"Buhay OFW"

283 2 0
                                    

Para po ito sa mga kapwa kong OFW... Sanay inyong magustohan ang aking munting handog ko para sa inyo. Don't forget to follow, vote and comment po kapag inyong nagustohan. Thank you so much guys😀😀😀

                                                           "Buhay OFW"

OFW kong ikaw ay tawagin.
Nasa paningin nila ay para kang ATM machine.
Padala dito at padala duon.
Gabundok na yata ang iyong resibong naiipon.

Status mo sa facebook sila ay nakaabang.
Magagarang damit at gamit ang kanilang napupuna.
Malimit kang mag shopping yun ang nakatatak sa kanilang isipan.
Subalit ang hindi nila alam bigay lang yun ni madam.

Larawan mong nakangiti na tila ba ikaw ay napakasaya.
Sa likod nito ay puno ng pighati at pangungulila.
Sabik na makasama sa iyong naiwang pamilya.
Pangamba sa naiwang asawa na baka sa pag uwi mo ay pinalitan ka na.

Buhay OFW ay sadyang napakahirap.
Nagtitipid at nagtitiis para sa pamilyang makaahon lang sa hirap.
Pagod at sakit ng katawan ay hindi iniinda.
Sapagkat kapag nasa ibang bansa kana bawal magkasakit yan ang slogan nila.

Kaya naman ako ay may isang munting payo sa iyo aking kaibigan.
Mag isip isip ka mo na bago ka sumabak upang mangibang bayan.
Dapat ikaw ay handa sa diwa, sa puso at sa iyong isipan.
Upang ikaw ay hindi umuwing sawi at luhaan.

Mga Hugot at Tulang Makata na aking KinathaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon