"Paano magtempla ng Kape" (Hugot Version)

86 1 0
                                    

Hello guys pls dont forget to vote and comment below... Hope you like it... Thank you po😀😀😀

                                                   "Paano Magtempla ng Kape"
                                                              (Hugot Version)

Una magsalang ng tubig at antayin mo itong kumulo. Yung mainit na mainit ha, kasing init ng pagmamahal mo nong bago pa lang naging tayo. Pangalawa ibuhos sa mug ang mainit na tubig dahan dahan. Oo dahan dahan, katulad ng dahan dahang pagkalas mo sa iyong nararamdaman. Lagyan mo ito ng kape. Kapeng mapait, kasing pait ng nararamdaman ko. Pero lalagyan ko ito ng asukal na may kasama pang gatas ng kalabaw para sumarap ang lasa ng kapeng mainit init pa. Paghaluin mo itong mabuti katulad ng paghahalo mo sa nararamdaman ko sayo na galit, inis, tampo, lungkot at saya. Pangatlo tikman mo ito kung tama ba sa iyong panlasa. Dahil ang pagtempla ng kape ay katulad ng pagtempla ng isang relasyon na dapat sapat lang sa iyong panlasa. Hindi pwedeng sobrang pait sapagkat maghahanap yan ng tamis sa iba. Hindi din naman pwedeng sobrang tamis sapagkat ang tamis ay nakakaomay din ah. Kaya dapat sapat lang ang pagtempla ng kape ayun sa iyong panlasa. Inumin mo ito habang mainit init pa at wag mong hayaang lumamig at may ibang magpapainit na sa kanya. Pero itong tatandaan mo kapag nararamdaman mong lumalamig na ang partner mo sa iyo buhusan mo ng kumukulong tubig ewan ko lang kung manlalamig pa ba siya hahhahah....

Mga Hugot at Tulang Makata na aking KinathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon