Chapter 5

20 0 0
                                    

"Soar High Anniversary -Foundation Day-"

Walden's POV

Hi I'm Walden Johannson Flaniggan member din ako ng Voice Avenue, Vocalist din ako pero si Jeremy ang Lead sa grupo. Excited na ako ngayong araw na ito. Bukod sa Foundation day ngayong din araw kami maghahanap ng bagong member para sa grupo namin. At ang maganda pa dun babae ang magiging bagong star namin. Nakilala ko si Jeremy nung 1st year highschool we're more like brothers. Naging mas close kaming dalawa kasi pareho kami ng sinalihan na club bukod pa dun pareho pa kaming mahilig kumanta. Di ko nga alam kung paano nangyari eh pero halos sa lahat ng bagay pareho kami ni Jeremy. Madalas din kami pinagkukumpara noon sa lahat ng bagay, pareho kaming gwapo, magaling kumanta ang lamang niya lang talaga sakin ay likas na marunong si Jeremy when it comes to Academics.

Medyo magulo ngayon sa school dahil Foundation Day nga. Kung anu-anong pakulo ang nakikita ko. Nandiyan yung marriage booth, kissing booth, jail booth na kapag nakulong ka kailangan may tumubos sayo. Kapag walang tumubos sayo hindi ka makakalabas hangga't di pa nagsisimula ang program para sa gabi. Malas mo na lang. Pero wala doon ang focus ko ngayon nasa audition ang isip ko. Sana naman maganda ang bago naming makasama namin sa grupo.

"Sana lang talaga". hiling ko.

Tinext ko na rin sila Jeremy at sinabi ko na magkita-kita na lang kami sa auditorium.

"Guy's see you at the auditorium 3pm" text ko sa kanilang tatlo.

*message sent*

I was on my way papuntang auditorium and then i saw someone, i saw her. The senator's daugther. Gwyneth Sanchez ang pinakamagandang babae sa Soar High. Balita ko marunong din siya kumanta, hinihiling ko din na sana mag-audition siya sa grupo namin

Nilapitan ko siya para makipagkilala ng maayos. Lakas loob akong lumapit at

"Hi I'm Walden" pakilala ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako from head to toe at nilagpasan niya lang ako. Hinabol ko siya at nagsalita ulit ako.

"Mag-aaudition ka ba mamaya para makasali sa grupo ng Voice Avenue?" pangungulit ko sa kanya.

Pero no effect pa rin sa kanya deadma pa rin ang inabot ko. Hinayaan ko na siya makalayo at baka mawala lang yung magandang mood ko para sa audition mamaya. Binalewala niya ang gwapo kong ito? Ano na lang sasabihin ng mga tropa ko niyan?.Wala na akong appeal sa mga chikababes?

"No way! Pakipot pa to alam ko bibigay ka din sakin" naiiling kong sabi.

"Tss! Pasalamat ka maganda ka." dagdag ko pa.

Yun lang at napatingin ako sa oras.

"Shit! 2:30 na pala, kailangan ko na magmadali." dadaan muna ko sa restroom para mag-ayos mahirap na baka madisappoint ang mga girls mamaya sa audition pag di ako nagpa-gwapo.

Tumingin tingin pa ako sa salamin para masiguradong poging-pogi na ako.

"Okay! Ikaw na talaga Walden!" puri ko sa sarili ko.

Pagkatapos mag-ayos ay dire-diretso na ako sa auditorium.

Gwyneth's POV

Nagulat ako ng may sumalabong na masamang hangin sakin pag pasok ko pa lang sa school.

"Hi, I'm Walden" pakilala niya sakin.

Tiningnan ko na lang siya from head to toe at nilagpasan ko na lang yung binansagang  Playboy na si Walden. Kilala ko siya, kahit di kami nagiinter-act sa school. Sikat siya oo pero when it comes to woman he has a bad reputation. At ayaw ko rin sa mga taong katulad niya. Sa mga taong katulad ng Dad ko. Btw I'm Gwyneth Sanchez both my parents are separated kagagawan kasi ni Dad. Nambabae siya kaya pinili ni Mom na iwanan siya. My Dad's a Senator habang si Mom naman kunalimutan lahat ng pangarap niya, tinalikuran niya lahat yun para suportahan ang Dad ko. Pero lahat ng sakripisyo ni Mom nauwi sa wala dahil pambabae niya. I hate him. I hate them all. Galit ako sa mga taong katulad niya. Kinasusuklaman ko sila.

This is 'ME'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon