Three years later...
IPINATONG ni Freya sa mesa ang isang puting envelope na naglalaman ng isang plane ticket papuntang Pilipinas.
"What is the meaning of this?" tanong niya sa kanyang kapatid na kampanteng nakaupo sa swivel chair ng opisina nito.
Kinuha nito ang envelope at sinilip ang laman bago muling ipinatong sa mesa. "Obviously, it's a plane ticket."
Bumuntong-hininga siya. "I know it's a ticket but what I'm asking, what's it for?" Nameywang siya. "Bakit mo ako binibigyan niyan?"
Pero bago pa ito makapagsalita ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok sa silid ang kanyang ama na si Arturo Sandoval. Ang fifty-nine year old na presidente ng Supreme Food Corp na specialized sa mga organic and natural foods and beverages.
"Dad, what're you doing here? Hindi ba dapat nagpapahinga kayo?" Lumapit siya sa ama at humalik sa pisngi nito. Kahit na semi-retired na ito madalas pa rin itong nagpupupunta sa kompanya para magmanman kahit na sinabihan na nila itong magkapatid na magpahinga na lang muna.
"Don't worry about me, hija, I'm fine." Lumapit ito sa kanilang magkapatid at umupo sa visitor's chair. Inabot nito ang puting sobre na naglalaman ng ticket. "I was the one who bought this for you."
Napakunot-noo siya. "What for? Wala naman akong naaalalang naka-schedule na business trip sa Pilipinas," naguguluhang tanong niya rito.
Bumuntong-hininga ito. "Hija, I know that it was only recent since we had our family completed once again and you really helped us a lot in the business. You're good in what you do pero hindi mo maikakaila sa amin ng kapatid mo na parang inaabuso mo na ang sarili mo sa trabaho."
"Mana lang kasi 'yan sa 'yo, Dad," singit ng kapatid niya na nakasubsob sa binabasang file.
Malungkot na ngumiti ang kanyang ama. "So is there really somebody occupying your mind?" Binigay nito sa kanya ang sobre at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. "Is he dead or alive?"
Nagsalubong ang kilay niya sa tanong nito. "What? Hindi ko po kayo maintindihan..."
"Hangga't buhay pa ang lalaking minamahal mo may pag-asa pa ang pag-iibigan niyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil lang sa tinalikuran ka na nito. What if the two of you just had a misunderstanding but both of you didn't even bother correct that misunderstanding, eh di, pareho rin kayong mahihirapan. Just don't give up easily..." Tumayo ito at naglakad patungong pintuan. "Well then, I'm off. Think about what I said, hija. Tristan, ikaw na ang bahala," baling nito sa kuya niya.
"Well sis, what's it gonna be? Are you gonna go or are you gonna go?" nakangising tinapunan siya nito ng tingin bago ibinalik ang atensyon sa binabasang dokumento.
Napapailing na lumabas siya ng opisina nito. Dumiretso siya sa sariling opisina at tinatamad na humiga sa maliit na sofa sa gilid ng opisina. Inilabas niya ang plane ticket sa sobre at inaninag sa liwanag ng ilaw ng kanyang opisina.
Napangiti siya nang pumasok sa isip niya si Ziggy. Pero agad ding nawala ang ngiting iyon nang maalala ang paghihiwalay nila tatlong taon na ang nakalilipas. Ano na kaya ang nangyari dito? May girlfriend na ba ito? Asawa? Anak?
Bigla siyang napabangon sa sofa. Marahas siyang napailing sa mga naiisip. Hindi niya malalaman ang sagot kung hindi siya pupunta ng Pilipinas para alamin ang tungkol doon.
Tama ang daddy niya. Hindi siya dapat sumuko hangga't hindi niya nagagawa ang lahat ng paraan para magkaayos sila ni Ziggy. Isang malaking misunderstanding lang naman siguro ang nangyari sa kanila. Ang masama pa roon ay umalis siya nang hindi alam kung ano ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan nilang iyon.
BINABASA MO ANG
The Prude Damsel (published/unedited)
RomanceNang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil may negosyo naman siyang pinagkakaabalahan. Ngunit ang tanging panira lang sa tahimik niyang buhay ay ang asungot na si Ziggy. Ipinanganak...