Chapter 3

117 1 0
                                    

Chapter 3

THE REGRETS

Kahit magbabakasyon na, Okay kami ni Seth, Masaya kami. :) Okay lang na magkalayo kami kasi ma contacts naman kami sa isat isa :)

While texting:

Me: Uy! bakit ang tagal mo magreply kanina?

Seth: Sumama kasi ako kay mama kanina sa palengke, iniwan ko yung phone ko kaya hindi ako nakareply. Sorry :*

Aba syempre nahiya naman ako kasi sobrang nagpanic ako kase biglang nawala na lang siya kanina eh katext ko lang siya, pero at the same time natuwa naman ako kasi ang bait niya, sinamahan niya pa si Tita sa palengke :D

Meron ding time na umuuwi siya sa totoong bahay nila pag weekend, malayo kasi talaga yung bahay nila kaya baka di siya masundo ng service papuntang school. Eh medyo mahina yung signal ng Globe dun, pero gumagawa naman siya ng paraan para magkatext kami.

Me: uy asan ka na?

Seth: andito na ako, ang hirap humanap ng signal!

Me: eh pano ka nakakapagtext? kala ko ba mahina signal dyan?

Seth: Malayo ako sa bahay, andito ako sa may Puno. Hahaha

Me: Hindi ba delikado dyan? 

Seth: Okay lang ako, atleast magkatext tayo :D

Haha. Harot moments nanaman, akalain mong, pumunta pa siya sa may signal para lang makatext niya ako :")

Seth: Oo nga pala, magiinuman yung mga tito ko sa bahay. Okay lang na sumali ako?

Me: Okay lang, ikaw bahala :)

(yun yung sinagot ko kase ayaw kong pagbawalan siya sa mga gusto niyang gawin kase hindi naman kami at wala akong karapatan)

Seth: tsk tsk

Me: oh bakit?

Seth: Dapat pinagbawalan mo ako kasi mga matatanda yun at malay mo baka kung anong mangyari sa akin.

(naks, may pa ganun effect ka pa? Hahaha sweet)

Me: Eh malay ko ba, baka naman makikikain ka lang ng pulutan at may tiwala naman ako sayo eh :D

Seth: Kahit na, dapat next time ganun ha, gusto ko inaalala mo ako lagi. 

Me: Okay sorry :*

Seth: Okay lang :* Sige uwi na ako ha, gabi na kasi.

hayyy. ang sarap sa pakiramdam na may nageeffort sayo ng ganun :D

Lahat ng mga texts namin, nakasave lahat sa phone ko. Hindi ako naglalagay ng security code sa cellphone ko dahil alam kong wala naman makekealam nun.

 Dumaan ang maraming araw ng bakasyon, ganun kami kasweet madalas. hehe pero may isang pangyayari na di ko inasahan.

Pagkagising ko . . . .

Nasan yung phone ko???!!! Kinabahan ako bigla, hinanap ko ng hinanap yung phone kung saan saan, wala sa kama, wala sa may tv, wala rin sa lagayan ko ng damit. Wala lahat!

Kinabahan ako, Nasan yung nanay ko? Alas otso pa lang. May feeling ako na nasa kanya yung phone ko. Sobrang kinakabahan na talaga ako huhu :(

Hinanap ko na yung nanay ko, wala sa kusina, wala sa labas ng bahay, wala rin sa sala, wala rin sa c.r at wala rin sa laundry.

Stuck(Timeless Memories)Where stories live. Discover now