Chapter 6

14 0 0
                                    

Leandro's POV

Hello everyone! I'm Leandro Sebastian member ng grupong Voice avenue. Nakilala ko sila Jeremy at Walden nung 2nd year kami. Sumali ako sa club na sinalihan nila sa simpleng kadahilanan. I love to play guitar and i love music. Kumakanta rin ako actually lahat kami marunong kumanta. Someday i wanna produce music and albums. Kontra ang mom and dad ko sa gusto kong gawin kasi gusto nila i-manage ko yung company namin once na makagraduate ako ng college. Pati yung pagsali ko sa voice avenue kinokontra din nila and they want me to quit kasi naabala pagaaral ko. Pero hindi pwede mangyari yun. Kahit na anong mangyari hindi ko bibitawan yung pangarap ko. Itaga niyo yan sa bato!! Hehehe! (* ' ')

Ilang minuto pa ako naghintay kung may tao pang lalabas sa girl's restroom pero wala na, wala nang tao na lumabas pa. Si Gwyneth na ang huling lumabas sa restroom. Naisip ko rin na baka siya yun, pero may pag-aalangan pa rin sa isip ko. I decided na bumalik na lang sa auditorium para ipagpatuloy ang judging sa audition.

"Siya kaya yun?" , isang malaking katanungan na bumabagabag sa isip ko.

Bumalik na ako sa auditorium para matapos na ang audition. Tamang tama nagkaroon din pala ng half hour break kasi hinihintay nila si number 12 na mag-aaudition. Sakto naman umakyat na si Gwyneth and i was surprised na sasali pala siya at siya rin pala si number 12.

She started to sing , i can't deny na maganda nga ang boses niya pero di ko pa rin maalis sa isip yung babae na narinig kong kumakanta sa restroom dahil napaka-ganda ng boses niya, maihahalintulad mo siya sa mga magagaling na singer pagdating sa kantahan. Nagsimula na si Gwyneth kumanta and i was shocked kasi she's singing the same song na narinig ko.

"Langya naman eh! Bakit yun pa kinanta niya? Damn!" naiinis kong sabi.

Ibang-iba ang style ni Gwyneth sa pagkakanta ng Rolling in the Deep. And with that napatunayan ko na hindi sa kanya ang boses na iyon.

Natapos na rin sa pagkanta si Gwyneth. Alas tres na ng hapon so we decided to take 20 mins break para na rin makakain kami at isa pa nagrereklamo na rin si Jeremy at Vinzent na nagugutom na sila.

"Alright people we will take 30 mins break and after the break were gonna proceed with the audition."

We decided na sa Cafeteria na lan kami bibili ng food at dito na lang kami sa auditorium kakain. I volunteered na ako na lang ang pupunta at isasama ko na lang si Walden para may katulong ako sa pagbitbit. Tuwang-tuwa naman ang loko kasi makakaporma na naman siya sa mga chicks sa campus.

"Tol, mukhang kanina pa malalim ang iniisip mo ah. Baka naman chikababe yan share mo naman yan. Hehehe." sabi ng loko-lokong si Walden.

"Ah wala ito pre. Di ko lang naman kasi maalis sa isip ko yung boses na narinig ko sa restroom ng girls. Ang ganda ng boses niya pre."

"Oh di nga? Ano maganda ba? Nakita mo ba kung ano hitsura? Maganda ba? Sexy? Pakilala mo naman saken." sunod-sunod na tanong ni loko.

"Teka pre, isa-isa lang. Di ko nakita kung sino eh. Kasi narinig ko lang kanina nung nagpunta ako sa restroom pabalik na sana ako kanina kaso narinig ko yung boses sa girls comfort room. Nagkataon naman na naiwan ko yung cellphone ko sa cr kaso paglabas ko wala na siya. Wala na rin yung boses. Sayang nga eh di ko man lang siya nakilala." litanya ko kay Walden.

"Ouch pare! Mahirap yan, baka di ka makatulog niyan kakaisip. That explains kung bakit parang lumilipad yung utak mo kanina. Iyon pala iniisip mo." he said.

"Kaya nga eh. Tapos kanina kinanta pa ni Gwyneth yung kinakanta nung babae sa restroom."

"Hahaha, kaya pala! Mukhang in-love ka na yata huh. Wag mo sabihin inlove ka sa boses nun? Hinay-hinay lang tol."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is 'ME'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon