MARIAS OF MY LIFE
Maria Jasmine Del Rosario
THE SINGER
by: BlackroseChapter 2
-------,--'-,--,-'-{@
'Shit!'
I woke up involuntarily dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pilit ko itong inabot then turn it off. I groaned. I feel so much in pain. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang jina-jack hammer sa sakit.
I remember what happen last night. Marami akong nainom na tequila at I saw him, fuck! Totally fucked up talaga ako kagabi. Thrice ng nangyari ang malasing ako sa bar. Una was when my parents died. Pangalawa was when we broke up. Pangatlo ay yung kagabi. Totally wasted ako na wala akong maalala after I've fainted. Buti na lang at si Boss ang kasama ko. I know I am safe with him. He always makes sure that I am safe when we are together. I trust him with my whole heart dahil very close talaga kami.
Kung pagbabasehan ang kilos, pananalita at tindig nito ay hindi mo aakalain na isang binibini by heart siya. Ilan lang kami na may alam ng sikreto niya, talents at mga staffs niya lang. At first I thought lalaking-lalaki siya. Nagwapuhan pa nga ako dito, hawig na hawig siya ni Aga Mulach. But as I knew him more, I am wronged. Mas babae pa yun sa akin lalo na sa mga daily regimen niya sa umaga at bago matulog. Ako kasi hindi naman sa pagmamayabang ay makinis at maputi ang balat ko. Maganda ang lahi ng mga magulang ko kahit pa na mahirap lang kami. Kaya I don't use beauty enhancement products. Pero si Boss kahit pa maganda at maputi na ang kutis ay kung anu-ano parin ang pinapahid nito at nilalagay. Extra factor daw iyon as he will always say.
I decided na bumangon na at maghilamos. Nag-toothbrush rin ako then dumeretso na sa kusina. Hilig ko ang pagluluto, marunong ako sa mga gawaing bahay. Dati sa probinsya namin, ako ang naglalaba at naglilinis ng bahay namin.
Hindi ko napansin na may luha na pala ang magkabilang pisngi ko. Miss ko na sila. Miss ko na yung paggulo ni tatay sa buhok ko tuwing nagkikita kami. Tanda ng pagbati niya sa akin. At si nanay naman palaging sinusuklayan at inaayusan ang buhok ko. Dati kahit hiwalay ako sa kanila dahil sa Maynila na ako tumira mula ng maging talent ako ni Boss habang nasa Pangasinan naman sila ay masaya kami. Kasi alam ko na anytime ay makikita ko sila. Na anytime na mamimiss ko sila ay pwedeng-pwede akong umuwi sa amin at makasama sila.
Pero after nang unang major concert ko ay kinuha na sila ni Lord sa akin. Madalas tinatanong ko nga si Lord kung bakit agad niya binawi ang mga magulang ko. 19 lang ako noon. Para sa akin ay hindi pa ako handa para mangulila agad. Para sa akin ay maaga pa para kuhanin sila sa akin dahil marami pa kaming mga pangarap tatlo.
Ngayon, ako na lang. Ilan taon na mula ng mawala sila nanay at tatay pero up until now ay masakit parin, sobrang sakit parin sa akin. Everytime they crosses my mind, pain crushes my heart so much. Mahal na mahal ko sila, sobra pa sa pagmamahal ko sa buhay ko. Sila lang ang meron ako na alam kong talagang nakakaintindi at makakaintindi sa akin. Pero kahit pa ganoon, masaya narin ako dahil naranasan nila ang kaginhawaan ng buhay bago pa man sila mawala. Naibili ko sila nanay at tatay ng pick-up na sasakyan at nakapagpatayo ako ng munting bahay namin sa Pangasinan. May munting kabuhayan rin sila sa mismong bahay namin kaya hindi na noon kailangan pa ni tatay na maglabasan ng jeep habang si nanay naman noon ay hindi narin kailangang maglabahan sa karatig baryo namin. Masaya ako dahil naranasan nila ang mga yun. They deserved that sa lahat ng mga paghihirap nila na naranasan. Nasuklian ko rin ang paghihirap nila para maka-graduate ako ng high school. Hindi na kasi rin kinaya ni tatay ang umekstra pa sa construction kaya hindi na ako nakatungtong ng kolehiyo. Gayon pa man ay sinuwerte parin ako sa isang sinalihan kong singing contest. Dahil doon ay na-discover ng isang Gregorio Punzalan. Isang tanyag na voice coach at manager sa larangan ng music world. Doon nagsimula ang aking karera bilang singer. At dahil mahusay at may dating ang aking boses according to many, naabot ko ang pangarap ng mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Marias Of My Life -MARIA JASMINE DEL ROSARIO (THE SINGER)
RomanceMARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Genre: Romance TEASER Nagmahal ka Nasaktan ka. Nagmahal ka ulit Nasaktan ka ulit. Paano kung sa tuwing nagmamahal ka ay patuloy ka rin nasasaktan? Ang masaklap, sa isang tao ka la...