[5] A-W-K-W-A-R-D Moments

35 10 0
                                    



Naalimpungat ako nang biglang may tumalon talon sa higaan ko. Pagmulat ko ay may nakita akong isang cute na Chihuahua.

Pero iba ang kulay nito, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay na Chihuahua.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. I caressed the head of the puppy. I saw a pink collar na may nakalagay na Zia. Ang cute naman! Kay Tracy ba toh?

At bakit kapangalan ko pa ang asong ito? Nagiging special ang tingin ko sa sarili ko haha...

*KnockKnock*

Tumayo ako para buksan ang pintuan at nagulat na lang ako nang may bumungad sa aking denim God. Joke! Isang topless Travis Silva lang naman ang nakita ng dalawa kong mata.

He look so damn hot in his cute pajama.

“Done checking me out?” naka-smirk na ani nito.

“Excuse me. Ang kapal naman ng apog mo  akala mo kung sinong gwapo.” I rolled my eyes on him.

Bigla siyang pumasok sa loob.

Kinuha niya ang aso na kasalukuyang nagtatago sa ilalim ng kama. Panay ang tahol nito kay Travis na humahabol sa kanya.

Para siyang bata na nakikipaghabulan sa aso.

Biglang tumakbo papalapit sa direction ko ang aso at nagtago sa likod ko.

“Can you give me that dog.” humihingal na utos ni Travis. Kaya tumalikod ako sa kanya at dumungo para makuha ang aso kaso tumakbo ulit ito sa pagitan ng paa ko kaya na-out of balanced ang paa ko.

The next thing happen is napaupo ako sa bandang abdomen ni Travis. Natulak ko yata ito kaya pati siya napahiga.

Spell awkward.

K-A-M-I...

Ang awkward lang ng posisyon namin. Para kaming nag 'ano'. Bwisit naman kasi yung aso na iyan eh kahit cute pa siya, panira siya ng gabi ko, sinira nga niya ang tulog ko eh.

Agad-agad naman akong tumayo.

“Nice butt.” ani nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Aba't ang bastos niya ah!

Pinagsisipa ko siya at sa hindi sinasadyang nangyari, nasipa ko ang private part niya.

“Fuck! It hurts like hell!” namimilipit na siya sa sakit na may pahawak-hawak pa sa 'ano' niya na para bang mapipigilan nito ang sakit.

“Sorry, hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga kung hindi ka ba naman bastos. You serve that.” ani ko.

“Paano kung hindi na ako mabaog ako? Hindi na ako magkakaroon ng pamilya, wala na akong makikitang bata na kamukha ko. Sinira mo ang lahi ko!”

Eh... Sinira? Ang alin? (Inoccent person here!)

“Bakit mo ba kasi hinahabol ang asong iyan na kapangalan ko?” tanong ko.

“Hindi ako makatulog kung wala iyon. Bigay iyon ng espesyal na tao sa akin kaya kailangan kong alagaan iyon. At saka malay ko ba na pareho pala ang pangalan ninyo?”

Tumayo na siya nang mabawasan na ang sakit ng private part niya.

“Lumabas ka na nga dito!” tinuro ko pa ang pintuan.

“Paano ako makakalabas kung nandito ang aso ko?” tanong niya

“Hindi ba pwedeng bukas mo na kang kunin?” tanong ko naman pabalik.

“Ayoko nga, baka pagsamantalahan mo pa ang aso ko. Rare na ang klaseng type na asong ito kaya dapat ni isang bacteria walang kumapit sa balahibo niya. Dahil sa oras na magkakasakit ang aso ko, mamatay siya at wala ka nang makikitang asong katulad nito...”

“Ang OA mo, alam mo ba? Sobrang exag ang pinagsasabi mo. Nagmumukha kang bakla sa sobrang OA ng pagkakasalita mo.” pang-aasar ko sa kanya.

Pero nakabahan ako nang magsimulang lumapit siya sa akin habang ako naman ay umaatras, alangan namang lumapit rin ako sa kanya? Tuwing naiisip ko iyon feeling ko magmumukha akong siga kapag ginawa ko iyon.

Napalunok ako nang maramdaman ko na ang malamig na pader sa likod ko.

He locked me with his arms. Gets niyo ba? Kumbaga ay nasa magkabilang gilid ko ang matipunong braso niya.

“Alam mo ba ang dating sa aming mga lalake kung tinatawag kaming bakla? Isa lang naman ang meaning nun para sa aming mga lalake, meaning gusto niyo ng halik. Okay lang naman sa akin, kahit mag all the way pa tayo eh.” seryosong sabi niya pero hindi pa rin mawawala ang pagka halong manyak niya.

“Pwede ba, wag mo akong itulad sa mga babae mong puro kalandian ang nalalaman. At porket bang sinabihan kita ng bakla, gusto ko ng magpahalik? In your dreams!” sigaw ko sa mismong mukha niya.

Mabuti na lang at nakapag-tooth brush pa ako bago matulog. Nakakahiya naman kasi sa kanya na sobrang bango ng hininga!


“Wag ka ng pakipot. Alam ko na ang mga style na ganyan. Walang dapat tumanggi sa isang halik ng nag-iisang Travis Silva.” mayabang na litanya niya.

“Pwes ngayon alam mo nang may tatanggi sa yo. Never akong magpapahalik sayo, mas prefer ko pang humalik ng lupa kesa sayo!”

“Then let see kung makakatanggi ka pa.”

Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Pinagpapawisan ako ng malimig, matatalo ko pa ata ang kamatis sa sobrang pula ng mukha ko, para akong nag blush on ng 100 layers.

Kusa na lang pumikit ang mata ko at hinintay ang pagdampi ng labi niya.

Then something licked my lower lip. It feels weird.

Then I open my eyes. Isang aso ang bumulaga sa akin.

Aso? Aso! Wag niyong sabihin sa akin na yung aso ang dumila sa labi ko? No this can't be happening.

“Bwisit ka Travis!” sigaw ko sa kanya.

Dali-dali siyang tumakbo palabas ng kwarto kasunod ang aso niya, dinig na dinig ko pa ang tawa niya sa labas.

Pinunasan ko ang labi ko.

I can't believe that I really kiss a dog!

Bastos talaga yun kahit anong gawa at salita!


Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na humalik ng aso. Naalala ko tuloy si vice ganda na may kahalikang aso sa isang pelikula niya.


Nandidiri ako sa sarili ko. Pumunta ako ng banyo at nag tooth brush, nag mouth wash na rin ako para siguradong hindi kakalat ang bacteria.


Paano kung kumakain ng poop yung aso, ewww ang YUCK naman!

Sa lahat ng tao bakit ako pa yung hahalik sa aso.




“Isinusumpa talaga kita Silva!” sigaw ko.




***

Taglish: Never Love A Wrong GuyWhere stories live. Discover now