Chapter 4

9 1 0
                                    

Nanatili lang ako sa pagkaka-upo hindi ako makakilos sa sobrang takot ko. Nanatili rin na nakapikit lang ang mga mata ko natatakot akong dumilat baka pagdilat ko kasi nasa Heaven na ako.

Narinig ko bumukas yung pinto nung kotse at may bumaba.

"Miss? are you okay? Miss? Miss?' sabi nung lalaking nasa harapan ko.

Unti-unti ko na ring idinilat ang mga mata ko. Dahan-dahan lang at natatakot ako na baka pagdilat ko nasa langit na ako.

At pagdilat ko natulala lang ako. I was so surprised sa nakita ng mga mata ko.

'OMG! Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel sa harapan ko? Oh no! Di maaari marami pa akong pangarap sa buhay di pa ko pumapayat di pa ako nagkakalove life. Oh jusko wag muna ngayon' natatarantang sabi ko sa sarili ako sabay antanda pa ng krus.

Biglang sumimangot yung mukha nung lalaking kaharap ko at hala tumaas ang kilay pero kahit ganun mukha pa rin siyang Angel. Pero teka? Parang kilala ko siya? Teka lang, 'Oh my gosh! Its him! I can't believe it' bulong ko sa sarili ko.

Jeremy's POV

Hi I'm Jeremiah Blaine Benson one of the members of Voice Avenue Lead Vocalist ng banda. Currently studying at Soar High 3rd year student , my parents decided to live in States at doon ko nga nakilala ang manager namin na si Lorreinne friend siya ng Mom ko but i decided to live here in the Philippines since may resthouse naman sila mama dito kapag nagbabakasyon kami. At isa pa ayoko doon ang boring masyado, mas mahal ko pa rin talaga ang lugar kung saan ako nagmula.

While im driving my car papuntang school bigla na lang may weirdong babae na humarang sa kalsada bigla tuloy akong napaapak sa preno at muntik na akong mauntog sa manibela.

Lumabas ako ng kotse upang tingnan kung nasaktan yung babae.

"Miss? are you okay? Miss? Miss?' tanong ko sa babaeng nasa harapan ko.

Nakatulala siya sa akin at bigla na lang ngumiti. Mukhang may sapi yata. Ilang minuto pa ang lumipas at parang walang balak gumalaw at magsalita ang babaeng ito.

Narinig ko pang parang kinakausap niya ang sarili niya.'Baliw ba to?' tanong ko lang sa isip ko. Naiinis na ako kasi malelate na ako sa klase at mukha talagang walang balak umalis ang isang ito.

"MISS? ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!!' sigaw ko sa kanya at parang natauhan naman siya bigla.

'Ahmm, ahh Oo ayos lang ako' sabi niya sa akin sabay nagpagpag ng uniform niya

'Miss kung magpapakamatay ka wag mo na ako idamay tss, pwede ba tumayo ka na diyan? utos ko sa babaeng matabang baliw sa harapan ko.

'Aaah Oo pasensya ka na, may nakita kasi akong kuting na papunta diyan sa kalsada eh kawawa naman baka ma-hit and run este baka mamamatay pala" sagot niya sakin.

Pinilit namang tumayo na nung babae pero mukhang nahihirapan siya. Paano naman kasi ang laki naman ng tiyan niya kaya nahihirapang tumayo.

"Miss? Ayos ka lang? akmang tutulungan ko sana siya tumayo kaso

'Ah ok lang ako, ayos lang ako hindi naman ako nasaktan' masiglang sabi niya at parang wala lang nangyari.

"Tss, suit yourself". bulong ko pero parang narinig niya ata sumagot kasi siya.

"Hah?" Sabi nung babaeng mataba.

"Ah wala, wala! sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Nag-aala? Hindi no! Mahirap na mamaya may mangyaring masama dito kasalanan ko pa. Kargo de konsiyensiya ko pa. Pero parang pamilyar siya sakin. Parang nakita ko na siya somewhere. Hmm.

This is 'ME'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon