Chapter 3

18 1 0
                                    

Shiela's POV

Im Shiela nga pala bestfriend nitong si Chloe. Classmate ko yan si Bessie since Grade 5 transferee ako sa school nila Chloe, tuwing binubully yan ako nagtatanggol sa kanya mula sa mga bad kids sa school namin. Lagi kasi siyang tinutuksong 'lechon' dati dahil bata pa lang siya talagang malaking bulas na siya. Si Chloe lang din kasi nakapagpalagayan ko ng loob noon dahil nga transfer student lang ako maraming di pumapansin sakin ewan ko bakit ganun sa school nila at siya lang, si Bessie ang naglakas loob lapitan ako at kausapin. Simula noon sabay na kami lagi kumakain kapag recess namin kaya naging malapit loob ko sa kanya. Naikwento niya na rin sakin yung tungkol nga sa sitwasyon niya sa tiyahin niya. Hmp! Ang bruhang yun ginagawa talagang alila si Bessie. May araw din sila ng anak niya saken. My mom and dad are both partners sa restaurant na tinayo nila. Di ko masasabi na mayaman kami pero may kaya din namn,  kaya rin ako nakapasok sa Soar High kami ni Bessie.

Ngayong 3rd year highschool na kami syempre mas naging malapit pa kami sa isa't isa, may tumibay pa friendship namin. Siyempre si Bessie ganun pa rin malaking babae pa rin. Hehehe. (^ ^) Peace!

Pauwi na kami ni Chloe galing sa concert ng Voice Avenue. Heto na naman at para siyang naluge.

"Bessie? Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

Para namang walang narinig ang gaga ang lalim yata ng iniisip. Niyugyog ko siya para mapansin niyang tinatawag ko siya tsaka lang siya napalingon.

"Ahmm, oo naman bessie. Ang saya ko nga ngayong gabi eh." she said then tingin ulit sa labas ng sinasakyan naming taxi.

Alam ko naman na kahit paano naging masaya si Bessie kaso di ko maiwasang mag worry kasi back to reality na naman ang peg niya, sa mundo ng mga 'witch' sa bahay nila.

Pero alam ko na di naman yan papatalo sa mag inang witch. Kanina nga eh natutuwa ako sa kanya nung kinanta kasi ng Voice Avenue yung closing number nila alam ko naalala na naman niya si Jeremy. Kilig na kilig ang loka at talagang sinasabayan niya pa sa pagkanta ang banda at standing ovation pa ang loka. Naikwento niya rin kasi sakin yung encounter niya before with him.

"Flashback"

"Shocks! Bessie! Kinikilig talaga ako. Tingin ko para sakin talaga yung kanta na yan" kilig niyang sabi saken.

Hawak-hawak pa niya yung panyo na binigay sa kanya ng Knight and Shining Armor niya. At di pa nakuntento at tumayo pa talaga at todo wave ang kamay niya kasabay ng iba pang fans.

"I'll be your crying shoulder, I'll be the greatest fan if your life" sumabay siya kantanin yung last line nung lyrics. At take note sumabay pa talaga sa tilian nung ubang audience.

Nalurkey talaga ako nung mga oras na yun.

"End of Flashback"

Hanga nga ako sa kanya eh, siguro kung ako nasa kalagayan niya nilayasan ko na ang mga kasama ko sa bahay. Pero iba talaga si Bessie eh,napakabait talaga niya at napakabuti ng puso. Isang beses nga nung nakasabay ko siya pumasok sa school. Nakita kong may dala siyang tinapay habang naglalakad kami nabanggit niya sakin na di pa raw siya nagbebreakfast dahil naltmate siyang gising kasi kung ano-ano naman ang pinagawa sa kaniya na mag-ina at maya maya may nadaanan kaming babae siguro nasa mid 30's na siya at  meron siyang kargang baby pareho silang marungis at halatang nagpapalaboy-laboy sa kalsada. Iyak ng iyak yung bata at hindi ito mapatahan nung babae.Tingin namin talagang nagugutom na yung baby. Nalampasan na namin ni Bessie ang mag-ina pero nagulat ako nung bumalik siya at binigay niya yung dala niyang tinapay dun sa babae, hindi pa doon natapos binilhan pa niya ng tubig yung mag-ina doon sa malapit na tindahan sa eskwelahan namin.

'Bessie!' tawag ko sa kanya.

'Oh? Bakit?' she responded.

Napatitig na lang ako sa kanya and i said 'Wala, wala lang natutuwa lang ako' and she smiled at me.

At di lang yun marami pang beses naulit yun sa ibat-ibang araw. And one more thing na lubos kong hinahangaan sa kanya ay yung boses niya. Napakaganda talaga ng boses niya kaso she's not that confident dahil sa hitsura niya, maganda naman si Bessie kung mag-aayos siya at magpapapayat siya grabe kasi ang laki ng katawan niya. Niyaya ko nga siya lagi na magwork-out kaso laging naayaw. Pero di ko siya susukuan, i know that one day matatagpuan din niya yung tapang at lakas ng loob na kailangan niya para mag-ayos at magpapasexy.

Nakauwi na ako sa bahay at tinawagan ko siya at sabi niya nakauwi daw siya ng maayos at matutulog na daw siya. Ayoko na siya istorbohin dahil gabi na at baka ma-late kami bukas sa school, nagpaalam na ako sa kanya at sabi ko matutulog na rin ako.

"Sige Bessie, beauty rest na tayo' after that i hang up.

Chloe's POV

Naririnig ko na ang alarm sa cellphone ko. Hudyat na kailangan ko ng gumising para maghanda ng kakainin namin. Alas kwatro pa lang ng umaga. Inaantok pa ako pero kailangan ko ng bumangon at baka mahuli ako sa klase. Bumaba na ko at tinungo ang kitchen. At pagtapos magluto ay hinanda ko na sa lamesa ang almusal ng mag-ina at nauna na rin ako kumain. Grabe! Gutom na gutom talaga ako di ko talaga mapigilan maparami ng kain. Nagluto ako ng fried rice at ng tocino ,nakatatlong ulit ako ng kain at di ko na namalayan ang oras 5:00 na.

'Shete!' yan na lang ang nasabi ko.

Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo. Di ko na rin alintana yung lamig ng tubig at pagkatapos maligo ay mabilis pa sa alas kwatro akong nakapagbihis at lumabas ng bahay. Pinili ko na lang maglakad papuntang school dahil sinabi sakin ni Bessie na exercise daw yun at makakatulog daw yun sa pagpapapayat ko. Di ko rin naman siya makontra, di pa naman marunong magpatalo yun at isa pa nangako din ako sa kanya na unti-unti kong susubukang mag-effort para sa sarili ko. Kaya no choice ako baka magalit sakin ang bestfriend ko na yun.

Habang naglalakad ako papuntang school may narinig akong ingay , parang ingay yun ng isang pusa.

'Meow! Meow!'

Di nga ko nagkamali at nakita ko na ay kuting na palakad papuntang kalsada. Naawa naman ako at baka mapipi yun pag nasagasaan ng mga rumaragasang sasakyan. Di ko na namalayan na naglakad ako papuntang kalsada at kinuha ko yung kuting. Yumuko ako para damputin ang puso kaso nahirapan ako dahil sa tiyan ko rin kaya umupo na lang ako at dinampot ko yung kawawang pusa. Pero bago pa ako makatayo ay may isang kotse padaan sa direksyon ko.

Kinabahan talaga ako. And i was like a statue, ang tanging nagawa ko na lang ay pumikit at magdasal na sana walang mangyaring masama samin nung kuting.

Screeeeeeeechhhhhhhhh!!!!!!!!!

'Oh God! Save me!' dasal ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Nagustuhan niyo po ba?

Vote or Comment lang po kayo.

Salamat ulit!! Mwaaah!

This is 'ME'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon