Chapter 5. A truth of a family's love

32 8 0
                                    

Chapter 5. E.V's. Pov. Mabilis lumipas ang mga panahon at ito na ang pinakahihintay naming lahat. Ang graduation namin ni Marcus. Ang lahat ay excited at the same time nalulungkot. Kami kasi ang pinakakaunaunahang graduate ng barkada namin. Nandito kami ngayon sa treehouse naghahanda ng invitations para sa family namin. May consent naman ng school department to pero syempre sa tulong na rin ni Andre.

Guys, sino sa inyo ang may laptop? tanong ni Cara sa mga tao dito sa loob. Si Rome sana, pero wala siya dito eh. Sagot ni Denice sa kanya habang nagtatali ito ng mga ribbons sa tapos nang invites. Sis, baling nito sa akin. Diba alam mo naman ang lock code ng locker niyang ex boyfriend mo? Pakibuksan 

naman para makuha natin ang laptop. May mga invitations pang hindi na print kaya kailangan natin ng computer. Sabi ni Cara habang hawak nito ang flashdrive sa kaliwang kamay at coke in can naman sa kanan. Yeah sure. Susubukan ko, wish ko lang hindi pa niya pinapalitan ang lock code nitong locker niya. Sabi ko as I made my way to rome's locker. Imbes matuwa ako, nasasaktan ako kasi pag pinalitan na niya ang code nun, ibigsabihin lang niyan ay binubura na niya talaga ako sa buhay niya. Wish ko lang mabuksan yan, bukas nalang ang deadline natin kay boss Andre sa pagbibigay ng mga invites na to. Hindi na papayag magpapasok ng kahit sino dito sa treehouse yonn o kaya sa after party ng graduation natin. Sabi ni Marcus hhabang papaakyat dala ang mga inutos ni Cara na mga special papers for printing. Guys, He've change the code. Hindi ko ma access. Maluha luha kong sabi. Agad akong nilapitan ni Denice at hinagod hagod ang likod ko para pakalmahin. Ming it's alright. Code lang yan hmm? Huwag kang mag alala sasabihan ko si James na daanan si Rome at hihiramin natin ang laptop. Pagpapagaan nito sa loob ko. Tinext na nga ni Denice ang boyfriend nitong si kuya James. Hindi naman bawal sa school namin ang magkagusto ka sa teacher mo unless gagawa ka ng offence na lalabag sa first rule ng school. ang huwag gumawa ng mga hindi kanaisnais na mga bagay.

After a while ay umakyat na si kuya James na dala ang laptop ni rome. O Dad, sambakol mukha mo, ayos ka lang? tanong ni Denice sa kasintahan nito. Suspended for a week si Sansan at Rome. Ikaw nalang daw maghatid nito sa kanila. Ev. Sabay lapag ng laptop sa table. A.Ano? K.kuya naman. Nag aalangan kong sabi sa kanya. Sorry, mom's order. Sabay buntong hininga nito. Once si mommy Veronica na ang nag utos, pareho kaming walang nagagawa ni rome. Though she's the first one to know na wala na kami ng anak niya, she's still insisting na magkasama kami ni Rome in any ways she knows. Napa shrug nalang ako ng balikat bilang tanda ng pagsuko. Binuksan na ni Cara ang laptop. Beh, may password ang user account tsk! Ganito ba talaga pag I.T ka? Kailangan secured lahat ng gamit? Tininggnan ko naman ang laptop at tinype ang code  na naisip ko. Ang anniversary namin gaya ng code niya sa locker na pinalitan na nga nya. Nabuksan naman agad ito at hindi ko alam na dahilan kung bakit sumalay ang magandang ngiti sa mga labi ko. Sabi nga ni Denice code lang yan. Bawal malungkot, bawal din ang masaya haaay naku.  Nag start na kami sa printing sakto namang dating ni Andre. Nabubwisit ko  tsk! Reklamo nito sa amin. Bakit brod? tanong ni kuya James habang tinatalian ng ribbon ang buhok ni Denice imbes sa invites niya itali. Kaingit ang sweet haha! *Insert tawang pagak*

Families lang daw natin ang papayagan ni daddy pumasok sa school ngayong year. Hindi tayo pwedeng mag invite ng mga batang juniors and senior high. Pagsasalaysay na nga niya. talaga? Si tito ba ayaw pumayag o pinakiusapan mo na naman siya kasi alam mong iimbitahin ni rome si Heris? Tanong ni Marcus habang tinutulungan si Cara mag fold ng mmga natapos nang invitations at binibigay kina kuya James ang mga ito. Well kasama na yon pero, may mga kaibigan din naman tayo sa mga lower levels eh. Si Helena at si Yna, Syempre kasama na siya kasi family rin naman siya ni kuya james. Si Helena lang ang iniisip ko. Andre replied. Well final decision na yan ni daddy mo. Wala na tayong magagawa. tapusin na natin to para naman maipamigay na natin to sa mga assigned people. Sabi ni Cara. Eh paano ang mga invitations na para kina Rome and the family? Tanong ni Denice habang ako, tahimik lang at walang ginagawa. Eh, si Evs naman ang maghahatid ng laptop ni Rome pauwi eh, siya nalang ang magbibigay. Suggestion ni Marcus. Wow, ang helpful nyo sa pag mo move on ko no? Sabi ko habang tumatawa ng peke. Napa maang nalang sila sa sinabi ko kasi alam nilang kabaliktaran ng nakikita nila sa mga mata ko ang sinasabi ng bibig ko. After ng printing ay umuwi na rin kami lahat. Nag text nalang ako kay mama na dadaan muna ako kina Rome dahil napag utusan ako ng magagaling kong kaibigan na ihatid ang laptop sa bahay nila. But as expected, nadatnan ko si Heris na kasama si Rome sa gate ng bahay nila. Nilagpasan ko lang sila para tuluyan nang makapasok sa bahay nila dahil ayoko silang makita dahil tiyak kong masasaktan na naman ako at baka hindi ko mapigil ang mag breakdown sa harapan ni Rome. Alam naman niyang siya ang weakness ko at ang tanging attension lang ni Rome ang nakapagpagaan ng loob ko.  ever since. Sinalubong agad ako ng yakap ni Mommy Veronica at hindi ko mapigilan ang maluha sa yakap niyang yon. Nandiyan pa rin ba sa labas ang babaeng yan? Hindi ko pinapapasok si rome dito hangang nandito yang girlfriend niya. I still want you for my son anak. I don't see his future to another girl. Hindi ko alam kung hangang saan ako mananahimik. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay alam agad ni mommy kung paano pagagaanin ang loob ko. Kahit paano ay napangiti ako. But mom he doesn't love me anymore. Sinisisi nga niya ako kung bakit nagkandaletse letse ang relationship namin. Since kasi naging kami ni rome, hindi na sila pumayag na tita o tito ang itatawag ko sa kanila. Sumalubong din ng yakap ang daddy Nelson pagkarinig yata ng boses ko. Nakita rin nitong umiiyak na ako sa bisig ng mommy Veronica kaya dali dali siyang bumaba mula sa 2nd floor ng bahay nila at niyakap ako. We still want you for our son. We love you anak. Sabi ni daddy Nelson pagkabitaw nito sa mga yakap sa akin. Tinuyo naman ni mommy ang mga luha ko at inakay ako sa kusina para painumin ng tubig. Mas maganda kung dito ka na mag dinner. Nagluto ako ng favorite niyyong fride chicken ni Rome baka kako gusto mo lang naman. Paanyaya ni daddy sa akin. Sige po gusto ko po yon. Masigla ko nang sabi nang makainom na ako ng tubig pero halata pa rin ang pag iyak sa akin dahil sa may kaunting sipon pa ako at may bakas pa rin ng mga natuyong luha at namamaga ang mga mata ko dahil dito. Ariel! Ariel! Tawagin mo na ang kuya mo without that girl, kahit kailan hindi siya magiging welcome dito! Sinadyang lakasan ni mommy ang boses nito nang tinawag si Ariel, ang nakababatang kapatid ni Rome na sumunod sa kanyang babae. Bumaba naman si Ariel mula sa taas at sumilip sa kusina para e confirm na tinatawag nga siya ng mommy. Ate! Andito ka pala! Sabay takbo nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umalis na rin ito para tawagin ang kapatid niya sa labas na kausap ang girlfriend nito. By the way anak, we are going to Palawan by next week after ng graduation niyo ni Marcus. Alam kasi namin ng dad mo na kaylangan niyong mag unwine. kasama rin kami syempre. Buong family tayong aalis. Kung gusto mo sama niyo na buong kaibigan niyo gastos namin lahat. Sabi ni daddy. Hmm, siguro po may kanya kanya rin silang gawain kaya ok na po ako. Basta po kayo ang nagsabi, pero sasabihan ko sila at sasama po talaga ako. Sabi ko naman at sakto namang dating ni rome. Tinaasan lang siya ng kilay ni mommy, nginuso ako ni Ariel, at sakto ring dumating si ate Caroline, si kuya Jonas at ang girlfriend nitong si ate Shina, at ang bunso nilang kapatid na si Marco. Lahat sila niyakap ako at binati maliban nalang kay rome. Naaalala ko dati, kapag nandito ako sa kanila, didretso agad kami sa room niya para maglaro ng computer games o di kaya manood ng movie, nothing else. nandito pa rin naman ako sa pwesto ko katabi siya sa dining table nila.

Nang makaupo na ang lahat, sinabi na ni dad ang plano niya. Na lahat kami magbabakasyon sa palawan kasama ng buong family ni Rome na every year naman talaga naming ginagawa, kasama ako syempre. Magsasalita pa sana si Rome pero naunahan na sya ni ate Caroline, Hep, no Heris!

Sabi niya. Nagtaas naman ng kamay si rome na parang sumusuko at nagbuntong hininga sign na wala na siyang magagawa.

 Caroline, magpabook ka na ng ticket anak ha? Don't forget to call your husband about this. Excited na rin kaming makasama for the first time si baby sa bakasyon natin.

Tumango si ate Caroline at nag type ng something sa phone niya. Dad, pwede ko po ba isama si Eric? Tanong naman ni Ariel. Oo naman anak! Pati si Ashlie Marco, isama mo na rin. bawal ang intruder dito. Sagot naman ni mommy. Napatingin ako sa side ni Rome at nahuli ko itong may ka text sa phone at may idea na ako kung sino.

 Nga pala bawal tayong magdala ng phones o laptops sa trip alright? Gusto kong mag enjoy tayo. May kanya kanyang mundo na nga tayo rito sa bahay tapos magdadala pa kayo ng phone at hindi tayo mag ba bonding? Hindi pwede yon. Tell Arthur Caroline, bring his family along with him. Napangiti at napatango naman si ate. Ahm, excuse me mom, dad, I have to go na po. Maaga pa po ako tomorrow, bukas na po ang graduation. Ito nga po pala ang tig isa niyong invites. Hindi po kasali si Rome dahil nandoon po naman talaga siya sa school. Ipakita niyo lang po yan sa mga ashers na naka assign doon. At yug laptop ni Rome nasa sofa po sa sala. Tumayo na ako at akma nang aalis nang biglang nagsalita si Rome. Hatid ko lang po si Eluna mom. He is the only one who calls me with that name. Karamihan kasi Ev or E.V ang tawag sa akin. Tango lang at ngiti ang tanging naisagot ng pamilya ng boyfriend ko, hindi ko kayang sabihin ang word na yon, no! Nasa bungad na kami ng gate ng biglang nagsalita si Rome. Let's talk. Pag usapan natin lahat at lahat ng tanong mo sasagutin ko sa bakasyon natin. I'll try to fix everything, sa Palawan Vacation natin. Just please, don't do anything harm. He kissed me on my forehead at pinasakay na ako sa tricycle na nag aabang sa gate na nauna na niyang pinara. Ano ang ibigsabihin nito? Babalik na ba siya? At anong don't do anything harm ang ibig niyang sabihin?

Truth behind a tear (Treehouse Series 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon