi na maganda ito." Sabi naman ni Joseph.
"Uyy! Ayoko na! Kinakabahan na ako! Tara na! Bilisan niyo!" Sabi naman ni Ian.
"Tshhh.. Bakla."Mahinang bulong ni Crystall.
Hindi naman narinig ito ni Ian sapagkat mahina ang pagkakabulong niya.
Agad silang nakarating sa Room nila at nag kumpol kumpol. Halata sa mga mukha nila ang takot at pangangamba sa nakita nila kaninang wala na ang Matanda at ang Booth na pinasok nila.
"Guys anong sa tingin niya ang posibleng mangyari?" Tanong ni Christopher.
"Sa tingin ko may ibang mangyayari ngayong araw." Sagot ni Myleen.
"Sa akin naman, hindi lang ngayon ito mangyayari." Sabi naman ni Andrei.
"Paano mo ba kasi nakita yung Booth na yun?" Tanong naman ni Ian.
"Nung papasok ang ng School, may nakita akong matanda, at yun yung matandang nasa booth, pinuntahan ko siya kasi may nalaglag siyang mga gamit, kaya tinulungan ko siya." Sagot naman ni Andrei.
"Teka?, natanong mo ba kung anong pangalan niya?" Tanong ni Crystall.
"Hindi ko natanong.. Pero nalaman ko." Sagot ni Andrei.
"Paano!?" Sabay Sabay nilang sabi.
"Y-yung nahulog niya kasi.. P-parang Story Book na sobrang luma na.. Ang naka lagay dun sa cover nung L-libro ay, 'Una Y Media' at may nakasulat din na taong '1565-1649-1997'.. At ang pangalan na nakasulat sa likod ng libro ay 'Federića Pelìz'.
"Teka nga.. Anong oras na ba antagal ni maam?" Tanong ni Katrina.
"One Thirty." Sabay na sagot nina Christopher at Crystall..
Tik tok..
Tik tok..
Tik tok..
Tik tok..
Tik tok..
Unti unting bumabagal ang oras..
Unti unti sila nawawala sa sarili nila..
At unti unti silang bumabalik sa nakaraan..
BINABASA MO ANG
ONE THIRTY
Historical FictionWe're not even close but something magical happened.. Not just magical.. It was... Unexpected moment.. From past and the future.. We already know each other. Ang istoryang ito ay Historical Fiction with a touch of Teen Fiction. Story Inspired By: @U...