1

401 19 4
  • Dedicated kay Danica Cristobal
                                    

Ako si Precious, babaeng hindi pala imik kaya sa kwentong ito, mas maraming nasa isip ko kesa sa mga sasabihin ko. 

Nakita ko siya. Ang lalaking gusto ko na si Gab. Elementary pa lang kami crush ko na siya at siya ang first crush ko. 

Sa aming paaralan, gustung-gusto ng aming mga teachers ang well-behaved na tao. AKA nerd at kasama na ako doon. Kami yung mga nakakakuha ng matataas ng grade at magaling magsulat ng mga kwento. Siya? Hindi ko alam. Paano ko pa siya naging crush? Dahil ba, gwapo siya?

Kung tatanungin niyo sa akin kung ano ang love. Matatawag ko yun na nakakakatarantado (sorry for the word). Pero hindi ko pa naramdaman na nakakaloka ang love, kasi nga never ko pang naranasan ang mainlove. Pero masasabi kong, seryoso ito at ito ay isang mahalagang kabanata sa aking buhay.

Naaalala ko pa noon nung nakita ko siya at kasama ko ang mga kaibigan ko at nakikipagkwentuhan pero nung nakita ko siya, parang hindi ako makapagsalita, in short, speechless.

Ang gwapo niya talaga~ *o* at parang may hearts na nakapaligid sa kanya. Basta kapag siya ang nakikita ko palaging nangyayari at parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Maya-maya nakita ko siya ng malapitan. Padaan sila sa tabi ko at nakikita ko ngayon ng malapitan ang gwapo niyang mukha.

"Kilala niyo yun? Sino yun?" tangong ko sa mga kaibigan ko.

"Siya si Gab, kakalipat lang dito" sagot nila.

Aah, transferee. Kumuha ako ng maraming info about sa kanya, nakakatawa kasi parang isa akong stalker.

Appearance aren't Everything (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon