Sixth part

50 2 3
                                    

Missing Piece (Niall Horan)

© Hardheadeddouche

Continuation..

"Dea wake up!!" Ng dumilat ako ay nakita ko ang nag aalalang mukha ni Niall. Napaupo ako at niyakap sya ng sobrang higpit. Damn thank God panaginip lang ang lahat. Thank God he's still here with me. Thank God hindi pa sya naglalaho kasama si Isme.

"Anong nangyari? Bakit umiiyak ka? Bakit tinatawag mo ko?" Sinubukan nyang kumalas sa pagkakayakap namin at paharapin ako pero hinigpitan ko lang ang yakap ko sakanya. I don't want him asking, I just want him here with me.

"Dea anong nangyayari?" Pinunasan ko ang luha ko at hinila si Niall pahiga sa tabi ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya para maitago ang sa tingin ko'y namamaga kong mga mata.

"Dea?" Ayokong sabihin sakanya. I don't want him to worry over nothing. I just need him here close to me, to assure me na hindi magkakatotoo ang mga bangungot ko.

Damn I'm so delusional. I'm insecure and threatened over my dreams na hindi naman magkakatotoo.

"Just stay here with me." Mahinang sabi ko. My voice croaked and my hands are sweating.

"Paano yung performance ko?" Tanong nya.

"Akala ko ba ayaw mong kumanta?" Tumingala ako sakanya at nakita ang pamumula ng pisngi nya.

"Nagpractice na kasi ako, nag effort ako hindi naman na matutuloy. I can't back out."

Hinigpitan ko ang pagyakap sakanya at huminga ng malalim bago sya pakawalan. "Okay, mauna kana mag aayos lang ako."

"Okay ka lang talaga?" Nag aalalang tanong nya. Huminga ako ng malalim at tumango. Ng makalabas sya ng pinto ay inatake nanaman ako ng pagiging paranoid ko. Ano bang dapat kong gawin?

~~

"Dea okay ka lang?" Sunod sunod na tanong nila sakin. Tumingin ako kay Niall, hawak nito ang gitara at nakapikit na kumakanta ng mahina. Tumango ako sa mga nagtatanong at lumapit sakanya.

"Dea dito ka!" Sigaw ni Danielle, tinatapik nito ang tabi nya na bakante. Tumingin ako sa paligid ng pwestong tinatapik nya at nakita si Isme. Ayon ang eksaktong pwesto namin.  Ayon nga lang ay nasa likod ko noon si Isme, pero ganon pa rin ang layo ni Niall samin.

If that's what will going to happened then I'll block it.

"I'm fine here." Umiling ako at pilit na ngumiti.

Pinilit nila kong umupo sa gitna nila Danielle at Isme pero hindi ako pumayag.

Nakatingin lang si Niall sakin, ng mahuli ko sya ay binalik nya lang ang tingin sa gitarang hawak nya.

Hindi ko alam bakit ganoon ang itsura nya. Pero alam kong malungkot sya. Hindi ko man alam kung anong dahilan ay naguiguilty na ko.

Missing Piece (Niall Horan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon