Epilogue:
"Ako ang magtuturo sa kanya"-Columbus
---------------------------------------------Part 9-----------------------------------------
(Daniel's POV)
Sa pagkakaalam ko kay Columbus, magaling na bampira siya,may
kakaibang talino at kapangyarihan siya...
(Columbus' POV)
May Potential siya, may kakaibang kapangyarihan ako nakikita sa kanya,
iba-ibang kapangyarihan...
(Daniel's POV)
Time check: 6:45 am
*May kumatok sa Pintuan ko*
"Saglit lang..."-Daniel
*Binuksan ko na ang pinto*
"Daniel, magsisimula ka na sa pagtratraining mo bilang bampira,
pero bago iyon mag-almusal muna tayo sa kusina"-James
"Sige, susunod na ako"-Daniel
Naligo ako, nagbihis at bumaba na...
Pagpunta ko sa kusina, Nakatingin sila lahat sa akin...
"Daniel, Umupo ka dito at ipapakilala ko ang mga anak at apo ko"-Vladimir
Sumunod lang ako...
"Ito si Samantha ang anak ko at ang asawa niya na si Abel.Ito naman si
Columbus, siya ang magtuturo sa iyo, at ito naman ang anak ko na
si Cobalt at ang asawa niya na si Vanessa. At ang mga apo ko na sna
Valdin at Valtrix na anak ni Abel at Samantha. At sina Thomas at Brenda na
anak ni Cobalt at Vanessa."-Vladimir
Pagkatapos ipakilala ni Vladimir ang buong pamilya niya, ay uminom
siya ng baso na may dugo,kakaiba ang amoy ng dugo, nakakaakit at
masarap tignan, napansin ni Vladimir na nakatingin ako sa baso na may
dugo na iniinom niya.
"Kailangan masanay ka sa pag-iinom ng dugo"-Vladimir
"Pero..."-Daniel
"Wag kang mag-alala, dugo ito ng hayop, hindi tao, hindi kami marunong
pumatay ng inosenteng tao."-Vladimir
Teka, paano niya alam ang nasa isip ko? Eh basta...
Binigyan ako ni Vladimir ng baso na puno ng dugo...
"Inumin mo..."-Vladimir
Nakatingin sa akin si James at Sylvia...
"Pero..."-Daniel
"Sige na..."-nakangiting sabi ni Vladimir
Ininom ko yung dugo,masarap, matamis, at nakaramdam ako ng ibang lakas
BINABASA MO ANG
My Immortal (Re-editing)
Любовные романыIto ay tungkol sa pagiibigan ng dalawang magkaibang lahi: Si Savanah na isang bampira.at si Daniel na isang lobo Ngunit... Malalagpasan kaya nila ang bawat pagsubok at hamon na haharapin nila?