7

22 3 0
                                    

"Iha kamusta ka na? may masakit ka bang nararamdaman? tara tanggalin na natin 'yang nasa mukha mo" sabi niya at wala akong naiintindihan sa sinabi niya at naramdaman ko ngang may tinatanggal silang bagay na nakabalot sa mukha ko at unti-unting guminhawa ang nararamdaman ko sa pagkakatanggal nun.

"Ayan tapos na kailangan mo lang mag-bla bla bla bla.." sabi niya na wala akong naintindihan at dahil parang may kulang pa rin. Ilang araw ang lumipas lumabas na ako sa ospital pero parang may kulang pa din habang nasa daan kami ni Mama maraming tumitingin sa mukha ko na ikinapagtaka ko naman hanggang sa may nadaanan kaming gusali na gawa sa salamin at nakita ko ang repleksyon ng aking mukha.

Ngayon alam ko na kung bakit ganun makatingin ang mga tao sa akin... kasabay ng pagkakalaman ko ay naaalala ko kung anong pilit kong inaalala. Wala na... wala na akong makakasamang taong panghabang buhay ang pangit-pangit na ng itsura ko sa tingin niyo ba may magmamahal pa sa akin. Wala na si Vince at wala na akong magagawa.

Ilang araw na ang lumipas andito lang ako sa loob ng bahay. Sabi nila 3 days daw ako natulog. Nakahiga ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Tuwing pipikit ako naaalala ko kung gaano kami kasayang dalawa. Ang sakit-sakit lang, iniwan niya ako ng walang dahilan pero aasa pa ba kaya ako na babalik siya? Siguro hindi na, ayaw ko ng masaktan. Ayaw ko ng madagdagan ang sakit ng nararamdaman ko.

Ayoko na...

"Anak, tama na 'yan.. maganda ka pa rin kahit may sugat ka sa mukha hihilom rin 'yan" sabi ni Mama. Sa pagkakaalam niya kasi mukha ko ang iniiyakan ko.

*knock* *knock* *knock*

"Sino 'yan?" tanong ko

"Ikaw na magbukas ng pintuan anak, may gagawin pa ako sa loob" sabi niya

Appearance aren't Everything (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon