Third part

67 2 1
                                    

Missing Piece (Niall Horan)

© Hardheadeddouche

Continuation..

"D'you like her?" Tanong ko sakanya ng matapos ang pag uusap namin ni Isme at makarating kami sa sasakyan, pinagbuksan kami ng driver nya at pumasok na dito.

Hindi marunong mag drive si Niall, hindi sya nag abalang matuto dahil na rin wala syang confidence para dito.

Tumango lang sya ng nakangiti habang kinakagat ang daliri nya, pero ng marealise nya kung anong pagkagusto ang tinutukoy ko ay bigla nalang syang umiling at nagdeny. Tinignan nya ko ng nakakunot ang noo.

"Of course not Dea!" Sigaw pa nya.

Tumingin ako sa labas ng bintana para kahit papaano ay makaiwas sa tingin nya at gumaan na rin ang kalooban ko.

Kahit bawiin mo pa ang mga sinabi mo, alam kong gusto mo sya. Of course you'll deny it, she is Harry's wife, you're bestfriend's wife. Pero kung hindi for sure magugustuhan mo pa rin sya.

Pinihit nya ang balikat ko para mapatingin ako sakanya.

"You're jealous." Nakangisi nyang sabi. Kumunot ang noo ko at itinaas ang kilay sa narinig ko. Tinulak ko rin palayo ang malapit nyang mukha dahil naiilang ako sa presensya ng driver. Hindi ito nakatingin pero nahihiya pa rin ako.

"Of course I'm not!" Sigaw ko.

"Yes you are, hindi ko pa alam kung paano ka magselos pero nararamdaman ko, nagseselos ka." Tumahimik na lang ako, kung makapag usap kami parang walang ibang tao na nakakarinig samin, tumingin ako sa bintana para iwasan ang tingin nya sakin.

He's right but I will not admit it.

Tumawa sya at hinawakan ang kamay ko. "I like it when you're jealous. I can talk to her more often just to see that expression on you." Napatingin ako sakanya ng hindi makapaniwala.

"Niall James Horan!"

Buong byahe namin pabalik sa condo ko ay nakangisi lang sya. Pinaghahampas ko na sya sa braso para mawala ang nakakalokong ngiti nya sa mukha pero wala pa ring epekto, mas nakakatakot pa ang ngisi nya pag nahuhuli kong tumitingin sya sakin.

~~

"Niall not my fridge." Sita ko ng dumeretso sya sa kitchen ng unit ko, nauna pa syang pumasok kaysa sakin.

Umupo ako sa couch at binuksan ang TV, maya maya pa ay umupo na sa tabi ko ang matakaw na si Niall, dala dala nya ang chips at isang pitchel ng orange juice. He's unstoppable pagdating sa pagkain.

"Sa susunod ikaw na ang bibili ng groceries ko." Nakapout na sabi ko habang nakatingin sa TV, tumawa sya at nilagyan nya ng chips ang bibig ko kaya halos mabulunan ako, maraming salamat sa orange juice.

Missing Piece (Niall Horan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon