4

26 4 0
                                    

... 

Lumipas na ang mga buwan at ganun pa rin ang pagmamahal ko sa kanya at alalang alala ko pa kung gaano ka-gwapo kanyang mukha habang sinasabihan ako ng masasakit na salita. Grabe.. susubukan ko ng mag move-on, hindi lang pala susubukan , gagawin ko na talaga.

Grumaduate na ako as high school. Kaibigan ko rin ang mga kaibigan niya. Isa na akong college student at lumipat na ako sa syudad kung saan nakatira ang aking nanay, yung ate ko naman nasa ibang bansa at yung tatay ko naman ay iniwan na kami nung ako'y sanggol pa. Haaay.. makakalimutan ko kaya siya ? Ayaw kong pumunta sa syudad kasi ayaw kong mawala siya pero wala na akong magagawa kasi andito na nga ako sa syudad. Umuwi muna ako kung saan ako nakatira dati, umuwi muna ako para bisitahin ang mga taong naiwan ko, ang aking mga kaibigan. Nagkwentuhan kami at hindi ko naiwasang natanong kung kamusta na siya at nalaman kong may babae na pala siya. Ayaw ko na talagang magmahal sinabi ko ulit sa sarili kong hindi na ulit ako magmamahal.

Bumalik ulit ako ng syudad at doon na ako talaga ako nagcollege. Patagal ng patagal nagiging malapit na kami ng magulang ko at patagal ng patagal unti-unting nawawala ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya at sakit na ibinigay niya sa akin at na-realize ko na bakit ako nagmahal ng taong ibinase ko sa itsura. Sa ngayon natuto na ako, hindi ba nasabi ko naman sa inyong hindi na ulit ako magmamahal PERO hindi nagkatotoo.

Sa aking college life, meron akong nakilalang lalaki, gwapong lalaki at siya si Vince. Nginingitian niya ako tuwing nagkikita kami at wala ng mas hihigit dun. Hanggang ngitian lang talaga. Hindi ako makapaniwala na mai-inlove ulit ako ng dahil dun. Iniwan ko na lahat ng past maski kaibigan ko iniwan ko na, move on na talaga. Magkaiba kami ng course hanggang ngayon ganun pa rin, hanggang ngitian lang ba talaga? 

Appearance aren't Everything (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon