Isang bampira na nabuhay at naglakad sa mundo ng mahabang panahon
Isang kaakit-akit at nakakamanhang babae. Naging bampira ng halos 300 taon. Ipinanganak sa bansang Roma mula sa isang kilalang consul. May kakaibang siyang kapangyarihan na kadalasan ay kinaiingitan ng ibang bampira, may kapangyarihan siyang kumontrol sa tao o kahit kapwa bampira o kahi taong lobo. Kakaibang lakas at bilis na nahihigitan sa isang normal na bampira. Isang dugong bughaw na napakalakas. Siya si Savanah Dracul.
Isang araw nang maglakbay si Savanah sa isang kagubatan upang maghanap ng makakain ay may nadiskubre siya ang grupo ng mga mga lobo malapit sa isang ilog.
Hindi mabilang sa haba ng panahon na magkaaway ang mga bampira at ang mga taong lobo.
Habang siya ay nagtatago sa isang puno at pinagmamasdan ang mga taong lobo. May nakapansin sa kanya na isang taong lobo. Naamoy niya ang bampira. Si Daniel na tinitingnan si Savanah. Iniisip kung sino ang naliligaw na bampira. Lumaki sa isang angkan na malakas na lobo. Isang makising na lalaki at may kakaibang kapangyarihan at kakaibang lakas. Ang susunod ng tagapagmana ng kanyang angkan.
Habang nakatingin siya kay Savanah ay nabinghani siya sa kagandahan nito.
Nang umalis si Savanah sa kagubatan ay lihim na sinundan siya ni Daniel.
Pumunta si svanah sa kanyang bahay na nasa labas ng kagubatan. Lihim na nagtatago mula sa tao at lobo. Simula ng sila ay lusubin ng mga tao sa pagkaalam na sila ay bampira. Namatay ang kanyang ama sa kamay ng mga tao. Sinunog ito ng buhay at walang magawa si Savanah kung hindi lumayo at makita ang kanyang ama na sinunog at tinusok ng matulis na kahoy sa kanyang dibdib. Sa kanyang pagiyak ay sumigaw siya ng makita niyang pinugot ang ulo ng kanyang ama. Habang hinihila siya ng kaibigan niya palayo sa kanyang nakita. Ang kanyang ina na pilit lumaban ngunit napugutan ang kanyang ulo.
Pumasok na si Savanah sa kanilang bahay habang nakatanaw si Daniel sa kanya. Hindi naman napansin ni Savanah si Daniel dahil nakatago ito isang puno.
Nang subukan ni Daniel na pumasok sa bahay ni Savanah ay nakapasok siya.
Sa kanyang pagtalikod ay nagulat siya dahil naabutan siya ni Savanah na may dalang patalim. Mabilis na itinutok ni Savanah ang kanyang patalim sa leeg ni Daniel.
"Sino ka? Ano ang ginagawa mo dito?" Galit na sinabi ni Savanah at tinitigan ng masama si Daniel.
"Ako si Daniel, isang taong lobo at wala ako intensiyon na saktan ka." Tungon ni Daniel habang pilit niya na ibinababa ang patalim na hawak ni Savanah.
Hindi makapagsalita si Savanah,
inaakala niya na sasaktan siya dahil siya ay isang bampira, ibinababa ni
Savanah ang kanyang patalim. " Ano ang ginagawa mo dito?Isa ka taong
lobo, dapat kasama mo rin ang mga taong lobo". sabi ni Savanah. " Ah..
Naligaw lang ako, teka, ano ba ang pangalan mo?" Tanong ni Daniel. "Ako
si Savanah, at isa akong bampira." Sa una ay nagulat si Daniel nang
malaman niya bampira si Savanah, pero pilit niya sundin ang tibok ng
puso niya. "Ah,pwede ba tayong maging kaibigan?" tanong ni Daniel. "
Hindi ka ba natatakot na pagtaksilan ang sarili mong lahi?" sagot ni
Savanah. " Masama ba maging kaibigan ang katulad mo?" sagot naman ni
Daniel. Dahil sa tingin ni Savanah na magiging walang masamang
intensiyon si Daniel sa kanya, kaya't naging makaibigan sila.
Naging magkaibigan si Daniel at Savanah na matagal na panahon, lagi
silang magkasama sa paghahanap ng makakain, sa pagpunta sa iba't ibang
lugar. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan,nahulog na ang loob ni Savanah
kay Daniel, Sa bawat kanyang tulog at paggising laging si Daniel ang
nasa kanyang isip. Ngunit napaisip si Savanah, Alam niyang ipinagbabawal
ang pagmamahalan ng isang bampira at taong lobo pero mahal niya si
Daniel. Isang araw, bumisita si Daniel sa bahay nila Savanah, Aaminin ni
Savanah ang kanyang nararamdaman kay Daniel. "Daniel,alam mo naman na
magkaibigan tayo na matagal na panahon, at napamahal na ako sa iyo,
matatanggap mo ba ako?" sabi ni Savanah."Matagal na kitang mahal,
Savanah" sagot naman ni Daniel. Nabigla naman si Savanah sa sagot ni
Daniel. " Kaya mo ba ako tanggapin, kahit na isang akong taong lobo? at
mahalin ako ng tunay?" tanong ni Daniel kay Savanah. " Oo, Daniel mahal
na mahal kita ng tunay, at tanggap ko kahit isa kang taong lobo."
Ngunit hindi namalayan ni Daniel na may sumusunod na kapwa taong lobo na
nagispiya sa kanya. Nalaman ng ispiya tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ni
Daniel sa isang bampira.Dali-dali niyang isinumbong sa pinuno, Makatapos ng ilang
araw ay nagdesisyon na sugurin ng mga taong lobo ang bahay ni Savanah,
buti na lang ay nandoon si Daniel.
Daniel, lumabas ka diyan! may kailangan ka ipaliwanag sa akin!" sigaw ng
pinuno ng mga taong lobo. Lalabas sana si Daniel ngunit pinigilan siya
ni Savanah, " Daniel, papatayin ka lang niya, dahil alam na nila na
kaibigan mo ay isang bampira." " Huwag ka matakot,kaya natin
sila,magtiwala ka lang".Sagot ni Daniel na may kasamang ngiti. Lumabas
sila at hinarap ang mga taong lobo." sino ang kasama mo, Daniel?" tanong
ng pinuno ng mga taong lobo. " Isang kaibigan" sagot ni Daniel. " alam
mo naman kung ano ang kabayaran sa pakikipagkaibigan sa isang bampira,
daniel... Kamatayan!" Kasama sa pagkasabi nito ay kasabay din ang
pagbabagong anyo nila, mula sa tao ay naging lobo.Nakadama din ng takot
si Savanah.Naglaban ang lobo at si Daniel. Halos matalo na ni Daniel ay
ibang lobo. Ngunit nang makalaban niya ang pinuno na mas malakas pa sa
kanya, ay nasaktan siya at nasugatan sa dibdib. Nakita ni Savanah si
Daniel na sugatan ay mas lalo siya nagalit, sa galit niya, kinontrol
niya ang pinuno, nasaktan din niya, umatras sila mga lobo.
Ngunit huli na ang lahat, nang nilapitan ni Savanah, marami nang dugo
nawala kay Daniel at malapit na siyang mamatay. " Savanah, sana lagi mo
ako maalala, at lagi mo sana iisipin na mahal na mahal kita
magpakailanman". Sa huling sandali, hinawakan ni Daniel ang kamay ni
Savanah, " Mahal na Mahal kita, Savanah, kahit sa kabilang buhay,mahal
na mahal kita." sabi ni Daniel. " Mahal na Mahal din kita, Daniel,
habang buhay" Sabi ni Savanah. Sa huling sandaling iyon, ay pumanaw na
si Daniel, tumulo ang luha ni Savanah. Lagi nasa isip ni Savanah na ang
pagibig ni Daniel ay pang habang buhay at kahit nasa kabilang buhay na
siya, buhay pa rin ang pagmamahalan nila
BINABASA MO ANG
My Immortal (Re-editing)
RomanceIto ay tungkol sa pagiibigan ng dalawang magkaibang lahi: Si Savanah na isang bampira.at si Daniel na isang lobo Ngunit... Malalagpasan kaya nila ang bawat pagsubok at hamon na haharapin nila?