Epilogue:
"Himala na lang kung mabubuhay siya" sabi ni James kay Savanah....
------------------------------------------------------- Part 3 ------------------------------------------------------------------
Makalipas ng ilang araw, wala pa rin nangyayari kay Daniel,ngunit,kumalat ang balita at natuklasan ito ng mga lobo.
"Mahal na pinuno may kumakalat na balita na nasa kamay ng mga bampira si Daniel at may balak sila na gawin siyang bampira" sabi ng isa sa mga lobo.
"Kailangan natin gumawa ng paraan pinuno,kung hindi, mauunahan tayo ng mga bampira" sabi din ng isang taong lobo.
"kailangan natin patayin ang mga bampira at kung sakaling mabubuhay si Daniel,patayin din siya dahil isa siyang taksil." sabi ni Lycaneus.
Si Lycaneus ay pinuno ng mga lobo.Siya ang pinakamalakas na lobo.
"kailangan natin ng Ispiya para malaman natin ang bawat kilos nila."sabi ni Draven, ang kanang kamay ni Lycaneus.
"Ipadala mo si Caleb,magaling na ispiya siya." sabi ni Lycaneus.
Si Caleb ay isa sa mga magagaling na lobo,at isa din siyang ispiya.
Si Caleb ay kinausap ni Lycaneus,"Caleb,alamin mo ang bawat kilos nila,sundan mo ang taong ito,at baka doon natin matagpuan si Daniel at ang mga bampira."
*nagbigay ng litrato si Lycaneus kay Caleb*
"siya si James Orlock,isa sa mga bampira,isa siyang doktor at kaibigan niya ang babaeng kaibigan at malapit kay Daniel"
At dito nagsimula hanapin ni Caleb si James.
Nahanap ni Caleb si James kung saan nagtratrabaho si James,at sinundan niya ito na hindi pahalata.Natagpuan ni Caleb ni James papunta sa lumang bahay malapit sa isang gubat kung saan sila nagtatago,at nakita din niya ang babaeng sinasabi ni Lycaneus.At dali-dali siyang bumalik kay Lycaneus.
"Natagpuan ko na sila"sabi ni Caleb kay Lycaneus.
BINABASA MO ANG
My Immortal (Re-editing)
RomanceIto ay tungkol sa pagiibigan ng dalawang magkaibang lahi: Si Savanah na isang bampira.at si Daniel na isang lobo Ngunit... Malalagpasan kaya nila ang bawat pagsubok at hamon na haharapin nila?