CHAPTER 2
WHAT I'VE WAITED
So bale yun, sinabi ko sakanya lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Umabot sa punto nanagsasabihan kami ng "I Love you" (haha. Harot) Pero hindi kami nung time na yun.
Seth: Ano tayo na?
Me: hala, Ligawan mo na muna ako
Seth: Eh bakit pa? Eh mahal mo naman ako, mahal rin naman kita.
Me: Eh syempre kelangan ng ganun dapat.
Seth: Eh bakit yung kuya ko tsaka yung girlfriend niya di naman sila nagligawan noon, Nagaminan lang sila ng feelings.
Me: Hala, ayoko nga, ligawan mo muna ako.
(Haha. Oo na masyado akong naing maarte haha)
Seth: Ayoko nang manligaw, gusto ko tayo na agad. Haha dun din naman punta nun eh :), Una mo kong boyfriend, una kitang girlfriend, ayaw mo nun?
(Hahaha. Ikaw ba naman sabihan nung taong gusto mo ng ganun. Kasi ako gusto ko yung ganun,wala pang nagiging ex kase ako wala pa talaga as in,so paran compatible kami, :")
Pero hindi naman naging kami kahit sobrang gusto ko na siya nun.
Nung health subject namin, dun ako nakaupo sa likod niya. (Dun sa upuan na nasa likod ng upuan niya, Haha. Baka kasi ipilosopo niyo eh hahahaha)
Teacher: Okay class, magkakaroon tayo ng activity, 2 groups, boysand girls. Because we'll be taking Adolesence as our topic.
Umalis muna yung teacher namin, babalik daw siya after namin magusap usap, kung ano lan mapagusapan namin haha.
Syempre naghati na kami ng groups, nagdaldalan lang kami syempreng mga girls tapos yung mga leader samin, nagtanong about sa mga ideas dun sa topic nga. Yung ma boys naman sa kabila sobrang ingay lang kasi tawanan lang sila ng tawanan.
After siguro mga 25 minutes, bumalik na yung techer namin.
Teacher: Okay class, masyado na kayong maingay, bumalik na kayo sa upuan niyo.
Sunod naman kami agad sa teacher namin.
Teacher: Oh ano naman ang mga pinagusapan niyo habang wala ako? Girls muna. Girls, ano ang mga pinagusapan niyo?
Bianca: (Isa sa mga matatalino talaga sa amin) Maam, nagusap usap po kami kung ano yung mga reactions namin about our topic and mga changes po sa sarili namin as we grow up lalo na at first year na po kami.
Teacher: Okay good. Kayo naman, ano naman ang mga pinausapan niyo kanina?
Hay naku. Nagturuan pa ang mga boys kung sino ang magsasalita sakanila.
Teacher: Aba, wag niyo sabihin na wala kayong pinagusapan kanina. Anthony, Ikaw, ano pinagusapan niyo kanina?
Anthony: Ano po maam, tungkol sa mga crush po (tawanan mga boys)
Teachers: Eh ikaw sino naman crush mo?
Hala. Nakangiti pa si Maam, parang loko rin to eh haha.
Nakatingin sakin si Anthony, parang kilala ko kung sino sasabihin niya. Please dont say it please!
Anthony: Si Anthea po.
Ano bang sinasabi niya? Bakit sinabi niya yun sa harap ng buong klase namin?? Di ko alam kung ngingiti ako o magagalit. Yumuko na lang ako dahil nahihiya talaga ako.
Seth: Wag mo na silang pakinggan( nakangiti niyang sinabi sakin)
tapos ako problemadong problemado kasi parang naiipit ako sa sitwasyon. Parang gusto kong mawala muna.
Me: Nakakainis no? :(
Seth: Pabayaan mo na lang. Wag ka ng malungkot.
Hay sa wakas nag bell na rin, Vacant period na namin at ang karaniwang ginagawa namin ay naglilinis ng sariling area.
Habang papalabas ako ng classroom. . . .
Anthony: Uy okay ka lang? Sorry ah
(Biglang umepal yung isa naming classmate)
Kristoff: Yieee.
Me: Hala, ewan ko sayo.
Sa totoo lang hindi ako naiinis sakanya, nahihiya ako. Nahihiya ako sa lahat pero siguro nga totoong crush niya ako. Pero pano kami ni Seth? Pano si Seth? Hindi kaya siya nagselos kanina? :(
Hay. Buong maghapon akong inaasar nila hanggang maguwian. :(
Im not feeling well, kase nalungkot ako nung nakita ko na ang tamlay ni Seth nung Health subject namin, hindi rin siya nagopaalam sakin nung uwian na, kaya tinext ko siya.
Me: Psst
Seth: o?
Me: Okay ka lang?
Seth: Oo naman :) kumain ka na?
Me: hindi pa, mamaya na lang.
Seth: Buti pa si Anthony no?
Me: bakit?
(eto na nga ba sinasabi ko, hay)
Seth: Crush na crush ka niya.
Me: Ano naman? Ikaw naman yung gusto ko
(boom! Haha. ano?)
Seth: :)
Me: Kain na ako ha. Bye :)
Seth: I love you! sige.
Me: I love you too!
Hay, buti na lang okay na kami. Habang kumakain ako, biglang may nagtext. . . . Si Anthony pala.
Anthony: Huy
Me: Ano?
Anthony: Galit ka?
Me: hindi po. bakit?
Anthony: Dahil dun sa kanina, Sorry kung sinabi ko kanina ha, tinanong kase ako ni Maam eh, wala naman siguro masama kung sasabihin ko eh.
Me: ah okay lang yun. Hahaha
Anthony: Pwede bang manligaw?
Hala. ano ba to, eto nanaman. Hahaha
Me: bakit?
Anthony: Ikaw kase gusto ko.
Me: Di pa kasi ako nagboboyfriend tsaka bawal.
Anthony: Maghihintay ako.
Me:Haha bahala ka.
Nakalimutan ko, kumakain nga pala ako
Tita: Ano ba yan, hanggang sa pagkain, hindi manlang mabitawan yan cellphone na yan, kumain ka muna.
Syempre binitiwan ko na, baka isumbong pa ako sa nanay ko eh.
Lumipas yung mga araw, okay naman kami ni Seth, nagkukulitan na rin kami sa school pati na rin si Anthony pero friends lang kami.
Kami naman ni Seth, ganun pa rin, HINDI PA RIN KAMI. Hahaha, natatakot kase ako. Baka masaktan lang ako.
YOU ARE READING
Stuck(Timeless Memories)
Любовные романыA story of Anthea and her memories which she recalls everyday. . . .