Part 4: Ang Pagtakas

313 8 0
                                    

Epilogue:

"Nahanap ko na sila" sabi ni Caleb kay Lycaneus.

-----------------------------------------------       Part 4    ---------------------------------------------------------

Si Sylvia,ang kaibigan ni James at Savanah,isa rin siyang bampira,kasama niya si James at

Savanah sa pagbabantay kay Daniel.Nabigyan si Sylvia ng kakaibang kapangyarihan, ang makita

ang mga susunod na pangyayari.Habang nagbabantay sila kay Daniel,hindi nila alam na papunta

na si Lycaneus at ang mga kasama niyang lobo .At bigla na lang napapikit si Sylvia,at nakita niya

na paparating na sila,"Paparating na ang mga lobo" sabi ni Sylvia kay James at Savanah.

"Kailangan natin gumawa ng paraan para di nila makuha si Daniel."sabi naman ni 

James."Sylvia,James,itakas niyo si Daniel,dumaan  kayo sa gubat para di kayo masundan ng mga

lobo"sabi ni Savanah."Eh,Paano na ikaw?"sabi ni James.

"Kailangan ko maiwan at harapin ang mga lobo para hindi nila makuha si Daniel"sagot ni

Savanah.Umalis na si James at Sylvia dala-dala si Daniel,pumunta sila sa gubat para hindi sila 

masundan.Nang makarating na ang lobo,ang unang sumalubong sa kanila ay si Savanah,

"Nasaan si Daniel?" Sigaw ni Lycaneus.

"Hindi ko sasabihan kung nasaan siya."sabi ni Savanah.

"Ah.. Sinusubukan mo talaga kami" sabi ni Lycaneus.

Sumugod ang mga taong lobo,napapikit lang si Savanah at nang idilat niya  ang mga mata niya,

Inilabas niya ang kanyang mga pangil at iba ang kulay ng mata niya,kulay pula,sumugod din si 

Savanah sa mga lobo,di niya kinaya dahil sa dami ng lobo,natalo si Savanah,at nadakip siya ni 

Lycaneus.At nagiwan ng sulat si Lycaneus para sa mga bampira,iniwan niya ito sa isang lumang

kwarto, sa lumang bahay na tinataguan ni Savanah,James,Sylvia at si Daniel.

My Immortal (Re-editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon