Second part

135 2 2
                                    

Missing Piece (Niall Horan)

© Hardheadeddouche

A/N: Ignore typos and grammar errors.

Continuation..

Nakakainis pag preoccupied ka ng isang bagay na hindi naman dapat iniisip dahil hindi naman totoo? O malayo naman na magkatotoo?

Simula ng isama ako ni Niall sa kasal ni Harry at Isme ay hindi ko na napigilan ang hindi mag isip. Puro ano? Paano? Bakit ganito? Nakakainis dahil minsan nakakatulugan ko na lang ang pag iisip ng mga posibilidad na pwedeng magyari sa realidad dahil sa panaginip kong yon.

Napa buntong hininga ako. Wala naman sigurong kinalaman ang panaginip ko sa mga pangyayari nung kasal di ba? Nagkataon lang naman siguro na sila ang napanaginipan ko dahil makikita ko sila.

"You're ready to meet her?" Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Niall.

"You okay?" Tanong ulit nya dahil sa nakitang reaksyon ko. Tumango lang ako at huminga ng malalim.

"Wag ka ngang kabahan. Sa mga kwento ni Harry alam kong mabait si Isme."

Hindi naman ako kinakabahan Niall. Hindi ako kinakabahan dahil makikita ko sya at makakausap tungkol sa business, kinakabahan ako kasi nandoon ka, na baka pag nakita ko sya may masabi ako na may kinalaman sa panaginip ko tungkol sainyo at magulo ko ang pag iisip nya.

Ngayon kami pupunta sa kompanya na pinamamahalaan ni Isme, para sa isang project na involve ako. She's a CEO, habang ako naman ay namamahala ng isang bagong tayong private resort na pinamana pa sa akin ng mga magulang ko.

Niall convinced me to talk to her para maging supplier ng mga furnitures na gagamitin sa buong resort. Hindi ako tumanggi dahil na rin asawa naman ito ng bestfriend nyang si Harry at maganda naman daw ang quality ng mga furnitures na inooffer nila.

Pero habang nagdadrive si Niall ay napapaisip ako, kinakagat nanaman kasi nito ang darili nya na ginagawa lang naman nya pag kinakabahan sya.

"Niall anong iniisip mo?" Tumingin sya sakin at tipid akong nginitian.

"Wala naman." Tumingin ulit sya sa daanan dahil na rin sa green na ang traffic light. Gusto ko syang tanungin pero natatakot akong malaman.

Paano kung mahulog si Niall kay Isme dahil sa panaginip ko, nya, nila? Paano kung kaya pala sya ganyan ay natatakot sya na magkatotoo ang panaginip nya?

Weird naman kasi kung tatanungin ko sya kung alam ba nya ang tungkol sa panaginip na yon.

"Niall naniniwala ka ba sa deja vu?" Kumunot ang noo nya, nakatingin lang sya sa daan pero alam kong nasakin ang atensyon nya dahil sa tanong ko.

"Yung parang feeling mo nangyari na yung isang pangyayari?" Nagred light kaya napatingin sya sakin.

"Minsan parang." Kibit balikat nya at kinagat ulit ang daliri nya. Tumango ako at nanahimik nalang. Ayoko syang pilitin alalahanin ang mga detalye dahil kung sakali man na hindi nya alam ang tungkol sa panaginip na sinasabi ko. Panigurado magmumukha lang akong baliw sa paningin nya.

~~

"Nice meeting you again Dea and to you.. Niall." Nakangiti nyang bati sakin bago sya tumingin kay Niall at titigan ito. Napansin ko ang pag iwas ng tingin nila sa isa't isa pagkakita sa titig ko.

The place, their clothes, at ang kung ano ano pang makikita mo sa opisina na to. Eto ang eksaktong nasa panaginip ko. Pagkakaiba lang siguro ay ang presensya ko sa pagitan nila at ang katotohanang kasal na si Isme kay Harry.

"You too Isme." Sagot ko sakanya.

Nagstay kami sa opisina para pag usapan ang agreement na mangyayari. Niall on the other hand was just listening on our conversation while looking at Isme. Pakiramdam ko extra lang ako. Pakiramdam ko hindi ako dapat nandito. Pakiramdam ko pinaglalaruan lang ako ng tadhana kaya ako nasa lugar na to kasama ang dalawang taong nasa panaginip ko.

Ilang oras ang nakalipas ay pumunta na kami sa pagawaan ng mga furnitures. Pinalibot ko ang tingin ko sa magagandang sofas na gawa sa iba't ibang klase, mga lamesa at mga tokador, kama na naiimagine kong magpapaganda sa resort ko. "I'm impressed." Nawala ang ngiti ko ng pag lingon ko sakanila ay nakatingin sila sa isa't isa.

Ng matauhan ay tsaka lang nila ko nilapitan at kinausap tungkol sa mga bagay bagay, kung saan gawa ito, gaano katagal ginagawa, ano ang ikasisira at kung ano ano pa.

Siguro kung hindi ko lang gusto si Niall hindi ko mararamdaman na nagseselos at naiinggit ako kay Isme ngayon. Pero iba ang sitwasyon, gusto ko sya.

At bago ko mapanaginipan ang lahat alam kong gusto nya rin ako dahil na rin sa pag amin nya. Pero ewan ko ba, siguro ganoon lang talaga pag nakakaapekto sayo ang isang bagay na napanaginipan mo. Mahal ko na si Niall bata palang kami pero ngayon, parang ang daming nagbago, isa na roon ang nararamdaman ko kay Niall.

Hindi na ganon katindi, hindi na ganon kamahal pero hindi pa naman tuluyang nawawala. Ganoon pa rin kaya sya sakin? O kayaga ng sa panaginip ko nahulog na rin sya para kay Isme?

Kung hindi ko lang gusto si Niall, kung hindi lang kasal si Isme, kung hindi ko lang nakikita si Harry at ang matinding pagmamahal nya kay Isme, siguro pwede akong matuwa sa namumuong tinginan sa pagitan ni Isme at Niall.

Siguro, baka sakali, na hindi ako maging hadlang sakanila at sa mga posibilidad na pwedeng mangyari.

Hindi man siguro eksakto ang mangyayari dahil sa presensya ko at sa mga katotohanan nakapaligid. Pwede pa ring mangyari ang mga bagay bagay at magkagustuhan sila.

--

To be continued..

Missing Piece (Niall Horan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon