THE SINGER -4

3.9K 58 0
                                    

MARIAS OF MY LIFE
Maria Jasmine Del Rosario
THE SINGER
by: Blackrose

Chapter 4


(Flashback Continues)

Hindi ko namamalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Kapag may ginagawa ako sa studio or may rehearsals ako ay palagi nitong sasabihin na hintayin ko ang pagdating niya. Kapag tumawag o nagtext siya sa akin ay masaya ako. Kahit simpleng bagay lang na ginagawa niya ay naa-appreciate ko na. Minsan kapag nasa bahay lang ako with nothing to do, he will just come and surprise me. Alam na niya kasi mga schedules ko. He made it possible na alamin ang mga schedules ko and he made it possible na andoon siya palagi for me.

As time passes by, palagi na kaming nagde-date ni Nathan. Kung saan-saan kami nagpupupunta. Masaya itong kasama, never a dull moment with him.

One time he invited me sa birthday party ng mother niya. Ayoko nga sana but alam kong malulungkot ito if I would say no. And that's what I don't like to happen, ang malungkot ito. So I have to say yes kahit pa alangan ako and there I saw how happy he was sa pagpayag ko.

After few days, lulan na kami ng sasakyan nito going to his mother's birthday celebration. Simple lang daw ang sasakyan niya, Mazda RX-7 lang naman na kulay metallic blue. Napaka-WOW talaga. Nalula na ako sa sinasakyan ko eh mas nalula pa ako sa mala-palasyon bahay nila na naka-locate sa Green Meadows. Sobrang yaman pala talaga nila.

As we went inside, makikitang class ang mga taong naroroon. When we entered, lahat ay nakatingin sa amin. Binati namin ang ina niya at ang katabi nitong babae na naka-black na long gown with a very low neckline. Ngumiti ang babaeng at biglang tumabi kay Nathan. I've learned mula kay Nathan na anak pala ng business partner ng mother niya sa abroad si Melanie Stanford. He grab my waist tight na parang his saying na mas lamang ako doon and that I shouldn't be intimidated at all.

Well hindi naman papahuli ang dress na suot ko. It's a tube gown na red at black ang combination na hanggang taas ng hita ang haba. Then hapit ito which embraces my curve. Kita ang kinis at haba ng legs ko. Pinartneran ko ang suot ko ng isang 5inches stilleto na same ng kulay sa damit ko. Syempre I wanted to impress his mom kaya pinaghandaan ko rin ang occasion.

Habang kumakain kami ay nakita kong nakatingin sa amin ang Melanie na yun. But I know kay Nathan ito nakatingin.

Nang natapos kaming kumain ay nagpunta kami sa garden na kita ang kagapan sa loob. He gave me a glass of champagne bago nito sabihin na aalis muna siya saglit dahil pinapatawag daw ito ng ina.

'Yes Ma. You want to see me daw.'

Kumapit ang kamay ng ina nito sa braso ng binata ko sabay ngumiti. I can see them here sa kinakatayuan ko. Ngunit hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

'Hi Son. Thank you for coming to my birthday. By the way, you know Melanie right?'

'Yes Ma.' sabay tingin nito sa dalagang katabi ng ina. Tipid na ngumiti ito habang malapad ang ngiti naman ng dalaga.

'Why don't you be with Melanie first hijo. I don't seem to recognize who you are with tonight.' tahasang sabi nito sa anak.

'She's a well-known singer Ma. She's Maria Jasmine Del Rosario.' pagbibida naman nito sa dalawang kaharap.

'Charmed. Just be with Melanie first.' giit ng ina nito sabay hinawakan ang dalaga sa likod at inilapit kay Nathan.

Wala ng nagawa si Jonathan nang umabrisyete ang kamay ng dalaga sa braso nito. I saw the both of them na magkatabi then umalis ang ginang para batiin ang iba pang bisita.

I felt a pang of jealousy starting to eat me whole. I felt it creeping inside me. But I don't have the right to be jealous dahil hindi naman kami ng binata. Wala naman kaming relasyon bukod sa manliligaw ko siya.

Marias Of My Life -MARIA JASMINE DEL ROSARIO (THE SINGER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon