Chapter 1

26 1 0
                                    

Cindy's POV

"Hi cindy"

"Hi din po,hehe"

"Hello cindy"

"Hello po"

"Good morning iha kamusta?"

"Good morning din po,ayos lang naman po.hehe!!"








Naglalakad ako ngayon sa isang eskinita papunta sa school namin.Nagtataka ba kayo kung bakit ang daming taong bumabati sa akin?Well,Friendly po kasi akong tao at lahat ng  nakasalubong ko kanina ay mga dabarkads ko hehe,bata man o matanda,tomboy man o bakla,Lalaki man o babae,may ngipin man o wala.haha!!kahit sino kinakaibigan ko.Ayyy...nakalimutan ko po palang magpakilala sa inyo,chorry po^_^













My name is Arriana Cindy Imperial,18 yrs old. Friendly po ako,masayahin,sabi din nila positive thinker daw po ako at totoo naman po iyon hehe..Mahilig akong tumawa,obvious naman po diba?haha!!At may secret po ako..gusto nyong malaman kung ano?Ayoko nga,pilitin nyo muna ako.De joke lang.haha!!Eto na sasabibin ko na pero wag nyong ipagsasabi ah?Nakakakita kasi ako ng mga nilalang na di nakikita ng ibang tao,Tulad ng..maligno,engkanto,lamang lupa,dwende,kapre...hmm..ano pa ba?ahh...multo.Nakikita ko sila pero di na ako natatakot dahil siguro nasanay na rin ako sa pagpapakita nila sa akin.May kaibigan din nga akong katulad nila eh.Haha!!Wierd na ba ako para sa inyo?Well,wala rin naman akong magagawa kung ganon nga ang tingin nyo sa akin pero ganon na nga talaga ako.Hehe!!Mabait naman kasi sila,well,may ibang kaluluwa ang masasama at iyon naman ang iniiwasan ko dahil maaari nila akong saktan.Pero wala pa naman akong na eencounter na bad spirits.








Nandito na ako sa school na pinapasukan ko.Dumiretso na ako sa room ko dahil malelate na ako,napahaba yata ang kwentuhan natin kaya di ko napansin ang oras.hehe!!









Umupo na ako sa upuan ko then nakipag daldalan muna ako sa mga classmates ko wala pa naman kasi kaming teacher eh,kaya makikipagchikahan muna ako.haha!!Close kasi kaming lahat dito,wala ngang bully sa room namin .Bihira nalang kasi sa isang klase ang walang bully eh.Right?






Maya maya pay dumating na rin ang teacher namin then nag start na ang klase namin.




***

Natapos na ang klase namin,palabas na sana ako ng room namin pero tinawag ako ng ilan sa mga kaklase ko.





"Cindy tara gimik muna tayo"sabi ni mel yung friend ko









"Oo nga naman cindy"sabi naman ni roy yung bf ni mel friend ko rin yan.











"Waaaahhhh!!Sorry guys *pout* hindi ako makakasama sa inyo eh,huhu!!Inaantok na kasi ako dahil kulang ako sa tulog kagabi.sorry po talaga *pout ulit* "sabi ko sa kanila,napuyat kasi ako sa kakabasa kagabi ng stories sa wattpad eh,nalibang ako sa binabasa ko kaya di ko  na napansin ang oras.1:00 ng madaling araw na nga ako natulog eh.hehe!!












"Ok lang yan,may next time pa naman"rex kasama din nila,kaibigan ko rin yan










"Basta next time dapat sasama ka na sa amin ah"fey,kaibigan ko rin










"Okie dokie po^_^Promise next time sasama na ako sa inyo.hehe!!"ako







Nagpaalam na kami sa isat isa.Sa bar daw sila pupunta samantalang ako dumiretso na ako sa bahay para makapagpahinga.



Andito na ako sa tapat ng bahy namin pero bago ako makapasok sa gate namin ay napatingin ako sa park na kaharapan lang ng bahay namin.Yes,tapat lang ng bahay namin yung park,madalas nga akong tumambay dito eh at ewan ko ba sa sarili ko dahil kusa nalang naglakad ang mga paa ko papunta sa park na iyon.Ang tagal ko na rin palang di tumatambay rito.Ang dami pa ring mga batang naglalaro,may mga couples din at may iba namang parang may sariling mundo.








Pumunta ako sa tambayan ko sa park na ito.Yun ay ang pinakatahimik na part ng park, dito ako madalas makakita ng mga multo eh,pero sa ngayon konti nalang ang nagpapakita sa akin,madalang ko nalang sila maramdaman eh.





Well,nasa lilim ako ng isang mataas na puno at may mahabang upuan na naka attached sa punong iyon,dito ako madalas tumambay eh,umupo nalang muna ako don at tumunganga sa kawalan.








Habang nakatingin ako sa kawalan ay biglang lumamig ang paligid dala ng isang malakas na hangin.At dahil don napapikit ako dahil baka mapuling ako sa alikabok nadala ng hanging iyon.Mahirap na baka mapuling ako dito,Ang sakit kaya mapuling sa mata no?hehe!!








Lumipas na ang hangin at hanggang ngayon nakapikit pa rin ako.Ewan ko,feel ko lang pumikit eh,haha!!Lalo tuloy akong inantok.








Binuksan ko na  ang mga mata ko ng dahan dahan at nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko dahil may isang lalaking nakaharap sa akin,ang lapit pa ng mukha nya sa mukha ko yung parang konting galaw lang mag kikiss kami.yaayy...Buti nalang  at hindi.Lumayo na sa akin yung lalaki at nakapamulsang nakatayo sa harapan ko.Woooww*u*ang gwapo nya.shheeezzz!!Pero parang may iba sa kanya eh.









"Sino po kayo?"tanong ko dun sa gwapong lalaki.







"The hell you care"sabi ng lalaki sabay irap pa sa akin.Sayang...Gwapo sana kaso parang ang layo naman ng sagot nya sa tanong ko.Aiisshh!!Ang sungit nya naman at nanginginig na ko sa lamig ng boses



"Hmp...sungit mo naman brotha...nagtatanong lang naman ako eh"di ko tuloy mapigilang mapa pout sa ugali nya.








"What ?"tanong nya sa akin










"Wala...ang sabi ko ang gwapo mo sana kaso nga lang masungit ka"sabi ko sa kanya.






Nanahimik nalang sya at umalis sa harap ko.Umupo sya sa kabilang dulo ng upuang kinauupuan ko.Wow,para naman akong may sakit ah!Kung makalayo kasi sya sa akin wagas eh.Psh!!












Sayang naman,ang gwapo pa naman nya kaso nga lang ubod naman ng suplado at mukhang kaedad ko lang sya.Baby face kasi sya eh.Ano kaya ang name nya?Pero habang tinitignan ko sya parang may napapansin ako sa kanya...may kakaiba talaga eh...nung dumating sya ang lakas ng hangin,at pag dilat ko kanina bigla nalang syang sumulpot sa harap ko samantalang ako lang namang mag isa kanina dito...











Habang tumatagal ang pag iisip ko kung ano nga ba sya,unti unting nag sisink in sa utak ko na ang gwapong lalaki pala na ito ay isang.....Multo.










Sayang naman,deads na pala sya*pout*,Ang gwapo pa naman nya.Hmmm...I think..gusto ko syang maging friend,ang loner kasi nya eh,baka walang multong gustong lumapit sa kanya dahil ang sungit sungit nya.Pwes, ngayon Mr.Ghost kukulitin na kita hanggang sa mapapayag kitang maging kaibigan ko.Hehe!!No one can resist my charm.Mapa tao man yan o sa mga katulad mong...multo.Hehe!!

The Childish Girl Meets the Cold hearted...Ghost👻👻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon