3

26 5 0
                                    

Pumunta na ako sa park malapit sa kanila at simpleng dress lang ang suot ko ngayon. Suot ko ngayon ang heels ni Ate, at medyo malaki ito para sa akin tapos nakita ko siya at nakatingin lang ako sa kanya. Ang gwapo niya talaga, ano kayang sasabihin niya pagkatapos kong sabihin na gusto ko siya? siguro aamin rin siya na may gusto rin siya sa akin... yung parang dun sa mga kwentong nababasa ko tapos pagkatapos nun magsasama na kami habambuhay.. sana ganun nga..

Tumagal ng isang oras at dumilim na ang mga ulap at ngayon lumapit na siya sa akin at nagtanong "Sino 'yung hinihintay mo" tanong niya.

"Ikaw" sagot ko at halatang nagulat siya sa sagot ko pero binalewala niya na lang at ngayon naglalakad na kami palibot kahit hindi ako kumportable sa suot kong sapatos, okay lang sa akin kasi isang gwapong nilalang ang makakasama ko sa paglalakad

"So... what do you want from me?" tanong niya. "Ikaw, gusto mo rin ba ako?" nagulat ulit siya sa sagot ko. "Hahaha" tawa niya at anong nakakatawa sa sinabi ko? 

"Ako? Gusto mo? Sorry pero hindi ako magkakagusto sa'yo, hindi kita magugustuhan, hindi ikaw ang type ko na at hinding hindi ako magkakagusto sa babaeng baduy katulad mo" umalis na siya at paulit-ulit lang sa pandinig ko. Ang mga salitang hindi ko naman itinanong. Ang mga salitang sobrang nakakasakit sa aking damdamin. Naglakad na ako pauwi habang umuulan, parang teleserye lang ang nangyayari ngayon. Yung heartbroken tapos may kasabay pang ulan. Sabay pagpatak ng luha ko.

Siguro ito na nga ang ending naming dalawa. At ngayon sinabi ko sa sarili ko, hindi na talaga ako magmamahal. Ayoko na talaga at alam kong ito na ang makakapagbago ng pagkakatao ko at masasabi kong totoo nga ang katagang less expectations, less disappointments. 

Appearance aren't Everything (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon