Inay

38 7 0
                                    

Siyam na buwan ang hinintay,
Para lang makita ni inay ,
Si Inay, ang babaeng lahat iaalay,
Para lang mapaganda ang iyong buhay.

Kasama si Inay
Sa lahat ng bagsubok at paglalakbay,
Kahit na mapilay at magkasaklay,
Sasama siya sa agos ng iyong buhay.

Matagal man ang buwanang paghihintay,
Nakuharin ang tinatawag natagumpay,
Nang nasilayan ang sangol na nasa kanyang mga kamay,
Na ituturing niang kayamanan
Panghabang buhay.

Kahit ikatakwil man ng mundo,
Nandito si inay tutulong saiyo,
Sa mga taong mapanghusga sa tao,
Proprotektahan ka niya mula sa mga ito.

Siya ang magiging gabay,
Sa mapaglarong buhay,
At mabibigay kulay,
Sa mundo mong matamlay.

Hindi siya nagsasawa
Sa pagsambit ng mga kataga,
sa iyong mga tenga,
Ng; "anak ,mahal na mahal kita".

Siya ang magiging sigla ,
Sa mga panahong walng gana,
Kahit maglaro ng kung ano-ano,
Si Inay ang magtatangol pagmay umaway sayo.

At siya ay nangako,
na alam mong hinding hindi mapapako,
Ang mga salitang ito,
"Aalagaan at mamahalin kita hanggang kaya ko".

Ang pinagsisihan ko ,
Dahil hindi na kita mababalik sa mundo,
Ang ang aking mga pangako,
Ay mabulok ,nakalimutan,
Napako sa isang dulo.

Patawarin mo ako ,
Sa lahat ng pakakamali ko,
Sa mga simpleng utos mo ,
Di ko makita ang malalim na ibig sabihin nito.

Ito pala'y para sa kinabukasan ko,
Sana di nalang naiwan dito,
Kasi may kulang sa mundo ko,
Dahil walang nagmahal saakin ng katulad mo.

Nasayang ang pakakataon,
Na may roon pa akong panahon,
Para makapiling ka buong mahapon ,
Para tayo'y makapag kwentuan
At magtawan sa huling pagkakataon.

Pero ang ginawa ko ,
Mapakasay at magloko ,
Kaysa sa makasama mo,
At sana nasabi ko,"Ma,mahal kita at yan ang totoo".

Buti pa noong bata pa ako ,
Lagi kong nasasabi sayo ,
"Mamahalin kita Ma pangako
Basta jan ka lang sa tabi ko".

Gusto ko mulinv balikan ,
Ang mga ang mga araw na nagdaan,
Noong ikaw ay naririyan,
Ang babaeng lagi kong masasandalan.

Lubos na nagsisi ,
sa mga pagkakamali,
Noong saiyong mga tabi,
Pero hindi nabuka ang aking mga labi.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon,
Na humingi ng kapatawaran ,
O hindi man lang nabati saiyong kaarawan,
At hindi nabigyan ng regalong pinaghandaan,

Ikanahihiya ko ,
Ang pagiging anak mo,
Dahil naging ganto ako,
Natutong magmal ng ibang tao,

Pero hindi alam ang salitang respeto sa nanay ko,
Alam kong hindi perpekto,
At hindi malang umabot sa sakto,
Sa kwalipikasyon bilang anak mg isang tulad mo.

Kung mayroon pa akong pagkakataon,
Na maibalik ang mga kahapon,
Ito ang mga pagkakataon,
Para itama at punang ang kulang ko noon.

~*~

-Awtor-

ANG SULATING ITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon