MARIAS OF MY LIFE
Maria Jasmine Del Rosario
THE SINGER
by: BlackroseChapter 3
------,-'--,-'-{@
I remember everything. I remember how it all started, how it all gone along and how it all ended. Everything is flashing back to my mind like it just happened yesterday.
(Flashback)
May practice ako at si Miko now dito sa studio. Nandito kami sa establishment ni Boss Greg, ang GP Talents. We are rehearsing para sa Valentines Day Love Concert namin. Duet kami ni Miko sa kantang "Hanggang Ngayon" nila Ogie Alcasid at Regine Velasquez and ang kantang "I Finally Found Someone" nila Bryan Adams at Barbra Streisand. We really need to rehearse dahil less than 2 months na lang ay concert na namin.
After ng unang set ng practice namin ay nagpunta muna kami sa backstage para makapagpahinga.
Habang nagre-relax kami ay patuloy ang aming kwentuhan ng may biglang tumawag kay Miko mula sa likuran namin. I glance at my back, there I saw a man. Matangkad ito kay Miko a bit, he is wearing a black shirt and a dark blue ripped jeans. Naka-cap rin ito katulad ni Miko. Nag-excuse sa akin ang huli then pinuntahan ang lalaki. Hindi ko na sila pinansin, I just decided to open my pocketbook and read for awhile. I love reading, same as I love cooking. I can hear them talking, sa lakas ba naman ng mga boses nila at tawanan. They seem to be close but I care less dahil halos nasa climax na ako ng binabasa kong kwento.
Fifteen minutes na lang ang remaining sa break namin so I decide na ayusin ang hair kong nakalugay, I fix it in a bun. I was about to walk away from where I am resting now when I heard someone calling my name. Tinatawag pala ako ni Miko. I stop and look at them who are walking towards me. Miko raise his hand pa na parang sinasabing wait-a-minute.
'MJ, I'd like you to meet a very good friend of mine, this is Jonathan Keith Agustin. Pasensiya ka na ha MJ, ang kulit kasi. Pinipilit ako na ipakilala ko daw siya sa'yo. Haha! Batchmate at ka-team ko siya dati sa basketball nung college kami sa Beda.'
Tumango lang ako sa lalaking nasa harap ko. Mataray man sabihin but I hate formalities kapag nakikipag-kilala ako sa mga lalaki. It's either beso-beso or tap sa shoulder kapag kakilala ko na or I just nod kapag hindi ko pa kilala, just like now. Tumango lang ako dsa kaibigan ni Miko. I don't even show any hint of interest towards him. Tinuruan naman ako ng parents ko how to be respectful sa tao but when it comes to men, nawawala ang pagiging magalang ko. Hindi naman ako anti-male species or what, karamihan kasi ng mga nakikilala or nagpapakilala sa akin over a year ay either they want to date me agad-agad or they want to get a pass on me. You know what I mean. Karamihan sa mga lalaki, gusto lang magpalipas ng init ng katawan.
'Nagtaray ka na naman MJ.' Tumatawa lang na sabi ni Miko habang umiiling ito. I know mataray ako because of the way I treated men but I really don't care talaga. 'Nga pala Keith bro, this is the one and only Sensational Star, Miss Maria Jasmine Del Rosario. Co-singer ko dito sa GP Talents and soon-to-be-girlfriend ko. So bro alam na, hands off ka na diyan. Wala ka ng chance.'
Imbes na matawa ako dahil ganyan palagi ang introduction nitong si Miko sa akin but not this time. Tinitigan ko ito ng matalim at nakataas ang isang kilay ko naa para bang nagsasabing walang ako sa mood sa mga kalokohan mo ngayon at itigil mo na ang ilusyon mo.
'Ahh... Bro, co-singer ko siya at very close friend ko rin. Hindi totoo yung girlfriend thing. Haha! Sorry. Pero huwag mo ng balakin pang ligawan yan si MJ. Wag mo ng isama yan sa mga listahan ng mga babaeng pinaiyak mo!'
'Gago.' Bumaling ito sa akin. 'Hi Jasmine.' sabay kindat pa nito.
'It's MJ or Maria Jasmine to you, Mister Agustin.' I scoff at him. Mataray talaga ako sa mga lalaki lalong-lalo na sa mga may kahanginan sa katawan at mataas ang ere.
BINABASA MO ANG
Marias Of My Life -MARIA JASMINE DEL ROSARIO (THE SINGER)
RomanceMARIAS OF MY LIFE Maria Jasmine Del Rosario THE SINGER by: Blackrose Genre: Romance TEASER Nagmahal ka Nasaktan ka. Nagmahal ka ulit Nasaktan ka ulit. Paano kung sa tuwing nagmamahal ka ay patuloy ka rin nasasaktan? Ang masaklap, sa isang tao ka la...