Gitara

18 0 0
                                    

Simulan natin sa titik o letra ng mga salita,
Hangang sa lagyan  ng tono ang ating piyesa,
Halika simulan na nating kumanta,
Gamitan pa natin ng ating gitara.

Una nating pagkakilala,
Dahil sa sabay na pagkanta na parang mundoy sating dalawa,
Nilagyan natin ng tugyog nag gitara,
Kasabay ang pasisimula ng ating storya.

Masaya tayo noong una,
Pero nagiba ang gusto ng iyong mga tenga,
Mas gustong kasama ang iba,
Pero hinayaan muna kita.

Baka kaylangan mo munang magpahinga,
Pero tuluyan ka nang nawala,
Iba na ang iyong gusto,
Nagsimula nang tayong maging malabo.

Kahit na ganito,
Kumapit parin ako,
Dahil ayokong mawala sa tono,
At kumata ng solo.

Habang akoy nagigitara,
Dumating ka na,
Alam kong may dala kang balita,
Wala akongpake ung mabuti o masama.

Basta nandito ka na
Niyakap kita sa sobrang pagkasabik,
Pero di na tayo umabot sa halik,
Dahil sabi mo "ayaw ko na".

"Nagbibiro ka lang diba!? "
Sabi ko sapagkabigla at pagtataka,
"Sandali ka lng nawala "
"May iba ka na? ".

"Magbreak na tayo",
Muli mong sambit,
Oo  masakit,
Pero mahal kita ng higit.

Kaya di kita panakawalan,
Pipilitin paring tumunog,
Kahit wala nang maihahandog,
Katulad ng tugtog noon.

Bakit kaylangan ganto pa?,
Sino na sia ,
Mas magaling ba,
O sadyang nagsawa ka lng talaga?.

Sinimulan nang tumogtog magisa,
Sabay ng papalaya sakanya,
Kasi kahit anong gawin ko,
Di na tayo pwedeng dalawa.

Pero kung babalik ka pa,
Handa akong magpakatanga,
Kasi mahal na mahal kita,
Kaya malaya ka na.

Huli na, sira na nag ating piyesa,
Nawala ang tono ng kanta,
Kasi di na tayo masaya,
Nasisira na ang ating gitara.

____

Natapos na ang ating storya.

~*~

-Awtor-

ANG SULATING ITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon