Missing Piece (Niall Horan)
© Hardheadeddouche
Continuation..
Katulad ng sinabi nya ay tungkol nga sa business ang pinag usapan namin. Naimpress ako sa galing nya mag handle ng mga bagay bagay sa kompanya. Hindi daw nya inisip na mas bubuti ang lagay nito kaysa dati ng sya na ang mag take over, dahil sa natatakot sya sa sasabihin ng iba at naiintimidate sya sa mga tao rito ng unang araw nya. Kinakabahan rin sya tuwing may mga meetings at nakikipagkita sa mga kliyente.
"Hindi naman talaga ito ang gusto ko kung tutuusin, pero yung kapatid ko kasi nag aaral pa, ayaw naman din nyang kunin ang posisyon kung sakali dahil hindi ito ang gusto nya at ayaw nya ng pressure." Kwento nya habang nasa elevator kami.
"Magaling ka naman, hindi ka dapat naiintimidate." Komento ko, nginitian nya lang ako dahil doon. Ng bumukas ang elevator ay bumungad sa amin si Harry.
"Baby." Nakangiti nyang bati sa asawa sabay yakap dito at hawak sa tyan nito.
"Buti pa yung baby binabati mo ako hindi." Nakapout na reklamo ni Isme. Napangiti ako sa tanawin. I never dream of it yet, having a sweet and caring husband and building a family. Pero habang tinititigan ko si Harry at Isme ay parang hindi ko na napigilan hindi mag imagine na sana meron rin ako ng meron sila. Not yet the baby of course. But the love they have for each other.
"Dea?" Sa wakas ay nabalik na sila sa realidad at naisip na nasa paligid pa pala ako.
"Hi." Bati ko.
"Why you're here?" Tanong ni Isme sa asawa.
"I brought you lunch." Sagot ni Harry sabay taas ng hawak nyang lunch box. He's sweet, mararamdaman mo talaga kung gaano nya kamahal ang asawa.
"Good, papunta na kami ng cafeteria para kumain." Habang kumakain kami ay hindi ko maalis ang mata ko sakanila. They're lovely. Mahal nila ang isa't isa at wala yong pagdududa. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik.
"So Dea how are you and Niall?" Biglang baling ni Harry sakin, tinignan ko si Isme at napansin ang hindi mawaring reaksyon nito sa tinanong ng asawa sa akin.
"We're good." Sagot ko at uminom ng juice. Bigla namang nagring ang phone ko at nakitang tumatawag ang pinag uusapan namin. "Speaking of, excuse me." Tumayo ako at lumayo sa mag asawa para sagutin ang tawag ni Niall.
"Hi?" Bati ko.
"You're still with Isme?" Tumango ako sa table ng dalawa at tumango. Nakalimutan kong nasa telepono pala ang kausap ko kaya sinabi kong kasama ko pa rin si Isme at nandito rin si Harry.
"Sabihin mo sakin kung kailangan mo ng driver?" Alok nya. Napairap nalang ako sa hangin. "Bakit ipagdadrive mo ko?" Biro ko.
"Hindi pero sasama ako sa driver sa pagsundo sayo." I feel his smirk across the line na nagpangiti sakin.
BINABASA MO ANG
Missing Piece (Niall Horan)
Fiksi PenggemarNiall Horan tagalog FANFICTION Book 2 of Ill Fated Bride