First part

423 3 3
                                    

Missing Piece (Niall Horan)

© Hardheadeddouche

PLAGIARISM is defined in dictionaries as the "wrongful appropriation," "close imitation," or "purloining and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions," and the representation of them as one's own original work. (by WIKI)

A/N: Sequel po ito ng ILL FATED BRIDE. Hindi nyo po maiintindihan ito kung hindi nyo nabasa ang ILL FATED BRIDE. So read it first before reading this. Hi to Dea Chaiz WP of FB na friend ko rin. Thank you for being the lead cast of MISSING PIECE. Hope you like i! Wag nyong titigan ang xgram at typos. Magbasa nalang kayo. Xoxo

--

Naniniwala ka ba sa deja vu?

Eh sa panaginip na nagkakatotoo? Naniniwala ka?

Paano kung hindi lang pala ikaw ang nakapanaginip nito at mayroon pang iba?

Paano kung love story ng isang taong kilala mo ang napanaginipan mo?

Paano kung makikilala mo sila? Pero sa pagkakataon yon iba ang mga detalye sa katotohan kaysa sa panaginip mo?

Paano kung isa o dalawa sa kanila napanaginipan rin ito at naaalala pa?

~~

"Congratulation Haz!" Bati ni Niall kay Harry. Today is Harry and her wife Isme's wedding.

Tinititigan ko ang babaeng nasa tabi ni Harry, nakatingin ito kay Niall at ganoon din si Niall sakanya.

"Congratulation Charisse." Sabay na bati ni Niall at ni Zayn sakanya.

"Thank you Zayn.. Niall. Isme nalang." Binigyan nya lang to ng tipid na ngiti bago umiwas ng tingin, she's a bit off while looking and talking to the boys. At para sakin? Tingin ko weird sila.

Weird kasi nandito rin ako, na kasama ko ang lahat ng taong nasa panaginip ko lang noong isang gabi.

"Isme pictureeee!" Sigaw ng baklang Walter ang pangalan.

"Oh wakky." Nakapeace sign na sigaw naman ni Gem.

Hindi ko sila kilala sa personal, hindi ko pa sila nakita noon, ni hindi ko pa nga narinig man lang ang mga pangalan nila.

Si Niall lang ang kilala ko kung tutuusin pero pakiramdam ko lahat sila alam ko na ang pagkatao. Na alam ko na kung ano ang koneksyon nila kay Isme.

Pagkatapos ng shot na iyon ay umupo na kami sa mga tables namin. Niall, Zayn, Liam and Danielle, Louis and Eleanor are with me while the newly weds are on the front.

Nakangiti lang si Harry habang nakatanaw sa lahat habang si Isme nakatitig lang sa asawa nya. Para bang may iniisip sya, para bang hindi sya makapaniwala na ikinasal na sya kay Harry. Ewan ko, siguro nga ganon ang iniisip nya. Pero siguro hindi rin.

Tumingin ako kay Niall na hindi pa rin mawala ang tingin sa bride ng bestfriend nya, na isa rin sa mga ipinagtataka ko. Minsan iniisip ko tuloy kung napanaginipan nya rin ba ang napanaginipan ko.

Na napanaginipan rin ba ni Isme o ni Harry, ni Zayn, Louis, Liam, Gem at Walter ang mga napanaginipan ko patungkol sa kanila. Pero walang sign na nagsasabi na ganoon nga. Maliban nalang sa mga tingin ni Isme sa paligid. May posibilidad kayang alam nya yon?

Si Zayn hindi kilala si Isme dahil kakauwi lang nito galing sa ibang bansa, Louis is a family friend na naging kaibigan ni Isme later on, habang si Liam naman bestfriend lang talaga ni Isme. Ayon na rin yon sa mga naikwento sa akin ni Niall na mula kay Harry.

Walang ni isa sakanila ang may conflicts tungkol sa kasal kasama si Charisse Gonzaga.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko dapat iniisip ang mga ganitong nakakabaliw na bagay. Pero hindi ko mapigilan. Ang hirap hindi isipin.

"Alam mo Dea?" Nilingon ko si Niall at napansin ko na nakatitig pa rin sya kay Isme.

"She's familiar. Hindi ko lang talaga malaman kung saan ko sya nakita eh." Tumango tango ako. Hindi lang sya familiar Niall, napanaginipan mo rin sya kagaya ko at, well at least naniniwala akong napanaginipan mo rin sya. Doon kayo sa panaginip ko o mo nagkita, mahal mo sya at pinakasalan mo pa.

I'm Dea Chaiz. Niall's childhood friend. May kakaibang premonition skills, para bang manghuhula pero sa panaginip lang lahat lumalabas ang mga dapat o hindi talaga dapat nangyayari sa totoong buhay pero nakikita ko pa rin sa panaginip?

Sa panaginip ko si Niall ang dapat pipiliin ni Isme. Na si Harry ang nilapitan nya para magpaalam dito at sabihing hindi nya magagawang magpakasal sakanya dahil si Niall na ang mahal nya.

Pero sa realidad ang lahat ng nasa panaginip ko wala ni isang tumugma, well siguro meron naman.

Siguro yung fact na nagkaroon si Harry ng Alzheimer's disease, na bestfriend ni Isme si Liam at mahal nito si Danielle, na family friend ni Isme si Louis na girlfriend si Eleanor, na wedding planner si Walter at wedding gown designer si Gem. Pero bukod doon wala na. Lahat ng kasal sa panaginip ko hindi totoong nangyari kay Isme.

Bukod doon hindi na totoo na mahal nga ni Niall si Isme at pinili ni Isme si Niall kaysa kay Harry. Patunay na nito ang reception kung nasaan kaming lahat. Patunay na ang paglalakad ni Isme papunta sa altar kanina pati na rin ang mga wedding rings at "I dos" na binanggit nila.

Pero paano kung naaalala ni Isme ang lahat ng nangyari kaya ganyan sya ka stiff sa mismong araw ng kasal nya? Na parang naninibago sya sa taong mahal nya at pinangarap nyang mapangasawa?

Paano kung dahil sa panaginip nya tungkol kay Niall mahulog sya dito at pagsisihan nya na pinakasalan nya nga si Harry?

Hindi ko alam. This is some sort of fantasy. Hindi totoo. Halatang fiction. Pero paano nga kung sa ilang parte ng nasa panaginip ko mangyari ang mga bagay na nandoon at mabago ang lahat ng mangyayari sa realidad?

--

How was it?

Naloloka na ko! Haha. Sana 7 parts lang talaga ang magawa ko dito at hindi na humaba ng humaba. Please do read YOU KNOW I CAN'T. Tagalog FANFIC naman yon ni JUSTIN BIEBER long story yon na ongoing din. :)

BTW sana nagustuhan nyo ang nakakalokong kwento ng ILL FATED BRIDE. Si Dea ang bida dito (pero parang si Isme pa rin.. haha. Ay ewan) Si Isme sa book 1 so... vote and comment! Enjoy!

To be continued..

Missing Piece (Niall Horan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon