Tuluyan na ba mamatay si Daniel? o makakagawa pa si Savanah ng paraan para mabuhay siya ulit?
Epilogue:
"Mahal na Mahal kita, Savanah, kahit sa kabilang buhay, mahal na mahal kita." sabi ni Daniel.
" Mahal na Mahal din kita, Daniel, habang buhay" tungon Savanah. Sa huling sandaling iyon ay unti unti na pinikit ni Daniel ang kanyang mga mata. Tumulo ang luha ni Savanah. Lagi nasa isip ni Savanah na ang pagibig ni Daniel ay panghabang buhay.
Bago tuluyang mamatay si Daniel ginawa ni Savanah ang kanyang makakaya.
Mabuhay lang siya.
Idinala ni Savanah si Daniel sa isang bahay ng kanyang bampirang kaibigan na doktor na si James.
"James may magagawa pa ba ako para muling mabuhay si Daniel?" Umiiyak na sinabi ni Savanah.
Tinignan ng maigi ni James si Savanah at ang halos walang buhay na si Daniel
"May chansa pa na mabuhay siya" sabi ni James, hindi maalis ang kanya mga mata. Ramdam niya na humihina ang tibok ng puso ni Daniel. Alam niya na mamatay ito.
"Paano? Kahit ano para lang mabuhay siya" pagmamakaawa na sinabi ni Savanah
"Maari mo siya gawin katulad natin mga bampira ngunit 2 pwedeng mangyari sa kanya. Una, maari siya maging katulad natin at pangalawa, pwede tuluyan na siyang mamatay" sabi ni James.
"Lahat gagawin ko lang para mabuhay siya" sabi ni Savanah.
Inilabas ni Savanah ang kanyang mga pangil at ibinaon ito sa leeg ni Daniel. Umaasang mabubuhay ang kanyang minamahal. Ramdam ni Savanah na nawawala ang tibok ang puso ni Daniel.
"Kailangan natin maghintay ng ilang araw kung ano ang magiging resulta ngunit himala na lang kung mabubuhay siya muli..." sabi ni James habang binuhat niya si Daniel at inihiga sa kama.
Tumango lang si Savanah
BINABASA MO ANG
My Immortal (Re-editing)
RomanceIto ay tungkol sa pagiibigan ng dalawang magkaibang lahi: Si Savanah na isang bampira.at si Daniel na isang lobo Ngunit... Malalagpasan kaya nila ang bawat pagsubok at hamon na haharapin nila?