Chapter One: Introducing Nathan Tatcher

56 7 0
                                    

Chapter 1: Introducing Nathan Tatcher

Excited akong tumayo sa higaan ko dahil Monday ngayon, may pasok na naman. Dali dali akong nag-ayos para pumasok ng maaga sa paaralan.

Nang makarating ako sa school, mabilis akong pumwesto sa pinakamalapit na bench sa main gate ng school namin. Ganito ang routine ko araw araw, ang hintaying dumaan ang kaisa-isang inspirasyon ko na nagligtas ng kinabukasan ko.

Stalker. Yan na siguro ang dapat itawag sa akin. Pero ano ba'ng masama? Kung ang pagiging stalker ko naman ang bumubuo sa araw ko.

Freshman days ko sa high school, ayokong pumasok sa school dahil natatakot ako. Maraming nakapag-sabi sakin na mahirap daw ang high school kaya naman gumawa ako ng kung anu anong dahilan para lang makaliban sa klase. Maglagay ng bawang sa kili kili, pigilin ang hininga, at LBM.

Pero isang lalake ang nagbago sa pananaw kong ito. Nang isang araw na mapilit nila akong pumasok, nakita ko ang isang napaka-gwapong nilalang na naging dahilan kung bakit ko nagustuhang mag aral.

Oh, diba? Good influence.

Ngayon ay second year high school na ako. Wala pa ring pagbabago, siya parin ang dahilan ng pagpasok ko.

"Hoy Mimi! Baka gusto mo nang pumasok sa room, diba?" nagising na lang ako sa pagd-daydream ko ng bigla akong kinausap ni Cely, ang bestfriend kong baliw.

"Ano ka ba naman, Celestina! Kailangan ba akong gulatin, ha?" sagot ko sa kanya sa naiiritang tono.

"Kasi naman kanina pa kita kinakausap, panay naman yang kausap mo sa sarili mo. Hello?" sarkastikong sabi niya.

"Teka, anong oras na ba?"

"6:49 am. Ilang minutes na lang magsisimula na ang flag racing." sagot niya sakin.

"Cely! Si Nathan, dumaan na ba?!" natatarantang tanong ko sa kanya ng maalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Gaga, kanina pa!" dahil sa sinabi niyang iyon...

"Cely ang sama mo! Huhuhu! Bakit hindi mo sinabi sakin! Waaaaah! Hindi ako ang unang nakakita sa kanya ngayon, ikaw! Aaah!!" pinagtulak at hila ko siya kaya naman bigla niya akong kinotongan.

"OA mo ha! Makikita mo naman siya mamaya sa room e! Atsaka, matanong ko lang Mimi ah," napatingin ako sa kanya. Nakasimangot padin ako. "Ano ba'ng nagustuhan mo sa Nathan na 'yan?"

"Bestfriend, tinatanong pa ba 'yan?"

"Eh kasi naman, hindi man lang marunong ngumiti, minsan lang magsalita, minsan nga hindi ko alam kung pipi ba siya o ano eh." this time, ako kumotong sa kanya. "Aray!"

"Cely, hindi mo ba nakikita? Napaka-gwapo niya, ang puti, ang tangos ng ilong, ang ganda ng buhok, haaaayyy..."

"Kunsabagay... pero Mimi, ang daming may crush sa kanya. Paano ka niya mapapansin?"

"Hindi ko naman inaasahan na pansinin niya ako eh. Makita ko lang siya, ayos na ako."

"Wow ah! Kadiri ka, ang drama mo pramis. Tara na nga!"

Nagsimula na ang flag racing kaya naman pumunta na kami sa court. "Find your height," ang sabi ng teacher namin. Teka lang, hindi naman po nawawala ang height namin, Ma'am.

What we did is "Find your friends" not "Find your height." Kaming mga girls lang ah. Yung ibang boys nag FIND YOUR FRIENDS din pero konti lang sa kanila.

Seryoso lang akong nakikinig. Nasa kalagitnaan na ng flag racing ng biglang may kumalbit sa'kin. Hindi ko na lang pinansin dahil siguradong nantitrip lang sila.

*Poke*

Tumingin na ako sa kumakalbit sakin. Pokepokin ko ito eh.

Pagtingin ko, si Scarlette pala, bestfriend ko din siya. Nalate pala ang baliw kaya nasa likuran. Nung tinignan ko siya, kinikilig siya tapos may tinuturo. And I was like, 'Huh?'

Tinuturo niya pala yung sa side ko. Meaning, nasa line ng boys ang tinuturo niya. Dahan dahan, tiningnan ko ang tinuturo niya ng walang gana at-OMFG!

Natulala na lang ako. Bakit ngayon ko lang napansin? Bakit ngayon ko lang napansin na si Nathan Thatcher pala ang katabi ko? Bakit?!

Pinipigilan ko ang sarili ko na magtalon-talon at magsisigaw. Yung mukha ko, parang nagpipigil ng utot.

Oh my, nararamdaman ko ang pawis ko na tumutulo. Sa noo, sa likod, pati nga sa kili kili eh!

"Mimi, dito ka nga!" hinila ako ni Cely. "Gusto mo bang mahalata ka, ha?" tinignan ko lang siya. I'm kinda speechless!

-

Recess time.

So yeah, magmula kaninang flag racing until now, nakangiti padin ako. First time ko siyang makita upclose! At geez, mas gwapo siya pag malapit. OMG.

"Hindi pa kaya bulok ang laway nun." sabi ni Scarlette na kumakain ng marsh mallow.

"Oo nga eh. Isang beses ko pa lang ata siyang narinig magsalita." sang ayon ni Cely. Sige lang, pagtulungan niyo 'ko. Napaka-supportive!

"Shadap! Basta, ang gwapo niya!" depensa ko. May maisagot lang!

"Edi wow." sabay nilang sabi.

Ano man ang sabihin nila, magka-bibig man si Hello Kitty, magka-shorts man sila ni Winnie The Pooh, crush ko padin si Nathan Thatcher. Period no erase, period, pad lock, tapon susi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally Inlove [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon