Akin ka nalang

14 0 0
                                    


Isa, dalawa, tatlo,
Pag di nakikita kung ang araw ko,
Apat, lima,  anim,
Ang pag ibig ko'y lalong lumalalim.

Alam mo para na akong tanga,
Masaya akong makita kang may kasamang iba,
Masaya parin kahit masakit talaga,
Mahal kita eh, un ung problema.

Hindi ko alam bakit ganto,
Siguro sadyang tanga lng ako,
Ako ang nasatabi mo,
At kahit na di mo ako nakikita mula sa malayo.

Sana pagkatiwalaan mo ako,
Dahil pag dating sa usapng tungkol sayo,
Seryoso at di nagbibiro,
Pupusta ang puso ko na nagbabakasakaling maging tayo.

Kapag ika'y nakikitang ngumiti
na,
Ngiti ko'y abot hangang tenga,
Ipagtatanggol kita,
Sa mundong mapanakit, ililigtas kita.

Ipagbawal man ng mundo,
Ang nararamdaman ko,
Haharapin ko sila para lmg sayo,
Para malaman mo na mahal kita ng todo.

Kahit paulit ulit na baliktarin ang mundo,
Pero patuloy paring mahuhulog sayo,
Sa dinami dami ng tao na naririto,
Bakit sayo pa ako nagkagusto.

Hindi ko naman talaga gustong mahalin ka,
Pero isang araw, isang umaga,
Mahal na kita,
At di ko na maibalik pa.

Sa tuwing  tuwing nakikita kita,
Minamahal parin kita ng sobra,
Pero pag may kasama kang iba,
Damdamin ko'y di maipinta.

Lumabo na kahit ano,
Pati na ang mga mata ko,
Ikaw parin ang laman nito,
Ung puso at isipipan ko.

Mahal nga kita,
Pero di masabi sa iba,
Na akin ka na,
Dahil masaya ka pa sa piling ng iba.

Wla akong karapatan magalit sayo,
Pero sapat na siguro,
Ang di pakikinig sa aking puso,
Dahil wlang mabubuong tayo.

Sa mga panahong madilim ang lagit,
Makita ka lng naibsan na ang aking takot at lungkot,
Pero mas masakit,
Ang totoo na di ka mapapa sakin.

Nasabi ko pa nga sa sarili ko,
Ang mga salitang ito,
"Kahit di kita makukuha,
Wlang iba, wlang dahilan para ipagpalit ka".

~*~

-Awtor-

ANG SULATING ITOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon