Cindy's POVNakauwi na pala ako ngayon.Hindi na rin ako nagtagal sa park kanina dahil nawala nalang bigla yung poging multo.Tsk!!Nakakainis nga dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan nya.Samantalang yung ibang mga multong nakikita ko nalalaman ko agad ang name nila.Hmp.
By the way,ako lang pala ang mag isang nakatira sa bahay,nakahiwalay ako sa parents ko dahil gusto kong matutong mamuhay mag isa.Gustong kong maging independent sa kanila,at malapit rin ang bahay ko sa school namin kaya nilalakad ko na lang.
Matutulog na sana ako pero bigla nalang sumagi sa isip ko yung multong nakilala ko kanina.Ano kaya ang pangalan nya?Paano kaya sya namatay?Saan kaya sya nakatira?Kumain na ba sya?...Ayy teka lang.Hehe!!Hindi pala kumakain ang mga multo.Shongeks ko talaga.haha!!Ayyss..Gusto ko talaga syang maging friend at sa ayaw at sa gusto nya magiging friend ko rin sya sa future,kaya Mr.Suplaghost short for supladong ghost,humanda ka na sa akin dahil sisiguraduhin kong magiging kaibigan din kita.hehehe!!Sa ngayon,matutulog muna ako para makaipon ako ng maraming energy para kulitin ang multong yon bukas.haha!!
**
*Kinabukasan*Natapos agad ang klase namin at dumiretso na ako sa park na pinuntahan ko kahapon kung saan ko nakita yung multong snobber pero gwapo,hihihi!!!
Gaya kahapon pumunta ulit ako dun sa puno kung saan ko sya nakita baka kasi don ko ulit sya makita ngayon at di nga ko nagkakamali dahil nandoon sya,nakaupo sya sa upuan at nakasandal habang nakatingin sa malayo at parang malalim ang kanyang iniisip.Ano kayang iniisip nya ngayon?dito kaya sya sa lugar na ito namatay?O may problema ba sya?
Sinundan ko ng tingin yung tinitignan nya at nakita ko ang isang couple sa di kalayuan na sobrang sweet,nagtatawanan sila na parang wala silang problema,binalik ko ang tingin ko sa multong crush ko pero hanggang ngayon nakatingin pa rin sya don sa couple.Hmm...di kaya naiinggit sya don?Pwede naman kaming dalawa ah..hihi!!Ang kaso lang multo sya at tao naman ako...pero pwede na rin sa akin...hehe!!sanay naman ako dyan eh...tinutulungan ko kasi ang mga multong nakilala ko na maging masaya bago sila pumunta sa heaven,minsan naman may unfinished business pa sila dito sa lupa kaya di sila makapunta sa heaven kaya tinutulungan ko rin sila kung kaya ko naman.Kaya posible ring matulungan ko si multong snobber na maging masaya bago man lang sya makaakyat sa heaven,mukha kasing Broken Hearted ang multong lolo nyo bago sya namatay eh kaya ganyan sya makatingin sa couple kanina,parang ang bitter..haha!!
Linapitan ko na sya pero dahan dahan lang,may balak kasi akong gulatin sya eh..hihi!!Ano kaya ang itsura nya pag nagulat?Gwapo pa rin ba sya kahit nagugulat?haha!!
Pinagpatuloy ko lang ang balak kong gulatin sya.Yess..malapit na ako...hihi!!Ayan na magugulat ko na sya...Yah!!
"Wag mo ng subukan yang binabalak mo sa akin,alam kong andyan ka,makulit na babae."ayan tuloy..nahuli nya ko.Aiissshhh!!Ang lakas naman ng pakiramdam ng multong ito!!Nakakabanas!!Hmp!!
"He-he!!Hello multong malamig pa sa yelo...kamusta ka naman"bati ko sa kanya pero inirapan lang nya ako.Aiiissshhh!!Sa lahat ng multong nakilala ko sya ang ang napakamasungit at the same time sya rin ang pinakagwapo sa lahat...hihihi!!
"Tss..."
"Kuya multo naman eh!!Wag ka na ngang masungit!!Gusto ko friend na kita ah!!Chigi na poe,pweeaaasssee!"""makuha ka sa baby talk ko kuya multo...hehe!!
"Tsk...So childish...Ano bang ginagawa mo dito?Ginugulo mo ang tahimik na pamamahinga ko"sabi naman nya.Wow!!Ang lalim ng tagalog nya ah...infairness naman sa kanya...mapaenglish or malalim na tagalog sya magsalita ang ganda pa rin pakinggan.
"I want to be your friend"diretsong sabi ko sa kanya
"Tsk!!I dont want to be your friend...i want to be alone...so please leave me alone..stop annoying my ears with your high pitch voice,psh!!"sabi nya sa akin...aba dumugo ata ilong ko don ah...at ano daw?high pitch ang boses ko?grave naman tong multong to,malumanay kaya ang boses ko,well...sa tingin ko..hehe!!pero wahhhh!!!leave him alone daw??Huhu!!parang nabroken hearted naman ako don ah.Kawawa naman si heart ko.Pero hindi ako susuko sa kanya.Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging kaibigan sya.Aiiisshhh!!Sana nga.
"Eeeiiiiii!!!!Kuya naman eh!!Please friend na tayo ah...period wag kang aangal ang umangal pangit.Hehe!!"oh diba ganda ng move ko no?hindi na nga sya nakapagsalita eh napanganga sya sa sinabi ko.haha!!Ano ka ngayon?
"What the--"
"Hep hep!!Hooray!!Wala na sabing aangal eh.Sige ka papangit ka pag umangal ka...pogi mo pa naman...hihi!!"banat ko sa kanya na nakapagpaiwas naman ng tingin nya at inirapan pa ako.Aiiisshhh!!
"Psh!!"oh wala na syang masabi at ibig sabihin lang non payag na sya..Yeeeeyyyy!!
Lets go to step 2,ang malaman kong ano ang name nya.Ang pangit naman pag friend nga kami pero di naman namin alam ang pangalan ng isat isa.Haha!!
**
A/N:Sorry po sa typos at tsaka wrong grammars di po kasi ako masyadong marunong sa english eh kaya ganon.Hehe!!

BINABASA MO ANG
The Childish Girl Meets the Cold hearted...Ghost👻👻
AléatoireChildish Girl Meets the Cold Hearted Ghost Highest rank achieve in Ghost #48