Chapter 4. The truth about Heris's side

42 8 0
                                    

A/n. Naku, gusto ko lang pong e remind ang mga nagbabasang hindi ako bias sa kwento kong to. Kaya nangalap talaga ako ng sides ng bawat tao para maging mas makatotohanan. So let's begin Heris' side at sana, maintindihan din nnatin siya. Sa Pov ko ni Helena kukunin to so gorabels!

 Helena's pov. My gosh! This is so stressful! We have lots of school works to do, problems of the people up there and anything! Pagrereklamo nitong katabi kong si Yna. Nagpangalumbaba nalang ako sa table kung saan kami nakaupo dahil sa dami ng bumabagabag sa isip ko. Gusto kong kausapin ang kapatid ko pero wala akong lakas ng loob para gawin yon. Ate E.V is very close to me, she's like a sister and I love her very much kaya awang awa ako sa kalagayan niya. the way pain goes in her eyes, para na rin akong sinasaksak ng milyong milyong kutsilyo dahil dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko ang magkagalit dahil sa isang lalake lang. Hey! Helena! Are you still with me? Nabalik lang ako mula sa malalim na pag iisip nung niyugyog na ako ni Yna. Sorry. Paghinging paumanhin ko nalang dito dahil wala talaga ako sa isip ko.

Helena I know what's bothering you and it bothers me also. Why not talk to your sister about it? I don't want to see another tention again.

Tumango nalang ako sa suggestion ng kaibigan ko dahil yan naman talaga ang balak kong gawin.

Umuwi nalang ako ng bahay dahil wala na naman kaming class for the whole afternoon. Naabutan kong mmaingay ang treehouse pagdaan ko, siguro nandito na naman ang mga ate at kuya ko sa loob.

 Malapit lang kasi sa may school gate ang treehouse para easy access ang labasan. Umakyat ako para sana makisali sa kasiyahan nila ng hindi kasiyahan ang nadatnan ko.

Napasigaw ako nang nakita kong bumulagta si kuya Rome sa wooden floor ng treehouse. Stop! Sigaw ko! Itigil niyo na yan please! Eeeeeeeeeeee! Tili ko ng hindi  pa rin maawat si kuya Sandro sa pagbugbog kay kuya Rome. Gulat ang rumihistro sa mukha ni kuya Sandro dahil sa nakita ko. Inalalayan kong tumayo si kuya rome dahil natumba siya sa wooden floor at parang napuruhan siya ni kuya Sandro sa panga. Ano bang nangyayari dito? Wala pa naman ang iba at nag aaway kayo? Tanong ko habang ginagamot ko ang putok sa labi ni kuya Rome gamit ang first aid kit. Nag shrug lang ng balikat si kuya Sandro at bumaba ng treehouse. tahimik ko nalang ginagamot ang sugat ni kuya at nang tapos na ako, I've seen pain and longing to kuya Rome's eyes. thank you Helena.

 Instead matuwa ako sa thank you ni kuya, sakit ang bumalatay sa mukha ko dahil nakita ko ang nag aalalang mukha ni Heris sa baba ng trehouse na hinihintay ang pagbaba ni kuya. Binalik ko nalang ang mga gamot na hawak ko sa medicine ccabinet at nag decide na ring bumaba. Lumabas na ako ng gate at sumakay ng tricycle at tuluyan na ngang umuwi. Umakyat ako sa kwarto ko, aabangan ko ang pagdating ng kakambal ko dahill panahon na para kumprontahin siya.  E.v's pov. This is getting worse! Pagrereklamo ni Cara sa amin ng makita ang kalagayan ng treehouse na nagulo dahil kina Sandro at Rome. Aminin ko, nag aalala ako sa kalagayan niya. I want to be beside him but I know, Heris is there to mend his wounds. Nalaman namin ang bugbugan dahil nag text si Helena sa amin about the incident. Gosh this is grose! Anong ginagawa ng boys dyan sa baba? Pagrereklamo ni Denice dahil tapos na naman kaming maglinis at umakyat na rin ang mga lalake. Wow, Sansan, sinakto mo pa talagang kami ang nakatokang maglinis no. Bago mo binugbog tong si Rome. Sabi nitong si Cara and as usual, nag shrug na naman ng balikat ang kaibigan namin.

 Cold as ever juskolord! Sigunda naman ni Denice na nagsimula nang magligpit ng gamit pauwi. Nagkanyakanya na kaming daan, dahil uwian na rin naman.

Helena's pov. Ya, nakauwi na po ba si Heris? Tanong ko sa yaya namin ng for the 5th time, bumaba ako mula sa 2nd floor ng bahay namin. Nako anak, hindi pa rin. Alam mo naman yang kakambal mo, magmula ng magka boypren, gabi na umuwi. Sabi naman niya. O, nariyan na pala ang kanina mo pang hanap Helena!

 Sigaw ni yaya mula sa gate ng may narinig kaming mag doorbel. Umakyat ako ng kwarto ko, dahil dito ko nalang siya sa lobby ng 2nd floor hihintayin. Inabangan ko talaga siya sa staircase ng bahay namin para grand entrance. Hindi ko na kayang magtimpi, lalo na nang makita kong nag aaway na ang mga kaibigan kong tinuring ko na ring pamilya. *pak*

 malutong na magkabilaang sampal ang ginawad ko sa magkabilaang mukha ng kakambal ko. Gulat man ay naintindihan niya ang galit kong tingin sa kanya at ang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Tatalikuran ko na sana siya ng hawakan niya ng marahan ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Galit na tingin din ang binalik nya sa akin at hinila ako papasok ng kwarto ko. Hindi mo kasi naiintindihan ang nangyayari Helena! Wala ka sa lugar ko para intindihin ang mga nangyayari! Oo nga at kakambal kita pero kahit kailan hindi magiging ako, ikaw. Hindi mo alam ang sakit na pinagdadaanan ko araw araw. Magkasama nga kami ni Rome, mahal nga niya ako pero bago mangyari yon hindi mo alam kung ano ang nangyari. Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi mo alam kung paano ako nasasaktan sa tuwing ipagtatabuyan ako ng mga dati ko naring naging kaibigan! Kasalanan ko ba na nag mahal ako? Saka wala na naman sila nung naging kami kaya wala akong kasalanan, naiintindihan Ko naman sila kung nagagalit sila sakin pero Sana naman hayaan ninyo ako na magpaliwanag ng side ko!  Sabi niya habang naluluha na rin. I gestured her to tell me everything. And she did.

Flashback.

Heris's pov. Hindi ko naman talaga intention mangyari to eh. At first hindi ko mahal si rome. Hindi talaga! Kasi nakakatandang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Pero isang araw nagbago ang lahat. Wala na naman sila nung naging kami eh. Let me explain my story to you. And please, I don't need your judgemental mentality here. I just want you to listen. Sigurado ka na ba diyan? Sayang din kasi kung bibitawan mo, dalawang taon din yan rome. Haaaaaaaaaay isang malalim na buntong hininga nalang ang naisagot niya sa akin. Sorry heris pero hindi Kko na kaya to, masyado na siyang selosa na pati ikaw na itinutoring ko nnang nakakababatang kapatid pagseselosan pa niya. Pero rome? Tama na heris. At yun di ko na siya napigilan sa gusto niya. Ang tanging nagawa ko nalang ay samahan siya sa mga araw na nangungulila siya sa dati nitong girlfriend. hangang sa hindi ko na namamalayan na napapamahal na ako sa kanya Sinubukan kong pigilan pero sabi niya wag daw ako matakot na ipakita sa kanya ang nararamdaman ko Makalipas ang ilang araw siya naman ang umamin sa akin. Oo alam naming masyadong mabilis pero sabi nga nila walang mabilis at mabagal sa pagmamahal.

Back to present...

My goodness Heris! What have you done! Sabi kong umiiyak na rin at hindi na mapigilan ang imosyon ko. Halo halong inis, sakit, galit, awa at lungkot ang nararamdaman ko sa mga taong nagkakagulo dahil sa tinatawag nilang pagmamahal. Even my twin, hindi pinaligtas ni kupido. Tinamaan sa maling tao, nagmahal ng maling tao. May chance pa sana si ate at si kuya Rome magkabalikan pero ito siya, pilit ipinaglalaban ang sa tingin niyang tama. A/n. Another bitin chapter hahahahaha! Play niyo nga ang I believe ni Jimmy Bondoc habang nagbabasa? It tells the whole chapter guys promise!

Truth behind a tear (Treehouse Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon