Chapter 4

15 0 0
                                    


Cindy's POV

Kinabukasan maaga akong nagising dahil excited akong pumasok.Ewan ko kung bakit,feel ko lang na ma excite eh.haha!!Bukod don,excited na rin akong pumunta sa park kung saan laging tumatambay si arkent,dadalawin ko ulit sya at kukulitin hanggang sa mairita sya sa akin,haha!!Nakakatawa kasi yung mukha nya pag naiinis sya eh,perfect na perfect yung pagkakakunot ng noo nya.Haha!!Parang inukit lang eh,haha!!





Palabas na ako sa gate ng bahay ko,ni lock ko na rin ito baka pasukin ng magnanakaw yung house ko ang dami pa namang golds non.Charoott!!Haha!!, naaawa lang ako sa magnanakaw kasi mapapagod lang sya kakaikot sa bahay ko,wala naman syang makukuha o mananakaw.Konti lang nga ang laman ng bahay ko eh,dahil ako lang mag isa,konti lang rin yung mga binili kong gamit.Pag marami kasi akong gamit marami  rin yung lilinisin ko,pag konti lang yung gamit konti lang rin yung lilinisin ko,oh diba?talino ko noh?Haha!!Gumaya na kayo sa akin.De joke lang.haha!!


Pagkalock ko ng gate ko,naglakad na ako papunta sa school.Haaaiiisshhh!!Nasaan kaya si Arkent ngayon?Palagay nyo?Hmm...Nasa bahay ba nila sya ngayon?,Nasa school,nasa tambayan,Saan kaya?Waaahhh!!Na mimiss ko na sya,Na mimiss ko na bestfriend ko.Kahit ganon naman ang ugali ng multong yon,nababaitan pa rin naman ako sa kanya.May pinagdadaanan lang siguro sya kaya ganon ang ugali nya.







Habang naglalakad ako,may  nadaanan ako na couple.Waahhh!!Ang sweet naman nila*o*Sana pag nagka lovelife ako,matinong lalaki ang maging boyfriend ko.Yung walang bisyo,di babaero,Gentleman,Sweet at mamahalin ako hanggang sa pumuti na ang buhok ko.Haha!!Teka ,kanta yun ah.Hehe!!Pero sa panahon ngayon,mukhang wala ng ganong lalaki,ngayon kasi mga barumbado,lasinggero,babaero, manloloko.Oh diba?Ang sarap nilang ipakain sa shark?haha!!






Nakarating na rin ako sa wakas sa room namin.At maya maya dumating na rin yung teacher namin then sinabi nya na may transfer student daw.Hmm...babae kaya sya o lalaki?Sana girl nalang pag kasi lalaki yung transfer tsaka pogi pinagkakaguluhan lang ng mga girls,makabasag eardrums yung tili nila.Nakakainis!!





Pinapasok na ng teacher namin yung transfer.Yeeyyy!!Its a Girl,well maganda sya,sexy,inosente yung mukha at yung mga classmate kong lalaki ang saya saya nila dahil maganda yung transfer tiyak maraming magkakagusto sa kanya,pero parang nase sense ko yung aura nya.Di maganda ang kutob ko sa kanya,Oo anghel sya sa paningin ng iba pero sa kabila non nararamdaman kong may tinatago syang bad attitude.And to make it short,ayaw ko na agad sa kanya. Ewan ko ba,yung feeling ko kasi anytime may gagawin syang masama eh.Naiirita ako sa presence nya.


"Hello new classmates,My name is Annica Marie Delos Reyes,please be nice to me.Thats all thank you"pagpapakilala nya then pinaupo na sya ni maam at nagsimula ng magklase.

Buti nalang hindi sya sa tabi ko pinaupo ni maam dahil kung dito sya uupo,aaiiisshhh!!Ewan ko baka mapilitan lang akong kausapin sya.Ayoko naman kasing makipagplastikan sa kanya.Di ako ganong tao.Ang bait bait ko kaya,kekeke!!






#FASTFORWARD#

UWIAN NA!!Ang bilis ng oras dito no?haha!!

Dumiretso na ako sa bahay para magpalit ng damit,napagpasyahan ko kasi na mag ayos muna at mag miryenda bago pumunta sa park.Nakakahiya naman don sa supladong multo na si arkent kung di ako mag aayos diba?Baka ma turn off sya sa akin,sayang,crush ko pa naman sya.harhar!!






Nagluluto ako ng spaghetti para sa akin,syempre,ako lang naman ang mag isa dito sa bahay eh.Haha!!Bago ako pumunta sa park dapat makapagluto na ako para pag uwi ko mamaya kakain nalang ako,o diba?galing ko no?hehe!!



Tapos na ako sa pagluluto.Nai serve ko na rin sa plato yung spaghetti.Pinatay ko na yung stove then naglakad na ako papuntang mesa para ilagay sana yung  niluto ko pero muntik ko ng mabitawan yung pagkain ko dahil sa isang taong di ko inaasahang makikita ko sa loob ng pamamahay ko ngayon,Nakaupo sya sa upuan tas nakasandal at Nakapoker face lang sya habang nakatingin sa akin at ako naman naguguluhan pa rin kung paano sya nakapasok dito.Ayy oo  nga pala,kaya nya palang tumagos sa mga dingding dahil kaluluwa sya.Engot ko talaga haha!!Pero ang ipinagtataka ko...







Bakit sya nandito?Anong ginagawa nya sa loob ng pamamahay ko?

**

A/N:OMO!!Sino kaya ang transfer student na si Annica?Ano kayang ang magiging parte nya sa buhay ng ating mga bida?Kakampi ba sya?o kaaway?ABANGAN...😉

The Childish Girl Meets the Cold hearted...Ghost👻👻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon