The story is just a story, Yung mga characters ay totoong tao pero hindi sila yung taong nasa story o nasa kwento( ang gulo no? haha kahit ako naguluhan rin eh) , nagpaalam ako sakanila para maging part sila ng story ko. Gusto ko lang kayo bigyan ng imagination kung ano ang mga itsura dun sa mga gaganap sa story.
And napili ko sila via facebook, and sure ako hindi po magkakakilala yung mga characters ko. Thank you! Please do support.
INTRODUCTION
Hi guys, please do read this and share :) Thanks for supporting.
-Author.
This is just a start.
"Feelings do changes, but memories stays the same"
CHAPTER 1
HAPPY DAYS
Ako nga pala si Anthea. Masaya ang buhay ko, lalo na ng dumating yung mga taong importante sa buhay ko nung naghigh school ako.
Eto, ikukwento ko kung pano siya dumating sa buhay ko.
Noong first year student pa lang ako, nagkaroon na ako ng mga crush sa higher year, including, yung mga classmate ng kuya ko which is ahead lang sakin ng isang taon. May ilan akong naging crush dun pero syempe di ko sinabi yun sa kuya ko kase baka isumbong ako sa nanay namin.
So bale nung gabi na hiniram ko yung phone ng kuya ko, nagpunta ko sa contacts tapos kinuha yung mga number ng crush ko( hahahaharot) siguro mga apat na number yun pero ang tinext ko lang, eh si Luke :")
Message:
Me: HI------ sent to Luke
Luke: Sino to?
Me: Ay si Anthea to, wrong send, sorry.
Luke: Uy ikaw pala yan. Oh kamusta?
Me: Ah okay lang sige, goodnight
Luke: oh matutulog ka na agad?
Me: oo eh sige
Yun, bale hanggang dun lang yung paghaharot ko kas baka mahalataagad. Hahaha Pero nung gabing yung sobrang kilig ko talaga as in :) Syempre hindi yun alam ng kuya ko, yare ako pag nalaman niya yun.
Baka nagtataka kayo kung bakit kilala niya agad ako, maliit lang kase campus namin kaya mgkakakilala lahat halos.
Dumaan yung mga araw, nagkakatext kami, pero hindi madalas lalo na nung nagkagirlfriend siya which is third year, jane yung pangalan niya. So ayun, dumistansya ako syempre.
Finocus ko na lang yung sarili ko sa classmate ko/crush ko since grade 4 nahearthrob ng school namin, siya si Seth. Sakanya naman ako nahulog ng sobra. Nung elementary kami, lagi niya akong inaasar na may gusto siya sakin which is di ko naman pinaniniwalaan kase hindi ko pa inaasikaso yung mga ganun. So kaya yun. hanggang crush ko lang siya that time kase bata pa na rin lang kami nun.
Tapos yun, habang tumatagal mas naging close kami nung ngfirst year na kami kase mas close na kami, close lang kaya hanggang crush lang pa rin.
Meron din namang nagattempt manligaw sakin, pero ayoko kasi hindi ko alam kung pano ko yun sasabihin sa nanay ko, eh first year pa lang naman ako. Katulad ni Anthony, classmate ko siya. Payat, maputi at mas matangkad lang ng konti sa akin, pero wala eh, friends lang muna :)
Every quarter, nagkakaroon kami ng honor's assembly, at nakataon na kaming mga first year yung host.
As usual, practice dito, practice dyan.
Meron kaming isang intermission number tapos kasali ako, kasali rin si Seth. Yung ibang classmaes namin ngpalit palit ng partner tapos siya pinalitan din ng partner ng adviser namin.
Seth: Sir si Thea na lang partner ko. Haha
Me: Onga sir kami na lang, Kulit kasi nitong si Rence!( Partner ko)
Pero di pumayag si Sir!Sayang naman, pero okay lang di ko naman masyadong dinamdam yun :)
Yun, practice pa rin ng practice hanggang umabot sa last day.
Tapos nung magaayos na ngstage for the event nga, inutusan ako nung adviser namin.
Sir: Anthea, magdrawing ka naman ng gitara at microphone para naman mailagay natin dun sa design ng stage, mukhang kulang kase
Me: Sige sir, dun na lang ako sa may stage po gagawa.
So bale yun, naiwan ako dun sa tabi, gumagawa nung pinapaggawa ni sir habang yung iba kong classmate nagdadaldalan lang kase tapos na yung practice namin.
Biglang lumapit si Seth sakin habang gumagawa ako. . .
Seth: uy!
Me: Oy ano?
Seth: Magpaload ka sa sabado ha?
Me: bakit?
Seth: Basta sa sabado ko na sasabihin
Me: hahaha! Bakit di mo pa ngayon sabihin?
Seth:Magpaload ka nga sa sabado
Me: Bahala ka di ako magpapaload
Seth: Dali na, magpaload ka ha, Lagot ka sakin pag di ka nagpaload!
(Syempre kinilig ako nung time na yun, kami lang yung nandun sa stage nung time na yun tapos parang alam ko na yung sasabihin niya sa sabado. so ayun mukha akong tanga sa sobrang ngiti ko, kaso nga lang may mga umepal)
Lumapit yung mga iba kong clasmate na boys. . .
Anthony: hoy anong ginagawa niyong dalawa diyan?
Vince: Hala anong ginagawa niyo dyan? haha uy!
Me: Gumagawa ako ng electric guitar na ipapangdesign dito sa stage.
Vince: Ah kala ko kung ano, oi Seth tara magrecess na tayo.
Seth: Ano thea, may papabili ka?
Me: Wala sige tapusin ko pa to eh
The next day, Honor's Assembly na! Yung sa First Day HIgh pa yung theme namin nun eh. Hahaha
Succesful naman siya, kasama kami sa mga Honor's ni Seth nun pero mas mataas place ko sakanya.
Dumating na ang sabado :) Friday kase yung assembly.
1 message received.
Seth: Psst
Me: po?
Seth: Akala ko ba di ka magpapload?
Me: Eh di hindi na komagtetext
Seth: uy joke lang!
Me: ano na yung sasabihn mo?
Seth: nahihiya ako
Me: bahala ka. Ge (Pasungit effect kunwari para sabihin niya. Haha pero parang alam ko na sasabihin niya eh :">)
Seth: Gusto kita, noon pa.
Me: Bakit ako? (Haha sobrang kilig :">, Yan na lang nasabi ko di ko alam sasabihin ko eh hahahaha)
Seth: Hindi ko alam basta gusto na kita
Hindi ko na alam sasabihin ko sa sobrang tuwa ko, basta ang saya! Ikaw ba naman sabihan nun ng crush mo at ng pinakang pogi sa campus niya over sa magagandang babae doon. Hay kung alam mo lang, matagal na kitang gusto Seth! :)
YOU ARE READING
Stuck(Timeless Memories)
RomansaA story of Anthea and her memories which she recalls everyday. . . .