THE SINGER -6

3.8K 51 1
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jasmine Del Rosario
THE SINGER
by: Blackrose

Chapter 6

'MJ, are you fine?' alalang tanong ni Miko sa akin. We are now here sa studio, tumatambay kami dito. Ayoko muna kasing mag-isa after kong maalala ang araw ng kamatayan ng mga magulang ko. It was a very dreadful day. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanila. Dead on arrival sila ng makarating nang hospital.

Until now masakit parin, I can still feel the pain. Palagi kong tinatanong sa Diyos kung ang pagkawala ba nila ay ang kapalit ng kasikatan at karangyaan ko?

Hindi ko na naman pala napansin na lumuluha na naman ako at iyon ang nakita ni Miko. Alalang-alala siya sa akin and I am very thankful for that.

Nagpaalam muna ako dito na uuwi na ako. Gusto nga nitong ihatid ako but I prefer not to. Gusto kong mapag-isa at isa pa ay dala ko si Montero kaya impossible rin ang gusto nito. He kiss my hair and say goodbye sa akin.

Hanggang pababa ako going basement ay naisip kong mag-unwind muna. Pupunta muna ako sa mall bago umuwi ng bahay. Titingin kung anong pwedeng bilin. Dahil walang traffic ay mabilis akong nakarating ng SM North.

I go first sa "Coffee Ta". Paborito ko ang lugar na ito. Die hard fan ako ng black coffee. Basta strong coffee, gusto ko yun. Caffeine addict ako eh. Pumwesto ako sa labas na part ng shop para makapagyosi ako after kung umorder sa counter. Black coffee at blueberry cheesecake, yan palagi ang ino-order ko dito. Tumambay ako roon until I am having my 2nd black coffee.

Nang magsawa ako kakaupo ay naglakad-lakad naman ako hanggang sa makarating ako sa mga boutiques. Nakabili na ako ng pedal shorts ng may nakakilala sa akin na nagpa-autograph at nagpa-picture rin. Nakabili narin ako sa Maldita ng blouses nang maisipan kong pumasok sa Bestidas, titingin ako ng dresses.

Nang makapasok ako sa loob ay may nahagip ang aking mga mata. Sila rin yung nakita ko sa bar nung isang gabi. Oh Sh*t! Bakit ngayon pa of all the places and time.

Ang eksena: she's hugging him sideways at halatang idinidikit nito ang kanang dibdib sa lalaki. Habang ang lalaki ay nakahawak ang kaliwang kamay sa isang pisngi ng pwet ng babae. Sa tuwing nakikita ko na lang ang mga ito ay wala ng ginawa kundi maghawakan. Tuko ba ang babaeng ito kung makadikit? The nerve!

Bitter ka lang, kutya ng isip ko. Hindi no, sagot ko sa isip kong intrimida.

I also saw him na nagbabayad sa counter habang ang babaeng tuko ay nakakapit parin sa katawan nito.

Nag-iwas ako ng tingin ng biglang halikan ni babaeng tuko ang lalaking kasama nito sa may bandang tenga. I see him smile. Ang hudyo! Walang kahiya-hiya yung babae sa katawan, kahit saan na lang abutin nang kakatihan.

Bigla akong nahiya para sa kanila dahil pinagtitinginan na silang dalawa. I want out. Lalabas na sana agad ako ang kaso ay biglang may nagpa-autograph sa akin na tili ng tili. Nagtinginan lahat ng mga customer sa loob pati yung lalaking makati at yung babaeng tuko. Nagtama ang aming paningin, ramdam kong nagulat ito ng nakita ako. After I sign my signature ay dali-dali akong lumabas ng boutique at naglakad ng mabilis. I make my way through the crowd kahit pa I know na may matatamaan ako. I know nakita niya ako, patunay yun ng marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko. I walk fast para hindi ako nito maabutan. Akala ko ay nakalayo na ako at hindi na ako inabutan when someone held my arm.

Napapikit ako bigla ng muling may dumaloy na mumunting kuryente sa katawan ko. I hate what I am feeling right now. I don't need to turn around para malaman pa kung sino ang humawak sa akin. Just his touch makes my knees weak. Hindi ko kailanman nakalimutan ang hawak niyang ito. Tatraydorin ako ng katawan ko kapag hindi ako lumayo sa kanya kaagad.

Marias Of My Life -MARIA JASMINE DEL ROSARIO (THE SINGER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon